Chapter 22: What Happened? ALAS-DIYES na ng umaga nang magpunta si Ice sa kuwarto niya. Nakita nito ang pag-alis ni Andrei kani-kanina lang kaya agar itong nambulabog sa kanya. As usual, makikikain ang lalaki. "Ang sarap talaga ng luto mo, lagi akong napapadami ng kain. At dahil diyan, simula ngayon lagi na along makikikain sa iyo.” Ngiting-ngiti si Ice habang naglalagay pa ito ng pagkain sa plato. “Lagi ka namang nakikikain dito, anong bago roon?” “Gusto ko sana na makasama ka rin sa pagkain sa school. I mean, isn’t it cute if we eat together?” "T-tayo? Sabay kakain sa school?!" tanong niya, tumango naman ito bilang sagot. "Balak mo ba akong mapatay? Ayoko! Ayoko talaga!” mariin niyang tanggi sa lalaki. Okay na sana sa kanya iyong ipagluluto niya ito sa araw-araw pero ang sumabay

