Chapter 10

1556 Words
Kinabukasan ay maingat na naglakad si Lhev pababa papuntang kusina. Hindi pa man nakalalapit ay napangiti na siya nang marinig ang matinis na boses ni Bebang. Nagmamadaling pumasok siya ng kusina at nakitang nagluluto ito. “Super B,” tawag niya rito at kaagad na umupo sa counter ng kitchen. Nakangiting nilingon naman siya ng matanda at tinikwasan ng kilay. “Good morning sa ‘yo, Lhevie. Ano nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Hindi ka ba ginapang ng boss nating pogi?” tanong nito. Natigilan naman si Lhev sa tanong ni Bebang. “Ha?” “Asus! So, hindi nga?” paninigurado nito. “Hindi no, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Baka marinig tayo ni, Sir Nicco ano pa ang isipin niya,” wika niya at hininaan ang boses. Natawa naman si Bebang. “Huwag kang mag-alala. Ganitong weekend ay hindi lumalabas ng lungga si senyorito. Nagpapalaki iyon ng itlog niya’t pagod iyon katatrabaho,” sambit nito. Nag-abot naman ang kilay ni Lhev. Sa isip niya’y baka napagod sa pagpapakasasa sa babae. “Anong mukha ‘yan? Mukhang may chismis ah. Ano? Ginapang ka nga ni, senyorito?” anito. Halata sa mukha ang excitement. Kaagad na umiling naman si Lhev. “H-Hindi ah. Hindi ko siya type. Saka…” “Saka?” “Saka iba ang tinrabaho niya kagabi. Sandali nga, Bebang bakit wala ka kahapon?” tanong niya rito. Halos hindi naman mapuknit ang ngiti sa labi nito. Naminilipit pa ang bibig. “Kashe nagpalamig kami ng bebeqoh sa lodge,” sagot nito. “May anak ka na?” tanong ni Lhev. Natigilan naman si Bebang at sinamaan siya ng tingin. Nagtaka naman si Lhev. “M-May nasabi ba akong hindi maganda?” aniya sa matanda. “Alam mo maganda ka na eh. Malaki ang s**o pero wala talaga. Kung anong kinalaki ng s**o iyon namang kinaliit ng comprehension mo. Hindi mo alam ‘yong lodge? Malamang boyprend ko, bebeqoh nga eh. Punyemas na ‘to,” asik nito. “Pasensiya na, hindi ko sinasadya. Hindi ko kasi na-gets agad,” wika niya. Tinikwasan lamang siya ng kilay ng matanda. “Pero may pumatol pa sa ‘yo? Wow naman,” nakangiting dagdag ni Lhev. Ramdam ng dalaga ang galit ni Bebang nang makitang tumataas baba ang gilid ng labi nito. “Aba’y lintik ka ah! Ano? Porke’t matanda na sa ‘yong paningin wala ng asim? Mas maasim ‘to kaysa sa ‘yo. Taragis ka ah! Dumidilim ang paningin ko sa ‘yo, Lhev. Hindi ko alam kung inosenti ka lang o nananadya ka talaga eh. Kapag talaga ako nawalan ng pasensiya sa ‘yo lalapirutin ko ‘yang u***g mong nakakabwesit tingnan. Ang laki ng dede mo! Akin na kalahati niyan,” singhal nito sa kaniya. Imbis na matakot si Lhev ay natawa pa siya sa matanda. “Relax ka lang, alam mo namang ngayon lang tayo nagkakilala. Saka hindi naman imposible na magka-boyfriend ka at maganda ka naman kahit may edad na,” paliwanag niya. Tila nagustuhan naman iyon ng matanda at ngumiti. Inayos ang sarili saka nagpatuloy sa pagluluto. “Bebang, may girlfriend ba si Sir Nicco natin?” tanong ni Lhev. Natigil naman sa paggisa si Bebang at nilingon siya. “Ba’t mo natanong? Crush mo si boss?” tanong nito. May halong panunukso ang ngiti. “Hindi no, kasi…alam mo ba, kagabi may babae rito. Nakita ko silang may ginagawang kababalaghan,” mahinang aniya at napahawak sa kaniyang mukha nang maalala iyon. “Huwag kang maingay ha, atin lang ‘to,” dagdag niya pa. Napahagikhik naman si Bebang. “So, ano? Nakita mo ba ang hindi pantay na itlog ng senyorito ko? Ano ang masasabi mo sa baston niyang minana niya sa kanunu-nunuan?” taas-baba ang kilay na tanong ni Bebang. “Ha? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Hindi no,” sagot niya. “Ay akala ko nakita mo na rin eh, sayang naman,” sambit nito. Nanlaki naman ang mata ni Lhev. “Nakita mo na ‘yon?” “Aba’y oo naman, ilang beses na. Tuwing naliligo sa pool ang senyorito eh hindi ko naman sadyang makita ang alaga niyang nakatago sa manipis na boxer na ‘yon. Umuumbok kaya gumagana ang aking imahinasyon. Malaki na nga nu’ng tulog eh lalo na kapag gising. Baka maalamat na baston na ‘yon,” anito. Hindi makapaniwala si Lhev sa narinig. “Pero nasa likod ang pool niya ‘di ba? Paano ka nakatingin? Mahirap ang posisyon kung nandito sa loob,” aniya Napiling naman si Bebang. “Aba’y wala kang diskarte kung ganoon. Napakahina mo naman. Siyempre may mga paraan ako. Kapag ayaw may dahilan, kapag gusto may paraan. Nagagawan ko ng paraan dahil mautak ako,” sagot nito. Napakamot naman si Lhev sa ulo niya. “Paano kapag nalaman niya?” usisa ng dalaga. “Aba’y hindi, paanong malalaman eh magaling ako,” sagot nito. “Magaling sa ano?” Kapwa nanlaki ang mata nila nang marinig ang baritonong boses na iyon. “At malaman ang ano?” dagdag pa nito. Hindi makatingin si Lhev sa likuran niya dahil nandoon ang boss nila sa hamba ng pintuan at nakatingin sa kanila. Sumenyas naman si Lhev kay Bebang na siya na magpalusot. “Ah..haha, ano senyorito eh. Magaling sa billiards ba ganoon. Gusto niyang malaman paano mag-billiard. Titira lang naman. Kukunin ang tako lalagyan ng con, este lalagyan nu’ng kulay blue. Tapos titira huwag lang ipapasok ang puti. Kasi ‘di ba? Kapag pumasok ang puti wala na game over na,” paliwanag ni Bebang at alanganing ngumiti. “You want to know billiards?” tanong naman ng boss niya sa kaniya. “O-Opo,” sagot niya kahit hindi naman. “Gusto niya pong tumira eh. Sabi ko’y aba’y mahirap ‘yan. Mabigat ang dibdib niya, mahirap magbalanse kapag titira na. Aba’y kako ako na lang ang titira ba. At sinabi kong mgaling po kayo sa billiard. Kada tirak pasok lahat, maliban sa puti. Napakagaling mo po, senyorito. Lhev, kung sa tirahan lang ay rank 1 itong si senyorito. Magpapatira ka ba?” tanong ni Bebang. “Ha?” Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ni Bebang. Napailing na lamang ang dalaga. Para na siyang malulusaw sa hiya. Hindi niya kayang tingnan ang boss niya. “Ito na lang, magtirahan na lang kayo. Basta huwag lang pasok ang puti at delikado ‘yon,” dagdag pa nito. “Bebang,” sabat ni Niccolo at halatang nagwa-warning ang boses nito. Alanganing ngumisi naman ang matanda at ilang saglit pa ay mabilis ang kilos na nag-excuse papunta sa dirty kitchen sa labas kaya naiwan silang dalawa ng boss niya. Inatake naman ng kaba si Lhev. “Anak ng—“ Napapikit na lang siya at nakagat ang labi sa inis at hiya. “You’re interested in billiards?” tanong ng binata. Hindi niya tuloy alam kung oo ang isasagot o hindi. Pahamak talaga si Bebang. “P-po? Ah, haha o-opo,” alanganin niyang sagot. Tumango lamang si Niccolo saka tumabi sa kinauupuan niya. Nahigit niya ang kaniyang hininga at hindi na maigalaw ang ulo sa sobrang kaba. “About last night…” “Don’t worry sir, hindi ko po iyon ipagsasabi. Aakto po akong walang nakita. Pasensiya na po talaga sa nangyari. Akala ko lang po talaga eh may nanghihingi ng tulong. Pasensiya na po talaga, sa susunod hindi na po ako makikiusyuso,” mabilis niyang sambit. Nakatitig lang nang malalim si Niccolo sa kaniya. “Good, dahil sa susunod na gawin mo ulit ‘yon, I’ll make sure ikaw na ang nagmamakaawa sa ‘kin sa loob,” nakangiti nitong wika. Bawat salita ay may diin at nagdadala ng kakaibang lamig sa spine niya. Napapiksi pa siya nang hawakan ni Niccolo ang kaniyang buhok. Saka natawa ito. “Relax, I’m just kidding. I’m not angry at you, Curiousity kills the cat. Tell me, do you find it disgusting?” usisa nito. “Po?” “What you saw last night, do you find it disgusting?” tanong nito ulit. Hindi naman alam ni Lhev kung ano ang isasagot. Alangan namang sabihin niyang oo. Eh paano kapag nagalit? “Wala po ako sa lugar para magsabi niyan. Sa edad niyo po ay normal lang iyong gawin lalo na at binata po kayo. Wala pong mali roon, ang mali po roon ay nakialam ako na hindi naman dapat,” sagot niya. Tumango naman si Niccolo at hinawakan ang baba niya. Nag-abot ang kanilang paningin. Hindi makagalaw si Lhev. Nahihipnotismo na naman siya sa klase ng titig nito. Ang abuhin nitong mata na para bang nagmamakaawa sa kaniya. “You think so?” sambit nito. Alanganing tumango naman si Lhev. “I will not do it again. Sorry if it makes you uncomfortable,” seryosong wika nito. “Ha?” Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. “Next time, stop being nosy or you’ll get punished,” sagot nito at inayos ang buhok niyang nakatabing. Iilang hibla lang iyon. Niccolo smiled at her. But it didn’t reached his eyes. His eyes were blank. Void of any emotion. Ngayon niya lang napagtanto na may kakaiba talaga sa binata. “Punished?” tanong niya. “Yea, we’ll get there if you won’t fix your act together,” sagot nito. Mabilis na umayos naman sa pagkakaupo ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD