Chapter 16

981 Words
Niccolo’s mansion shine’s like a statue on top of the mountain. Ang bawat sulok ay puno ng mga aninong tila may sariling buhay. sumasayaw sa dingding habang tinatahak ni Lhev ang malamig na pasilyo patungo sa kanilang silid. Ngayong gabi, ang katahimikan ay hindi payapa, ito ay isang bitag na dahan-dahang sumasakal sa kanyang hininga. Paano na? This is her first day as Mrs Altierre. Nanlalagkit siya kaya kaagad siyang naglinis ng katawan. Kakalabas lang ni Lhev sa banyo. Ang suot niyang silk nightgown na kulay champagne ay tila pangalawang balat na kumikinang sa dilim. Ramdam niya ang matatalas na mata ni Niccolo bago pa man niya ito makita. Napalunok siya. Ni hindi man lang niya napansin na nakasunod ito kanina. Nakasandal ang kanyang asawa sa hamba ng pinto ng veranda, ang isang kamay ay nakapamulsa habang ang isa naman ay dahan-dahang iniikot ang baso ng mamahaling whiskey. Ang tanging liwanag ay ang gintong buwan mula sa langit na nagbibigay ng matitigas na anggulo sa perpekto ngunit nakakatakot na mukha ni Niccolo. "You look terrified, Mrs. Altierre," basag ni Niccolo sa katahimikan. Ang boses niya ay malalim, tila isang mahinang dagundong ng kulog sa malayo, puno ng mapanganib na panunukso. Nanatiling nakatayo si Lhev sa gilid ng malambot na kama. Ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng kanyang suot at pilit na pinapakalma ang sarili. “Hindi ako natatakot," mahinang sagot niya, bagaman traydor ang kanyang tinig na bahagyang nanginginig. Dahan-dahang humakbang si Niccolo palapit. Hindi ito ang hakbang ng isang asawang sabik, ito ay hakbang ng isang demonyo na ninanamnam ang bawat sandali ng takot ng kanyang biktima. Ang bawat tunog ng kanyang mga paa sa sahig ay tila pintig ng puso ni Lhev na mabigat, mabilis, at nakakabaliw. Huminto siya sa tapat ni Lhev. Sapat na malapit para maramdaman ni Lhev ang init na nagmumula sa katawan ng binata, at ang amoy ng sandalwood at alak na tila nakakalasing. "Bakit ka nanginginig, Lhev?" bulong ni Niccolo. Inilapag niya ang baso sa side table nang hindi pinuputol ang kanilang titigan. Ang kanyang mga mata ay madilim, tila isang bangin na walang hangganan, humihigop sa lahat ng lakas ng loob ni Lhev. "Malamig haha, m-malamig lang dito sa mansyon niyo," pagsisinungaling niya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Niccolo. “Mansyon natin. At huwag kang magsinungaling sa akin. Alam nating dalawa na ang init na nararamdaman mo ngayon ay hindi nanggagaling sa paligid, kundi sa katotohanang sa loob ng silid na ito, walang makakarinig sa iyo. Nowhere to run, nowhere to hide." Itinaas ni Niccolo ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang gilid ng mukha ni Lhev gamit ang likod ng kanyang mga daliri. Ang lamig ng kanyang balat ay tila kuryenteng gumagapang sa buong katawan ni Lhev. "You feel it? Ang tensyon sa pagitan natin? It’s thick enough to cut with a knife. Ang sarap panuorin kung paano ka unti-unting nilalamon ng sarili mong kaba,” anito. A small smile crept into his lips. Hinawakan ni Niccolo ang baba ni Lhev at pilit itong itinaas upang magtagpo ang kanilang mga mata. Ang titig ni Niccolo ay tila hinuhubaran ang kanyang kaluluwa. "Tonight, I want you to understand one thing," ani Niccolo, ang boses ay naging mas seryoso at mas madilim. “Ang apelyidong Altierre ay hindi lang korona na ipinatong ko sa ulo mo. It’s a mark. It means you are under my shadow. And I love how the darkness looks on you." Inilapit pa ni Niccolo ang kanyang mukha, sapat na para mag-abot ang kanilang hininga. “Gusto mong tumakas, 'di ba? Pero ang totoo, mas lalo kang nag-eenjoy kapag nararamdaman mong wala kang kawala." Hinaplos ni Niccolo ang leeg ni Lhev, hanggang sa tumigil ang kanyang hinlalaki sa mabilis na pintig sa lalamunan nito. “Narinig mo ba 'yan? Ang puso mo, parang isang maliit na ibon na pilit kumakawala sa hawla. Pero alam mo ba kung ano ang paborito kong parte? It’s when the bird stops fighting and starts singing for the one who caught it." "S-Sir... please,"sabat ni Lhev, hindi sigurado kung humihingi siya ng awa o ng higit pa. "Shhh," pagpapatahimik ni Niccolo, habang ang kanyang labi ay dumadampi na sa dulo ng ilong ni Lhev. “I promised to protect you. But protection comes with a price. At ang bayad ay ang buong pagkatao mo. And it’s Niccolo and not Sir. Nasa kwarto ka, wala sa opisina.” Sa isang iglap, nilunod ni Niccolo ang huling natitirang distansya. Ang halik niya ay hindi isang pangako ng pag-ibig. ito ay isang deklarasyon ng pag-angkin. Madilim, mapusok, at puno ng gutom na tila matagal nang kinulong sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang pagkatao. Bawat galaw ng kanyang labi ay nag-iiwan ng markang tila hindi na mabubura. Napahawak si Lhev sa matitigas na balikat ni Niccolo, ang kanyang mga kuko ay bumaon sa telang suot nito habang unti-unti siyang tinatangay ng agos ng emosyong hindi niya maipaliwanag. Ang halik ay lumalim, naging mas agresibo, tila isang labanan ng dalawang kaluluwang pilit nag-aagawan ng hininga sa gitna ng dilim. Bumitaw si Niccolo, ngunit hindi siya lumayo. Nanatili ang kanyang noo na nakasandal sa noo ni Lhev, ang kanilang mga hininga ay nagsasama sa malamig na hangin ng silid. "I could take everything tonight," bulong ni Niccolo, ang boses ay paos at puno ng panggigigil. "But I want to savor this. I want you to lie down on that bed and feel the weight of this silence. I want you to dream of my hands, my lips, and the fact that you belong to an Altierre now." Tinalikuran siya ni Niccolo at dahan-dahang naglakad pabalik sa veranda, muling kinuha ang kanyang baso. Iniwan niya si Lhev na nakatayo sa gitna ng dilim, hingal at nanginginig, habang ang anino ni Niccolo ay tila dahan-dahang bumabalot sa buong silid at sa kanyang buong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD