Ang mansyon ngayon ay nababalot ng huwad na ningning. Nagliliparan ang mga kristal na chandelier, umaapaw ang pinakamahahalagang alak, at ang bawat panauhin ay nakasuot ng mga maskarang gawa sa seda at pilit na ngiti. Ngunit sa likod ng marangyang engagement party na ito ay may nakatagong panganib na tanging ang mga nakakakilala lang sa pangalang Niccolo Altierre ang nakakaalam.
Sa isang madilim na sulok ng malawak na garden, malayo sa ingay ng orkestra at tawanan ng mga elitista ay mahigpit na hinawakan ni Isabela Farinelli ang braso ng kaniyang matalik na kaibigang si Lhev. Kita sa mukha nito ang gulat nang makita siya kanina sa tabi ni Niccolo.
“Lhev, nakikinig ka ba sa akin? Are you even out of your mind?” pigil ang galit na bulong ni Isabela.
Namumutla siya, hindi dahil sa lamig ng hangin, kundi dahil sa takot para sa kaibigan.
Tumingin si Lhevie sa kaniya. Maganda ito sa kaniyang puting bestida, mukhang anghel na ihahain sa altar, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila pagod at walang buhay.
“Isabela, tapos na ang usapan. Nakapangako na ako.”
“Pangako? O tinakot ka niya?” singhal ni Isabela. Lumingon-lingon siya sa paligid, sinisiguradong walang nakikinig.
Ang kaniyang kapatid na si Vittorio ay maaaring kaibigan ni Niccolo, ngunit alam ni Isabela ang sikretong itinatago ng mga Altierre sa ilalim ng kanilang mga negosyo.
“Lhev, hindi mo kilala ang lalaking pakakasalan mo. Niccolo is not just a businessman. He’s a monster. Ang pera niya, ang kapangyarihan niya, lahat ‘yan ay may bahid ng dugo. Shady isn’t even the word for it. He destroys everyone who gets in his way! Ilang beses na kitang binalaan noon, goodness!”
“Huwag kang sumigaw,” pakiusap ni Lhevie, ang boses ay nanginginig.
“I will scream if I have to! Hindi kita hahayaang mabulok sa piling ng lalaking ‘yan! Kailangan mong umalis habang may pagkakataon pa. Habang hindi pa tuyo ang tinta sa kontratang pinapirmahan niya sa iyo!” giit ni Isabela.
Ang kaniyang mga mata ay puno ng determinasyon at labis na pag-aalala.
“Lhev, may mga balita tungkol sa mga taong huling nakatransaksyon niya na bigla na lang nawawala. At ang mga ilegal na kargamento sa pier—”
“At ano ang tungkol sa mga kargamento sa pier, Bela?”
Ang boses na iyon ay parang haplos ng malamig na bakal sa leeg ni Isabela. Sabay na napalingon ang dalawang babae.
Doon, sa ilalim ng anino ng isang malaking puno ng pine ay nakatayo si Niccolo. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang tuxedo, ang kurbata ay bahagyang maluwag, at ang kaniyang buhok ay medyo gulo. Anyo ng isang lalaking relax na relax, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila yelo sa sobrang lamig.
Dahan-dahang lumapit si Niccolo. Ang bawat hakbang niya sa damuhan ay tila tunog ng hatol sa pandinig ni Isabela. Huminto siya sa mismong likuran ni Lhevie at ipinatong ang kaniyang malalaking kamay sa balikat ng dalaga. Isang posesibong haplos na nagpatahimik sa buong paligid.
“Senyorito,” halos pabulong na bati ni Lhevie.
Hindi siya tinignan ni Niccolo. Ang kaniyang matatalim na mata ay nakapako kay Isabela.
“Ituloy mo, Isabela. Mukhang mas marami ka pang alam sa takbo ng negosyo ko kaysa sa sarili kong board of directors. Tell her. Tell her everything you think you know.”
Napalunok si Isabela. Ang tapang na ipinamalas niya kanina kay Lhevie ay biglang naglaho na parang bula. Ang presensya ni Niccolo ay nakakasakal. Ramdam niya ang panganib na nagmumula sa lalaki, ang aura nito na nagsasabing sa isang kumpas lang ng kaniyang daliri ay maaaring magbago ang takbo ng buhay ng pamilya Farinelli.
“N-Niccolo, I was just…” nauutal na simula ni Isabela.
“You were just what? Sinisiraan ang magiging asawa ng kaibigan mo? Sa mismong gabi ng aming engagement?” Isang malamig at mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Niccolo.
“Does Vittorio know you’re here, whispering poisons into my fiancé’s ear?”
Umiling si Isabela, ang kaniyang mga kamay ay nagsimulang manginig. Alam niyang kapag nadamay ang kaniyang kapatid, wala siyang laban. Niccolo dotes on his friends, but he is ruthless to those who cross the line. At ngayon, tinawid ni Isabela ang linyang iyon.
“I’m sorry,” mabilis na sabi ni Isabela, hindi na nagawang tumingin pa kay Lhevie. Ang takot ay mas matimbang kaysa sa kaniyang malasakit.
“I… I should go. Hahanapin na ako ni Kuya.”
“Smart choice,” ani Niccolo, ang boses ay wala nang emosyon. “Give my regards to Vito. And Isabela? Make sure your next stories are about fairy tales. Reality is too bloody for a lady like you both.”
Hindi na lumingon si Isabela. Halos takbuhin niya ang distansya pabalik sa maliwanag na bahagi ng garden, iniwan ang kaibigan sa kamay ng demonyong tinutukoy niya.
Nang mawala na si Isabela sa paningin ay binalingan ni Niccolo si Lhevie. Hinawakan niya ang baba nito at pilit na iniharap sa kaniya. Masuyo ang hawak niya, ngunit may hindi maikakailang babala. Heto na naman siya.
“Nakinig ka ba sa kaniya, Lhev?” tanong nito.
“Hindi,” pagsisinungaling ni Lhevie, bagaman alam niyang huli na siya.
“Good. Because everything she said doesn’t matter,” bulong ni Niccolo habang inilalapit ang kaniyang mukha sa leeg ng dalaga.
Nilalanghap ang pamilyar na bango na nagpapatigas sa kaniyang katawan.
“You are going to be an Altierre. And in this world, there is no place for saints. There is only me, and you. Solely mine, remember?”
Hinalikan niya ang balikat ni Lhevie, isang marka ng pag-aari na hindi na kailanman mabubura ng kahit anong babala mula sa labas. Maaga pa, ngunit para kay Lhevie, tila tapos na ang kaniyang laban. Sa ilalim ng buwan, ang anino ni Niccolo ay tuluyan nang lumamon sa kaniyang pagkatao. Huli na para humindi at umiwas. Kailangan niya itong gawin. Walang lugar ang pagsisisi.
Pagod na pumasok si Niccolo sa kaniyang silid, tinatanggal ang kaniyang butones habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang plano ay tumatakbo nang perpekto. Ang kasal ay sa susunod na araw. Ang mga dokumento ay handa na rin.
Kumatok si Bebang, dala ang isang baso ng mainit na gatas na may halong kung anong pampakalma.
“Senyorito, ang talas ng dila mo kanina ah. Pinaiyak mo yata ang kapatid ni Vito,” puna ni Bebang habang inilalapag ang baso.
“She’s a nuisance, Bebang. She should learn to stay in her lane,” sagot ni Nicco nang hindi lumingon.
“Lahat naman sila nuisance sa ‘yo kapag lumalapit kay Lhev. Hinay-hinay lang, baka sa sobrang higpit mo, mabulunan ang bata,” paalala ng matanda.
Nginisihan lang siya ni Niccolo. “I know what I’m doing. Get out, old freak.”
“Opo, aalis na. Basta tandaan mo, ang pag-ibig na may kasamang takot, parang uling ‘yan. Maitim na, madumi pa sa kamay,” huling hirit ni Bebang bago isinara ang pinto.
Naiwang mag-isa si Niccolo. Ininom niya ang alak sa kaniyang mesa imbis na ang gatas na dala ni Bebang. Sa kaniyang isip, iisang mukha lang ang nakaukit dion, ang mukha ni Lhevie na puno ng takot ngunit sumusuko sa kaniya. At iyon ang pinakamatamis na tagumpay para sa isang Altierre. He smiled devilishly.
———-
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Niccolo. Sa kaniya, ang bawat segundo ay may katumbas na halaga, at ang bawat desisyon ay dapat naisasagawa nang walang maraming sagabal.
Kinabukasan pa lang matapos ang gabing iyon, ang gabing naging opisyal ang kanilang ugnayan sa harap ng mga saksi ay gumagalaw na ang kaniyang galamay.
Tahimik ang buong mansyon. Sa loob ng kaniyang study room ay nakatayo si Niccolo sa harap ng malaking bintana na nakaharap sa malawak na hardin. Ang sikat ng umaga ay tumatama sa kaniyang matikas na tindig, ngunit ang kaniyang aura ay nananatiling madilim at tila hindi tinatablan ng liwanag. Nakasuksok ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks habang ang kanan ay mahigpit na hawak ang cellphone sa kaniyang tenga.
“Prepare the transfer now,” utos niya. Ang kaniyang boses ay parang bakal. Malamig, matigas, at hindi tumatanggap ng pag-aalinlangan.
“Sir, the patient is still in a delicate state, moving him across the globe might—” ang boses sa kabilang linya ay tila nag-aalangan.
“Did I ask for your medical opinion on the risks? I pay you to provide the best medical support, not to doubt my decisions,” putol ni Niccolo. Humigpit ang kapit niya sa phone.
“I want the best team on that flight. Neurosurgeons, private nurses, and a fully equipped life-support system. Do you understand?”
“Yes, Mr. Altierre. Pero ang gastos po ay—”
“I don’t care about the cost,” mariin niyang sabi bago ibinaba ang tawag nang walang paalam.
Para kay Niccolo, ang pera ay kasangkapan lamang. Ang buhay ng ama ni Lhevie ay isang investment, isang paraan upang masigurado na ang babaeng matagal na niyang ninanais ay hinding-hindi na makakaalis sa kaniyang tabi.
—-
Sa kabilang banda ng lungsod, sa loob ng amoy-gamot na pasilyo ng ospital, hindi pa alam ni Lhevie na ang kaniyang mundo ay pinalalakad na ng isang kamay na hindi niya nakikita.
Nagulat ang ina ni Lhevie nang biglang pumasok ang Chief of Hospital sa ICU waiting area. Kasunod nito ang dalawang nurse na may dalang mga dokumento.
“Ma’am, may naka-arrange na po para sa paglipat ng asawa ninyo sa isang world-class neurological facility sa Switzerland,” bungad ng doktor.
“A-Ano po? Switzerland?” hindi makapaniwalang tanong ng ina ni Lhevie. Napahawak ito sa dibdib, tila kinakapos ng hininga.
“Paano po? Wala kaming perang pambayad sa ganiyan, baka nagkakamali po kayo.”
“Complete assistance po ito, Ma’am. Lahat ng papers, transport, doctors, at pati na rin ang pananatili ninyo roon bilang bantay ay nakahanda na. Isang private jet ang magsasakay sa inyo mamayang gabi,” paliwanag ng nurse habang iniabot ang mga papeles para sa pirma.
“S-Sino po ang gumawa nito? Sino ang sponsor?”
“Ang utos po sa amin ay huwag magbanggit ng pangalan, pero ang sabi lang po ay ayaw niyang may maging hadlang sa paggaling ng asawa ninyo,” sagot ng nurse.
Kahit hindi sabihin ang pangalan, alam na nila. Sa buong buhay nila, iisang tao lang ang may kakayahang gawin ito sa isang iglap.
Nang dumating si Lhevie sa ospital, naabutan niya ang kaguluhan ng paghahanda. Nakita niya ang kaniyang ina na luhaang-luha habang yakap ang mga dokumento.
“Ma? Bakit kayo umiiyak? Anong nangyayari?” kabadong tanong ni Lhevie.
“Anak... ang papa mo,” hikbi ng ina.
“Ano? Lumala ba siya?” Halos manlambot ang mga tuhod ni Lhevie.
“Hindi, anak... ililipat siya. Sa ibang bansa. May nagbayad ng lahat. May nag-ayos ng lahat. Lilipad na kami mamayang gabi para maoperahan siya sa Switzerland.”
Napaatras si Lhevie. Tumigil ang kaniyang mundo. Switzerland? Ang pinakamagaling na mga doktor? Alam niyang hindi ito milagro mula sa langit. Ito ay milagrong binili ng isang demonyo.
“Si... Sir Niccolo,” mahinang usal ni Lhevie. Hindi niya kailangang kumpirmahin. Ramdam niya ang bigat ng kadenang dahan-dahang pumupulupot sa kaniyang leeg. Gaan, dahil sa wakas ay may pag-asa ang kaniyang ama at takot, dahil alam niyang ang kapalit nito ay ang kaniyang kalayaan, at utang na loob na kailanman ay hindi niya mababayaran ng kahit anong halaga.
Makalipas ang ilang araw, nasa loob na ng eroplano ang kaniyang ama. Bago tuluyang isara ang pinto ng pribadong jet, mahigpit siyang niyakap ng kaniyang ina.
“Salamat, anak. Salamat sa sakripisyo mo. Alam kong ginagawa mo ito para sa amin,” bulong ng kaniyang ina.
Hindi nakasagot si Lhevie. Napapikit na lang siya habang nararamdaman ang luhang pumapatak sa kaniyang pisngi. Dahil alam niya, simula sa sandaling ito, hindi na lang siya ang may hawak ng sarili niyang buhay. Si Niccolo Altierre na.
Dumating ang araw ng kasal. Hindi ito katulad ng mga napapanood sa pelikula na puno ng saya at musika. Isang pribadong chapel ang pinili ni Niccolo. Malayo, tahimik, malinis, at puno ng mga puting rosas na tila sumasakal sa hangin.
Ilang tao lang ang naroon. Si Bebang, na nakaupo sa unahan, ay kanina pa punas nang punas ng luha sa kaniyang panyo.
“Ang bilis naman nito, parang kahapon lang ay nagluluto pa ako ng paborito ninyong adobo, ngayon ay heto na, mag-aasawa na ang senyorito,” bulong ni Bebang habang nakatingin kay Lhevie.
Nasa bridal room si Lhevie, tinititigan ang sarili sa salamin. Suot niya ang isang simpleng puting gown. Walang borloloy, walang labis, pero perpekto ang pagkakalapat sa kaniyang katawan. Ang kaniyang balat ay maputla, lalong pinatingkad ng puting tela.
“Handa ka na?” tanong ni Bebang habang sumisilip sa pinto.
Matagal bago nakasagot si Lhevie. Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay na nanginginig nang bahagya.
“Kailangan, Super B. Kailangan kong maging handa,” sagot niya at huminga nang malalim.
Iiyak na sana si Bebang nang mapatingin siya sa malaking salamin at ngumiti.
“Taragis na kagandahan ‘to.”
Maski si Lhev ay napaurong na lang ang luha sa narinig.
Sa loob ng chapel ay nakatayo na si Niccolo sa harap ng altar. Nakasuot siya ng itim na suit na tila lalong nagpakita ng kaniyang otoridad at kapangyarihan. Wala siyang emosyon, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila mga agila na nakatutok sa pinto, naghihintay sa kaniyang biktima.
Bumukas ang pinto.
Lumabas si Lhevie. Mabagal ang kaniyang lakad. Sa bawat hakbang niya sa psilyo ay nararamdaman niya ang bigat ng kaniyang desisyon. Nang makarating siya sa harap ni Niccolo ay sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang ngiti si Niccolo. Walang lambing. Tanging ang titig na nagsasabing, “You are finally mine.”
Ang seremonya ay mabilis at diretso. Tila ba nagmamadali.
“Do you, Niccolo Altierre, take Lhevie Galarosa to be your lawfully wedded wife?”
“I do,” sagot ni Niccolo nang walang pag-aalinlangan. Ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa buong chapel.
“And do you, Lhevie Galarosa, take Niccolo Altierre to be your lawfully wedded husband?”
Napahigpit ang hawak ni Lhevie sa kaniyang bouquet. Saglit siyang napapikit at sa kaniyang isip ay lumitaw ang mukha ng kaniyang ama na mahimbing na natutulog sa kama ng ospital. Ang kaniyang ama ang kaniyang lakas. Ang kaniyang ama ang kaniyang dahilan.
“I do,” mahina ngunit malinaw niyang sagot.
Isinuot ang mga singsing. Hindi nanginginig ang kamay ni Niccolo nang isuot niya ang dyamante sa daliri ni Lhevie. Ngunit si Lhevie, halos hindi na makahinga sa tindi ng tensyon.
“You may now kiss the bride.”
Sandaling katahimikan. Hindi tumitingin si Lhevie, pero naramdaman niya ang paglapit ni Niccolo. Humawak ang mainit na palad ni Niccolo sa kaniyang baywang, hinihila siya papalapit. Isang halik ang dumampi sa kaniyang labi na halos mahimatay siya sa kaba. Maikli lang iyon, kontrolado, ngunit sapat upang ipaalala sa kaniya na wala nang atrasan. Ang halik na iyon ay hindi selyo ng pag-ibig, kundi selyo ng pagmamay-ari nito sa kaniya.
Tahimik ang palakpakan. Walang engrandeng selebrasyon pagkatapos. Habang naglalakad sila palabas ng chapel ay hindi sila magkahawak-kamay, ngunit ang kanilang mga balikat ay paminsan-minsang nagdidikit.
Sa unang pagkakataon, hindi na siya ang empleyadong kailangan lang sumunod. Hindi na rin siya ang bisitang pansamantala lang sa mansyon. Siya na ang asawa ni Niccolo Altierre. At sa likod ng lahat ng ito, alam ni Lhevie na ang kaniyang kaluluwa ay tuluyan nang naibenta sa lalaking naglalakad sa tabi niya. The devil is now trying to lay on her bed.