Tahimik ang buong mansyon nang bumukas ang pinto. Dahan-dahan na halos walang tunog. Pagpasok ni Lhev ay para bang mas lalo pang naging mabigat ang paligid.
Pagod na pagod siya. Hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa isip, sa dibdib, sa lahat.
Mabagal ang hakbang niya papasok. Halos hindi na niya maramdaman ang sarili niyang paa. Natigilan siya nang masilayan ang boss niyang nakaupo sa sofa ng malawak na living room. May laptop sa kandungan at mukhang may inaasikasong importante.
Pakiramdam niya ay nakaabala pa ang kaniyang pagdating sa katahimikan ng paligid. Tanging sa bandang kusina lang ang nakabukas na ilaw kaya medyo dim ang kinauupuan ng amo niya.
Sa kabila naman ay tahimik na nagmamasid lang din ang binata. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Ang mabagal na hakbang. At hindi na niya kailangang tumingin para malaman na hindi okay si Lhev.
Dahan-dahang napatingin si Lhev sa kaniya at agad ding napaiwas nang mag-abot ang kanilang paningin.
“G-Good evening po,” bati nito. Kababakasan ang pagod sa boses nitong halos wala ng lakas.
Isinara ni Niccolo ang laptop nang dahan-dahan. Hindi ito nagmamadali. Hindi galit o ano. Walang emosyon sa mukha at hindi niya mabasa kung ano ang gusto nitong sabihin.
“You’re late.”
Kalmado ito at mababa ang boses.
“Pasensiya na po,” hinging paumanhin niya.
Hindi na siya nag-explain agad. Hindi niya alam kung paano magsisimula.
Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid. Sa katunayan ay nahihiya siya sa boss niya.
“Come here,” saad nito.
Napatingin si Lhev sa binata at halatang nag-alangan pero wala rin namang nagawa kundi ang sumunod.
Mabagal siyang lumapit. Hanggang sa tumigil sa harap nito. Hindi siya umupo lalong hindi siya makatingin.
Tinitigan siya ni Niccolo nang matagal. Napalunok naman siya.
At doon niya nakita kung gaano siya kapagod. Namumula ang mata. Maputla ang labi. At parang konting tulak na lang ay bibigay na siya. Niccolo heaved a sigh
“What happened?” he asked.
Napakagat si Lhev sa labi niya. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba.
Pero sa klase ng tingin ni Niccolo ay parang wala rin siyang choice.
“Nasa hospital po ang papa ko,” mahina at basag ang boses niya. Hindi siya nagtanong agad.
Hinayaan lang siya ni Nicco na magsalita
“Inatake po siya sa puso…” dagdag niya.
Matamang nakatingin lang si Nicco sa kaniya kaya nagpatuloy siya.
“Nasa ICU po siya ngayon…”
Napayuko siya. Hindi niya kayang tumingin.
Hindi agad nagsalita si Niccolo. At iyon ang mas nakakapagpaluwag. Hindi siya pinipilit.
Hindi siya sinisingit.
“Kumusta siya?”
“Hindi pa po sigurado…” sagot niya. “Sabi ng doktor eh kailangan pa pong bantayan.”
Napapikit siya sandali para pigilan ang luha.
“Matigas ang ulo ng papa ko eh,” bigla niyang sabi, may bahagyang ngiti pero halatadong malungkot.
“Kahit sobrang init noon ayaw tumigil sa trabaho. Ilang beses na ring pinagsasabihan ni mama ayaw makinig.”
Tahimik lang si Niccolo at nakikinig lang.
“Lagi niyang sinasabi na kaya pa niya…” dagdag ni Lhev. “Na hindi siya napapagod.” Napahinga siya nang malalim.
“Pero alam ko pong napapagod na siya. Hindi lang niya pinapakita. Kaya ako nagpapakasipag sa trabaho para sa kanila. Ayaw kong makitang ngayong may edad na magtatrabaho pa rin. Kaso wala eh, matigas ang ulo,” mahina niyang dagdag.
Unti-unting bumigat ang boses niya.
“Simula bata pa ako siya na po ang gumagawa ng lahat. Kahit may bisyo siya eh hindi naman niya kami nakakalimutan.”
Napangiti siya nang bahagya. Kita ang sakit sa mata nitong mamasa-masa na.
“Hindi siya marunong magpahinga kahit anong sabihin namin. Kung kailan hindi na pagod ang katawan niya saka naman may ganito.”
Napapikit siya.
“Pero mahal na mahal niya kami. Ni minsan hindi niya pinaramdam sa ‘min na pabigat kami o ano.”
Basag na ang boses niya.
“Kahit hindi niya sinasabi ay ramdam iyon dahil iba si papa.”
Halos mabingi si Lhev sa sobrang tahimik ng paligid. Nakikinig lang din naman ang boss niya.
“At ngayon…” napahigpit ang hawak niya sa sarili niyang kamay, “parang bigla siyang humina. Naninibago ako. Hindi ko kaya na makita siya sa ganoong sitwasyon.”
Hindi niya na napigilan ang sarili.
May isang luhang pumatak at sunod-sunod na iyon.
“Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan si papa. Hindi pa ako nakakabawi sa kaniya. Nagsisimula pa lang ako,” umiiyak niyang sambit at napahikbi.
Doon siya tuluyang napayuko.
Tahimik ang buong sala. Hikbi niya lang ang naririnig.
At sa unang pagkakataon ay hindi nakapagsalita si Niccolo agad. Tinitigan lang niya ang dalaga. Hindi bilang boss. Kundi bilang isang taong nasasaktan. Dahil siya man ay dumaan din sa ganoon. Nang mawala ang mommy niya noon, halos kalahati ng buhay niya ay nawala rin. Ang sakit na ‘yon ang humulma sa kaniya kung ano siya ngayon.
“Do you need help?” biglang tanong niya.
Diretso iyon at may lalim.
Napatingin naman si Lhev sa kaniya nang bahagya.
“H-Ha?”
“Financial, hospital, anything.”
Maikli pero may linaw. Nanlaki ang mata ni Lhev sa sinabi nito.
“H-Hindi na po,” mabilis niyang sagot. “Okay lang po may ipon naman po ako kahit papaano.”
Mahina siyang ngumiti.
“Buti na lang po dahil sa mga incentives kahit papaano ay hindi na kasing hirap nang dati,” aniya.
Sandaling katahimikan na naman.
Tinitigan siya ni Niccolo. Parang sinusukat ang sagot niya. Hindi ito kumbinsido.
“Are you sure?”
Mas mababa ang boses nito ngayon.
Tumango naman siya.
“Opo, pasensiya na po ah at nakapagkwento pa ako ng buhay ko,” aniya at napasinghot.
Niccolo just smiled at her a little. Hindi siya pinilit nito o ano man.
“It’s fine, it’s normal that you get sad. It makes you human.”
Pinunasan ng dalaga ang mukha niya at huminga nang malalim. Lalo siyang nakaramdam ng hiya. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi na niya alam kung dapat ba siyang umalis.
“Thank you po,” mahina niyang sabi.
“For letting me go earlier,” dagdag niya pa.
Tumingin si Niccolo sa kaniya saglit.
“Go rest.”
Tumango naman siya.
“Opo…”
Dahan-dahan siyang tumalikod at bago siya tuluyang makaalis ay nagsalita ito.
“Lhev.”
Napahinto naman siya.
“Focus,” sambit nito.
Napalingon siya.
“On what matters,” mababa pero deritso.
Hindi niya alam kung bakit pero parang may ibang ibig sabihin iyon. Tumango naman siya nang mahina.
“Opo…”
At tuluyan na siyang umalis.
Naiwan si Niccolo sa sala na malalim ang iniisip. Nakatingin sa direksyon kung saan siya nawala.
“She refuses help,” mahina niyang bulong.
Pero sa halip na mainis ay mas lalo siyang naging desidido.
“Stubborn.”
A small smile crept on his lips. An idea dawned on him. And he will wait for it to put in action.
Hindi pa man tuluyang nakakabawi si Lhev ay tumunog ang cellphone niya.
“Ate…”
Basag ang boses sa kabilang linya.
Ang kapatid niya iyon. Sa boses pa lang nito ay kaagad siyang kinabahan.
“Bumalik ka na, please hindi maganda ang lagay ni Papa.”
Nanlamig ang buong katawan niya.
“A-Ano?” nanginginig niyang tanong.
“Bigla siyang—” naputol ang boses nito sa hikbi, “may nangyari ulit sabi ng nurse tawagin ka raw namin…”
Hindi na siya nakinig pa.
“P-Punta na ako…”
At bago pa niya maisara ang tawag ay napatigil siya.
“Lhev.”
Napalingon siya at nakatayo si Niccolo sa likod niya. Hindi niya namalayang lumapit ito.
“M-May nangyari po ulit…” halos hindi na siya makahinga. “Kailangan ko pong—”
“Let’s go.”
Hindi na siya pinatapos.
“P-Po?”
“I’ll drive.”
Hindi na siya nakapagtanong. Hindi na rin siya nag-isip. Sumunod lang siya rito.
Tahimik ang biyahe pero hindi siya mapirme sa kinauupuan. Gusto na lang niyang lipatin ang kinaroroonan niya hanggang hospital. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib na parang sasabog na. Paulit-ulit sa isip niya na hindi maganda ang lagay ng kaniyang ama.
Napahawak siya sa damit niya saka tahimik na umiiyak. At sa gilid naman ay tahinik lang na nagmamaneho ang binata at nakatuon sa daan.
Pagdating sa hospital ay halos takbuhin na ito ng dalaga.
“Ma!”
Nandoon ang ina niya. Mas lalo itong umiiyak ngayon.
“Anak…”
“Ano pong nangyari?” halos sumigaw siya.
Hindi agad nakasagot ang ina niya at umiiyak lang ito.
Hanggang sa lumabas ang doktor.
“Family of Mr. Galarosa?”
“O-Opo…” sabay nilang sagot.
Tumingin ang doktor sa kanila.
At sa isang iglap ay alam na ni Lhev.
Hindi iyon maganda.
“Kailangan po nating mag-usap.”
Parang nawalan ng lakas ang tuhod niya.
Sa loob ng maliit na kwarto ay sobrang tahimik.
“Atake po ulit, pero mas malala,” mahinahon na paliwanag ng doktor.
“May pumutok pong ugat sa ulo niya.”
Parang binasag ang mundo ni Lhev sa narinig.
“A-Ano pong ibig sabihin?” nanginginig niyang tanong.
“Severe brain damage,” diretsong sagot.
“At sa ngayon ay nasa coma po siya.”
Napahawak si Lhev sa mesa para kumuha ng lakas doon at nabubuwal siya.
“May chance pa po ba…?” bulong niya.
Sandaling katahimikan. Lalo siyang naiyak.
“Sa totoo lang po,” maingat na sabi ng doktor, “malabo na po siyang magising.”
Tuluyang bumigay si Lhev at napahagulgol.
“Hindi, hindi po pwede…”
“Kung nasa ibang bansa po tayo…” dagdag ng doktor, “may mas advanced na kagamitan doon, mas maraming eksperto, may posibilidad pa po…”
Napatingin si Lhev dito at nabuhayan, kaso nawala rin. Wala silang kakayahan.
“Pero dito po sa ngayon…”
Hindi na nito tinapos. “Panalangin na lang po ang kailangan natin.”
At doon ay tuluyang gumuho ang mundo ng dalaga.
“Ma…”
Napahagulgol siya.
“Ayoko…” umiiyak niyang sabi. “Ayoko siyang mawala. Kawawa naman ang papa ko.”
Niyakap siya ng ina niya. Pareho silang umiiyak.
“Anak…”
M
“Gagawin ko ang lahat…” tuloy niya, halos hindi makahinga. “Ma, gagawin ko lahat…”
Pero hindi niya alam kung paano.
Hindi niya alam kung saan magsisimula.
Hindi niya alam kung kaya ba niya.
Sa gilid ay nakatayo si Niccolo at tahimik na pinagmamasdan sila. Something pinched his cold heart. He vividly remembers how he cried so hard before. Noong nawala ang mommy niya. Siya lang ang nandoon at walang nakiramay. Gusto niyang manigarilyo pero hindi niya rin magawa. Pinagmamasdan niya si Lhev na unti-unting nadudurog sa harap niya.
Kinabukasan ng gabi. Pagbalik ni Lhev sa mansyon ay halos wala na siyang lakas. Mabagal siyang naglakad papasok. Hindi na niya iniisip ang paligid.
“Lhev.”
Napahinto siya.
Nandoon si Niccolo.m sa gilid at nakatayo.
Parang naghihintay.
“Po?” mahina niyang sagot.
“Sit,” anito.
Hindi siya tumanggi.
Umupo siya nang tahimik.
Tinitigan siya ni Niccolo nang matagal.
“I’ll be direct.”
Nanlamig siya. Baka sesesantihin na siya nito kaya hinanda niya na lang ang sarili.
“I can transfer your father abroad.”
Nanlaki ang mata niya.
“I can handle everything. Doctors, hospital, expenses. I have connections outside the country. I can find experts to help your fathers condition,” wika nito.
Parang hindi siya makahinga.
“S-Sir…”
“Full treatment, at may chance siyang gumaling kahit kaunti.”
Napuno ng luha ang mata ni Lhev.
“T-Talaga po?”
“Higher chance than staying here,” sagot nito.
Napahawak siya sa dibdib niya. Ramdam niya ang katiting na pag-asa.
“Please…” bulong niya. “Tulungan niyo po ako. Gagawin ko po lahat ng gusto niyo. Kailangan na kailangan ko po ang tulong niyo,” sambit niya.
Tahimik lang si Niccolo.
“I will.”
Napatingin siya rito at bumubos ang kaniyang luha.
“But—”
Doon siya natigil at nanlamig sa kaba.
“May kapalit.”
Hindi siya nakagalaw.
“A-Ano po ‘yon?”
Tahimik ang paligid.
“Marry me.”
Parang tumigil ang mundo niya sa narinig.
“Po?” Nanlalaki ang kaniyang mata.
“I need a wife,” deritsong saad nito. Wala man lang emosyonv makikita sa mata nito.
“At ikaw—kailangan mo ng tulong.”
Hindi siya makahinga.
“It’s a contract marriage,” dagdag nito.
“I’ll take care of everything. At kapalit nu’n ay you’ll stay by my side.”
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Baka sakaling jino-joke lang siya nito.
Pero sa likod ng lahat, isang tanong lang ang umiikot sa isip niya. Kaya ba niya?
Naghihintay lang si Niccolo sa sagot niya. Nag-aalangan si Lhev pero alam niyang wala na siyang choice.
At ngayon sa kaniya na nakasalalay sng buhay ng ama. At kung tatanggapin niya ba ang presyong iyon.