Chapter 14

1066 Words
Niccolo took a sip on his brandy straight to the bottle and smiled triumphantly. Nilalaro niya ang sigarilyo sa kamay niya at napasipol pa sa tuwa. “Saya natin senyorito ah. Kalma, baka ma-jinx ang kasiyahan,” wika ni Bebang at nilagay ang bagong bote ng inumin. “Shut up, old hag,” sagot naman ni Nicco at humithit ng sigarilyo niya. “Lintik ka talaga, senyorito. Isa ka ngang Altierre, kahit ang sama ng ugali niyo pinapaboran pa rin kayo ng panahon. Nagawa mong asawahin ang babaeng pinapantasyahan mo noon. Buti nakapagpigil ka pa na huwag halikan gayong mabilis kayong tigasan,” deri-deritsang sambit ni Bebang. Matalim na tiningnan naman ni Niccolo ang matanda na ngayon ay alanganing napangiti. “Jas kidding, huwag seryosohin ang sinabi ko na pawang katotohanan lang naman,” bawi nito. “Maybe because the devil dotes on us that’s why, happy?” asik ng binata. “Or maybe kayo po talaga ang debil,” sabat naman ni Bebang. Nilagay ni Niccolo ang sigarilyo niya sa ash tray at nginisihan si Bebang. Iba ang ngiting iyon. Parang may kung anong nakasakay sa batok niya at binubunot ang bawat hibla ng kaniyang buhok kaya napaubo ang matanda. “Pero support kita, senyorito. Alam niyo naman na loyal ako sa ‘yo. Hindi kita kokonsentihin kung hindi ako loyal, palibhasa kasi alam na alam niyo kung paano ako kunin,” wika niya pa at kinindatan ang binata. Nag-abot kaagad ang kilay ni Niccolo sa ginawa ng matanda. “Are you insane?” sambit niya at hindi makapaniwala sa narinig. Huminga nang malalim si Bebang at nagsalin din ng alak sa baso saka ininom iyon. Nakasunod lang ang tingin ng binata sa kilos ng matanda. “Alam mo Nico, matagal ko na ‘tong kinikimkim eh. Alam kong hindi mo kayang sabihin sa ‘kin. Pwede ko pang kausapin si Lhev kung gusto mo. Kung gusto mo lang,” anito. Hindi kaagad naintindihan ng binata ang tinutukoy nito kaya napatitig na lang siya sa matanda. Nagulat pa siya nang biglang nagpapasag ito na para bang sinapian. “What the hell!” “Iyan eh, iyan kasi talaga eh. Dahil sa mga mata mong ‘yan. Dahil sa titig mo na ‘yan lumalambot agad ako,” sambit nito at napahawak pa sa puso niya. Maingat na hinugot naman ni Niccolo ang baril niya sa gilid at napansin iyon ni Bebang kaya napaayos ito ng upo. “Jok lang, ano ka ba? Masyado ka namang seryoso, senyorito. Hehe masyado kayong hot. Hindi kaya ng powers ko. Laki niyan eh,” banat pa nito at pasimpleng napatingin sa bandang hita niya. Kaagad na kinasa niya ang baril kaya mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo si Bebang paalis. Napahawak siya sa sentido niya. Kailan pa kaya siya masasanay sa mga patutsada ni Bebang sa kaniya? “Old freak!” aniya at inisang lagok ang laman ng bote. Ilang sandali pa ay tumunog ang door bell. Lumabas naman si Bebang ng kusina at pumunta sa pintuan saka iyon binuksan. Ramdam niya ang halos paghinto ng kaniyang mundo nang masilayan ang matangkad, malaki, at tigasin din na kaibigan ng amo niya. Si Farinelli. “Hi, Vito,” bati niya rito at ipit na ipit ang boses. Tuwang-tuwa na tiningnan naman siya ng binata. “Hi, B, how are you?” sagot nito at pumasok na. “Ito, iniinda ang kagandahang taglay,” sagot niya. “Nice! Good confidence,” komento nito. Kinilig naman si Bebang sa narinig at nag-excuse para kunan ito ng maiinom. “Niccolo!” anito at umupo sa kabilang upuan na kaharap ng kaibigan. “What are you doing here?” asik naman ni Nicco at nagsindi ng panibagong sigarilyo. “Baka kakapausok mo, nebulizer ang abutin mo sa susunod na araw,” komento ni Vito. “f**k you!” sagot niya at nagsalin ng alak saka ibinigay sa kaibigan. Tinanggap naman iyon ni Vito. “So? Napapainom ka lang naman ng favorite brandy mo kapag may magandang nangyayari sa buhay mo. You’ve had s*x with that woman?” natatawa nitong tanong. Nicco just glared at him. “Shut the f**k up,” aniya at bumuga na naman ng usok. “Mga pogi, ito na ang pulutan niyo. Kung kulang ‘yan ay pwedeng ako. Depende sa mood. Pero hindi ko pa sure ha kung kakayanin ko kayong dalawa. Hindi ko pa na-experience ang threesome eh,” aniya at kumindat pa. Napanganga naman si Vito sa narinig at napangiwi. Pakiramdam niya ay may kung anong dumaan sa kaniyang tiyan at inatake siya ng kaniyang acid. Napalingon siya kay Nicco na tila wala lang. “Bebang, Vito’s single,” nakangiting wika nito. Hindi naman maiguhit ang mukha ni Vito na napatingin sa matanda na ngayon ay parang naipit ng alimango sa kakaibang ekspresyon ng mukha. Hindi niya alam kung nagpapakyut ito o nananakot. “Pogi, ano? Game?” anito na ikinatawa ni Niccolo. Kaagad na lumayo naman ang binata at nginitian si Bebang. “Pass, hard pass period, no regrets,” sagot niya. Tinikwasan naman siya ng kilay ni Bebang. “Pagsisisihan mo, hindi na ako nag-o-offer ulit,” sambit nito. “Damn it!” Niccolo was just laughing so hard. Vittorio looks so helpless and disgusted. “Nakayanan mo ‘yan? She’s so full of herself,” bulong ni Vito sa kaniya. “Nasanay na rin,” sagot niya at umayos sa kaniyang pagkakaupo. “I’ll get married next week,” wika niya. Napaayos naman ng upo si Vito at napatingin sa kaniya. “What? With whom?” usisa nito. Nicco smiled devilishly. “Sino pa ba?” sagot niya. “Asshole! Hahaha you succeeded. Huwag na huwag mong ipapaalam sa public for now. Isabela will kill me. It’s good that you’re doing it in silence. Siguradong hindi pa sila nagkikita since, dahil hindi niya pa ako inaaway,” anito. Tumikwas naman ang kilay ni Niccolo. “Once the wedding is done, mamadaliin ko ang processing ng legal documents namin. I will make sure that within twenty four hours, she is mine. Solely mine,” matigas niyang saad. “Hell bro! You sounds sane,” komento niya at tila hindi makapaniwala sa narinig. “You’re doomed,” dagdag pa nito. He just smiled. He still remembered how her scent intoxicated him. Until now, tuwing naiisip niya ang amoy ng dalaga ay tila nawawala siya sa katinuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD