Chapter 7: “Still hurting" PAGOD na pagod na ibinagsak ni Ice ang kanyang namimigat na katawan sa may sofa. Kakauwi niya lang sa condo nila ng kanyang mga ka-grupo galing sa photoshoot kasama si Serenity para sa upcoming album nito. Sunud-sunod na araw siya na naging busy dahil nagkasunud-sunod din ang schedules nilang dalawa ni Serenity. “Nandiyan ka na pala,” bungad ni Luke sa kanya na may hawak na isang bote ng mineral galing sa kusina. “Mukhang pagod na pagod ka sa itsura mo na iyan.” “Uhm…” paungol niya na sagot dito dahil nakadapa siya sa sofa at ibinaon ang mukha roon sa sobrang pagod. Hindi na niya maiangat ang katawan at gusto na lang niya na matulog doon. Maya-maya ay naramdaman niya na may inihagis sa kanya ang kausap. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at kinuha i

