Chapter 13

1017 Words
Hindi siya pinilit ni Niccolo. Hindi rin siya minadali. “Think about it.” Iyon lang ang sinabi nito. Kalmado na parang wala lang. Pero kay Lhev ay hindi iyon simpleng alok. Buong araw ay wala siyang ibang iniisip. Iyon lang ang tumatakbo sa isipan niya. Nasa opisina siya at nakatayo sa tabi ni Niccolo. May hawak na tablet at nakatingin sa screen. Pero wala siyang naiintindihan. Paulit-ulit sa isip niya ang offer ng binata. Marry me. I can save your father. I’ll handle everything. Napapikit siya sandali at napaisip. Bakit ako? Bakit ako ang pinili niya? Ano ang meron sa ‘kin? Hindi niya iyonmasagot. Minsan ay napapatingin siya kay Niccolo. Tahimik itong nagtatrabaho. Parang walang nangyari kagabi. Ganoon pa rin ang kilos. Kalkulado at kontrolado ang bawat galaw. At iyon ang mas nakakalito. Ang layo ng agwat nila sa estado ng buhay. Kung kailangan nito ng asawa ay marami naman. Iyong mayayaman at hindi katulad niya. Sigurado ba ito sa kaniya o ano? Napahigpit ang hawak niya sa tablet. Hindi niya alam kung tama ba. Kung mali ba. Kung dapat ba siyang matakot. Pero isang bagay ang sigurado siya. Hindi niya kayang mawala ang ama niya. Pagkatapos ng trabaho ay deritso agad siya sa ospital. Tahimik ang ICU. Nakatayo lang siya sa labas at nakatingin sa loob. Nandoon ang ama niya. Nakahiga. Halos hindi gumagalaw. Napapalibutan ng mga makina. Umaasa na lang sa mga aparatus para mabuhay. Napahawak siya sa salamin. “Pa,” mahina subalit basag ang boses. Parang nilalakumos ang dibdib niya habang tinitingnan ito. “Pa, gising na po…” Napapikit siya. May luha nang pumatak. “Hindi pa ako handa,” mahina niyang sabi. “Hindi pa ako handang mawala kayo. Ang dami ko pang gustong gawin para sa inyo.” Napahigpit ang hawak niya sa salamin. “Pa, tulungan niyo ako…” Hindi niya alam kung kanino siya nagsasalita. Sa ama niya o sa sarili niya. Nasa chapel siya pagkatapos. Tahimik ang paligid at malamig. Lumuhod siya saka pinikit ang mata. “Lord,” mahinang aniya. “Hindi ko po alam kung tama ‘to…” Napahigpit ang kamay niya. “Kung dapat ko bang tanggapin. Bigyan niyo po ako ng sign. Hindi ko po kakayanin ito nang mag-isa. Ang bigat na po ng pasan ko, tulungan niyo po ako.” Sandaling katahimikan. Dahan-dahan siyang napamulat at naptingin sa paru-paru na pumasok. At doon niya naintindihan. Hindi niya kailangan ng sign. Dahil matagal na siyang nakapagdesisyon. Kahit ayaw niya. Gagawin niya. Para sa ama niya. Hindi na dapat siya nag-alangan pa. Alas onse ng gabi pagkauwi niya at sobrang tahimik na ang mansyon. Pag-akyat niya sa second floor ay napatigil siya. Nandoon si Niccolo. Nakatayo sa may balkonahe. May hawak na baso ng brandy. Habang nakatalikod. Parang inaasahan siya. Napahigpit ang hawak ni Lhev sa bag niya at nilapitan ito. “Sir,” mahinang tawag pansin niya rito. Dahan-dahan itong lumingon at nagtama ang mga mata nila. “Have you decided?” he asked directly. Napahinga siya nang malalim. “Opo,” sagot niya at napapikit. Sandaling katahimikan. “Pumapayag na po ako,” diretso niyang sinabi. Kahit nanginginig ang boses niya. “Gagawin ko po, para sa papa ko…” Tinitigan siya ni Niccolo nang matagal. Tila naninigurado kung maninindigan ba siya sa sinabi nito. At kahit walang emosyon ang mukha nito. Sa loob ay alam niyang nakuha na niya ang gusto niya. “Good.” Isang salita ang pumailanlang. Lumapit ito sa kaniya nang dahan-dahan. Napalunok naman ang dalaga. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. “At malinaw sa ’yo ang setup?” Tumango si Lhev. “Contract marriage,” mahina niyang ulit. “Without love,” dagdag ni Niccolo. Nanlambot ang dibdib niya. Pero tumango siya. Mas mabuti iyon at kung magkahiwalay man ay hindi problema. “Opo…” “At may isa pang bagay, Lhevie..” Napatingin siya sa binata at nakinig nang mabuti. “Once you marry me, you don’t get to choose which parts of the marriage you acknowledge,” malamig, mababa, at malalim ang boses nito. Nanlamig siya. Hindi iyon maganda. “H-Ha?” Tinitigan siya ni Niccolo nang mataman. “Marital obligations.” Hindi siya agad nakaintindi kung ano man ang tinutukoy nitong obligasyon. “And that includes…” sandaling pahinga, “your obligation to me as my wife.” Parang tumigil ang mundo ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Lhev. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay iba ang tinutukoy nito. “P-Po?” “Sex.” Diresto at walang paligoy-ligoy. Hindi siya makahinga. Napaubo pa siya sa sobrang gulat. Namula siya, nanlamig, nalito. Hindi niya alam kung saan titingin. It made her uncomfortable. She grew up conservative. “Hindi ito laruan, Lhev,” dagdag ni Niccolo. “Kung papasok ka sa kasunduang ‘to, you commit fully.” Parang may kung anong bumigat sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan. Pero hindi na rin niya kayang umatras. Dahan-dahan siyang napayuko. “Naiintindihan ko po,” mahinang sambit niya kahit nanginginig. “Tatanggapin ko po.” Napapikit siya. “Lahat, at paninindigan ko po kung ano ang napag-usapan natin. Makakaasa rin po kayong kapag pagdating ng panahon na hindi niyo na ako kailangan ay wala pong problema sa akin.” Nakapamulsang tiningnan lamang siya ng binata. At sa unang pagkakataon ay hindi na lang siya boss, kundi ang lalaking pakakasalan niya. Kahit walang pagmamahal. Kahit nasa kasunduan ang lahat. Wala na siyang pakialam. Napalunok siya nang lumapit ang binata sa kaniya at hinawi ang buhok niya papunta sa kabilang side. Rinig na rinig niya ang tambol sa puso niya. Parang mawawalan na ng lakas ang paa niya sa klase ng titig nito. Napakagwapo talaga ng binata. Ramdam niya ang bibig ng binata na sa bandang taenga niya. Ramdam niya na sininghot siya nito kaya na-awkward na rin siya dahil nagsitaasan ang balahibo sa katawan niya. “There’s no turning back, once you said yes. All are documented. If you breach our contract, you’ll pay me millions,” sambit ni Nicco. Napatango naman si Lhev. “Gagawin ko po ang makakaya ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD