Chapter 28

1965 Words

Paglabas ni Lhevie sa restroom ay huminga siya nang malalim. Inayos niya ang kanyang pustura at pilit na ibinuka ang mga palad na kanina pa nakakuyom. “Kaya mo 'to, Lhevie. Isang oras na lang, matatapos din ang dinner na 'to,” pagpapatibay niya sa sarili. Ngunit pagpihit niya sa pasilyo patungo sa kanilang table, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Nakita ni Celestine mula sa gilid ng kanyang mata ang pagdating ni Lhevie. Isang mabilis at tuso na plano ang gumalaw sa isip ng babae. Hindi na siya nag-atubili at bigla niyang hinawakan ang panga ni Niccolo at mariing isinara ang pagitan ng kanilang mga labi. Si Niccolo, na noon ay kalalapag lang ng baso at malalim ang iniisip, ay na-caught off guard. Hindi niya inaasahan ang biglaang pag-atake ni Celestine. Sa loob ng dalawa o tatlong se

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD