Tahimik ang buong conference room. Isang siywasyong ayaw ni Lhev. Masiyadong tensyonado ang paligid. Idagdag pang puno ng mga taong sanay makipaglaro sa malalaking desisyon ang nasa loob. Seryoso at wala man lang may nagtangkang mag-joke.
Nakatayo si Niccolo sa dulo ng mahabang mesa. He was serious, calm, and omposed.
Bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay sigurado at may pinalidad.
“This deal doesn’t move unless the terms are clear.” Mababa ang boses niya.
Diretso at walang paligoy-ligoy. Tahimik ang mga kaharap niya. Mga taong hindi basta-basta napipikon. Tahinik lang na nakikinig sa kaniya. Manghang-mangha naman sa gilid na nakatayo si Lhev. Bawat salitang lumlabas sa bibig ng boss niya ay malaman at may conviction.
Hawak ang tablet at tahimik na nakikinig.
Bagama’t hindi na niya naiintindihan ang ibang usapan ay nae-entertain siya.
Napasinghap siya nang bahagya nang maramdaman ang pag/vibrate ng kaniyang cellphone. Agad niyang sinilip ang cellphone at may isang mensahe galing sa kapatid niya.
Biglang nanlamig ang kaniyang buong katawan nang mabasa iyon.
“Ate… dinala si Papa sa hospital. Inatake sa puso.”
Parang tumigil ang mundo niya.Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw. Nakatitig lang siya sa screen ng kaniyang cellphone.
“Lhev.”
Napapitlag siya saka napatingin kay Niccolo. Nakatitig na pala ito sa kaniya. Malamig, at mapanuri. Nanginginig ang kamay na tiningnan niya ito.
“P-Po?” mahina niyang sagot.
Halos hindi marinig.
“You’re distracted,” walang emosyon sambit nito.
“Pasensiya na po…” awtomatiko niyang sagot. Pero nanginginig ang boses niya.
Hindi na siya pinilit ni Niccolo. Pero hindi rin siya tinigilan ng tingin nito.
Bumalik siya sa harap at nagpatuloy sa pakikinig sa bagong presentor.
Hindi naman maka-focus si Lhev dahil sa paulit-ulit sa isip niya ang message.
Inatake sa puso ang papa niya at ngayon ay nasa hospital. Napahigpit ang hawak niya sa tablet. Hindi niya mapigilan. Unti-unting namumuo ang luha sa mata niya. Gusto na niyang umalis pero hindi pa pwede. Hindi ngayon, hindi habang may importanting meeting ang boss niya.
Tahimik siyang napapikit. At sa loob ng isip niya ay nagdasal na lamang.
“Please… sana okay lang si Papa. Please, huwag naman ngayon.”
Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas. Hindi niya alam kung paano natapos ang meeting. Ang kaniya lang ay sana matapos na ito.
“Meeting adjourned.”
Parang doon lang siya muling nakahinga.
Nagkagulo ang mga tao sa loob. Nag-uusap. Nag-aayos. Hindi na siya nag-aksaya ng oras.
“S-Sir…” mahina na halos pabulong.
Napalingon si Niccolo.m sa kaniya. Tila naghihintay na magsalita siya.
“M-May emergency po…”
Nanginginig ang boses niya.
“Pwede po ba akong—”
Hindi na siya nito pinatapos.
“Go.”
Diretso at walang tanong. Para bang may ideya na ito sa kinakaharap niya.
Nanlaki ang mata niya saka naiiyak na nagpasalamat.
“P-Po? Salamat po.”
“Go.” This time ay mas malinaw.
“Thank you po…”
Halos pabulong. Halos hindi niya na marinig ang sarili niya. At mabilis siyang umalis.
Halos hindi niya maalala ang biyahe. Hindi niya aintana ang pawis, hirap, at traffic.
Na para bang wala siyang naririnig. Wala siyang nakikita. Ang nasa isip lang niya ay ang ama niya.
Pagdating sa hospital ay halos takbuhin niya ang pagotan ng entrance at front desk.
“Emergency room po?” hingal niyang tanong.
“Diretso lang, ma’am.”
Hindi na siya nagpasalamat at naglakad-takbo na. Pagdating niya ay nakita niya agsd ang ina na nakatayo sa labas at umiiyak.
“Ma…”
Mahina at basag ang kaniyang boses.
Napalingon ang ina niya. At nang makita siya ay mas lalo itong napaiyak.
“Anak…”
Mabilis siyang lumapit dito at yumakap nang mahigpit.
“Ano po ba ang ng nangyari?” nanginginig niyang tanong.
“Inatake ang papa mo…” sagot ng ina niya na halos hindi na makahinga na umiiyak.
“Bigla na lang nahirapan huminga. Ang
g init kasi, ang daming ginagawa…”
Napahigpit ang yakap ni Lhev sa ina niya saka inalo ito.
“Bakit hindi niyo po ako tinawagan agad?” mahina niyang tanong.
May halong sakit. May halong sisi.
“Hindi namin alam kung paano…” sagot nito. “Natakot kami…”
Napapikit si Lhev at napatingin sa pinto ng emergency room kung saan nire-revive ang papa niya.
“Sana okay lang si Papa,” aniya saka napapikit.
“Nasa loob pa… hindi pa lumalabas ang doktor.”
Parang bumigat ang buong mundo. Hindi niya kakayanin kapag may masamang nangyari sa ama niya.
Napaupo si Lhev sa bench sa gilid nang mahina. Parang nawalan ng lakas.
“Ma…” mahina niyang tawag.
“Paano kung…” hindi niya natuloy.
Hindi niya kayang sabihin.
Hinawakan ng ina niya ang kamay niya nang mahigpit.
“Huwag kang mag-isip ng masama…” umiiyak nitong sabi. “Malakas ang papa mo…”
Pero pareho nilang alam na hindi iyon sigurado. Dahil noon pa man ay maswerte na sila na kapag inaatake ang papa niya ay nagiging okay rin agad.
“Kasalanan ko…” biglang sabi ni Lhev.
Napatingin ang ina niya sa kaniya.
“Kung nandito ako… kung hindi ako umalis baka sakaling naalagaan ko siya nang maayos gaya dati,” umiiyak niyang wika.
“Anak…”
“Dapat nandito ako…” dagdag niya, tuluyang napaiyak. “Dapat ako ang kasama niya. Sana nare-remind ko siya lagi sa gamot niya.”
Napahilamos siya sa kaniyang mukha at napahinga nang malalim.
“Hindi mo kasalanan ‘to…”
“Ma…” umiiyak na siya. “Paano kung… mawala siya?”
Hindi sumagot ang ina niya.
Dahil pareho silang natatakot sa sagot.
Tahimik ang hallway.
At sa gitna ng ingay ng hospital no. Sa gitna ng mga taong nagmamadali. May dalawang taong naghihintay.
Nangangamba at umaasang—
Hindi pa huli ang lahat. Hindi gumagalaw si Lhev. Nakaupo lang siya sa bench habang nakatitig sa sahig. Pero wala siyang nakikita.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng ina niya. Pareho silang tahimik. Parehong naghihintay.
Hanggang sa pumitik na ang screen door sa taas. Napatingala sila pareho.Dahan-dahang bumukas ang pinto ng emergency room.
At lumabas ang doktor.
“Dok…”
Agad na tumayo ang ina ni Lhev saka nagmamadaling lumapit. Halos matumba sa pagmamadali.
Sumunod si Lhev na nanginginig.
“Kayo po ba ang pamilya ni Ms Galarosa?” tanong ng doktor.
“Opo… kami po…” sagot ng ina niya, halos hindi makatingin.
Tumingin ang doktor sa kanila. Sandaling katahimikan.
“Atake po sa puso ang nangyari sa kaniya,” mahinahon nitong paliwanag. “Malala po ang naging epekto dahil sa init at pagod.”
Nanlambot ang tuhod ni Lhev.
“Pero…” dagdag ng doktor.
Doon sila kumapit.
“Nagawa po naming ma-stabilize ang kondisyon niya.”
Napahawak sa dibdib ang ina niya.
“Salamat… salamat po…”
Pero hindi pa tapos.
“However…”
Nanlamig ulit si Lhev.
“Kailangan po siyang manatili sa ICU.”
Tahimik ang paligid at nanlamig ang kamay niya.
“Hindi pa po siya tuluyang ligtas.”
Parang binagsakan ng langit si Lhev.
“May posibilidad po na maulit ang atake kung hindi maagapan ang kondisyon niya,” dagdag ng doktor. “Kailangan po ng masusing bantay at tuloy-tuloy na gamutan.”
“Dok…” nanginginig ang boses ng ina niya. “M-Magiging okay po ba siya?”
Sandaling katahimikan.
“Gagawin po namin ang lahat.”
Hindi iyon sagot at alam nila iyon.
“Pwede niyo po siyang makita mamaya, isa-isa lang,” dagdag nito. “Maghanda po kayo.”
Tumango ang ina niya. Hindi na makapagsalita. Pero kita sa mga mata nito ang lungkot, pagkabahala, at pag-aalala. At nang tuluyang umalis ang doktor ay doon na bumigay si Lhev.
Napaatras siya’t napaupo ulit.
Hindi niya napigilan.
“Ma…”
Basag ang boses niya.
“Ano na ang gagawin natin?”
Napatingin ang ina niya sa kaniya.
“Anak—”
“Kasalanan ko ‘to eh, ako dapat ang ate. Hindi ko dapat kayo hinayaan doon,” umiiyak niyabg wika.
Hindi na niya kayang pigilan.
“Kung nandito ako…” dagdag niya, nanginginig. “Kung hindi ako umalis… kung ako ang kasama niya…”
“Hindi mo kasalanan—”
“PERO DAPAT NANDITO AKO!”
Napahagulgol siya.
“Dapat ako ang nag-aalaga sa kaniya…” tuloy niya, halos hindi makahinga. “Dapat ako ang kasama niya sa ganitong oras…”
“Anak…” umiiyak na rin ang ina niya, lumapit at niyakap siya.
“Pinili ko ‘yung trabaho…” mahina niyang sabi, puno ng guilt. “Iniwan ko kayo…”
“Hindi mo kami iniwan. Ginawa mo lang ang tama at nararapat. Bata ka pa at marami kang pangarap.”
“Iniwan ko…” pilit niyang sabi. “Kung wala ako roon, kung hindi ako naghabol ng pera…”
Napapikit siya.
“Baka hindi siya umabot sa ganito…”
Tahimik.
Yakap lang ng ina niya ang sumagot.
“Ginawa mo lang ang kailangan mong gawin,” mahina nitong sabi. “Para sa atin din ‘yon…”
“Pero…” umiiyak pa rin siya. “Paano kung hindi na siya gumising?” Hindi sumagot ang ina niya.
M
Dahil pareho silang natatakot. At sa unang pagkakataon ay hindi pera ang iniisip ni Lhev.
Hindi trabaho. Hindi sarili niya. Kundi iyon ay kung may oras pa ba siyang maibabalik.
Kung may pagkakataon pa ba siyang bumawi. Kung maririnig pa ba niya ulit ang boses ng ama niya na tumatawag sa kaniya bilang anak.
Napahigpit ang yakap niya sa ina niya.
“Ma…,”
“Ayoko siyang mawala…”
At sa gitna ng malamig na hallway, Sa gitna ng mga ilaw na masyadong maliwanag—
May isang anak na unti-unting nadudurog sa takot.
At sa likod ng lahat isang tanong na hindi niya alam. Kung sapat ba ang lahat ng ginawahindi pagsisihan ang mga hindi niya nagawa.