Muling bumalik ang ingay ng keyboard at ang seryosong aura sa loob ng Altierre Tower. Nakaupo si Lhevie sa kanyang desk, pilit na tinatapos ang mga report na iniwan niya noong business trip. Si Niccolo naman ay nasa loob ng kanyang glass office, nakatitig sa monitor pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya. Isang protective look na may halong pagnanasa. Biglang tumunog ang telepono ni Lhevie. Isang landline number mula sa eskwelahan ni Andrea. "Hello? Opo, ako po ang Ate ni Andrea. Ano po? O-Opo, papunta na ako. Pasensya na po." Nanginginig ang mga kamay ni Lhevie habang ibinababa ang phone. Agad siyang tumayo at pumasok sa opisina ni Niccolo nang hindi na nagawang kumatok. "Niccolo, sorry. Kailangan kong umalis. Emergency lang sa school ni Andrea," hingal na paalam niya. Bakas sa

