Chapter 9: “Bleeding hearts” NAGULAT si Dara nang makita niya ang buong Noble Power doon. Bakas rin sa mukha ng mga ito ang pagkagulat nang makita siya. Tiyak na hindi nila inaasahan na makikita nila siya roon lalo na dahil nandoon si Ice. Agad na lumapit sa kanya ang apat habang nasa likuran naman niya si Luke. “Dara! Ikaw ba iyan?” gulat na tanong ni Zhaun. Napatuptop pa ito ng bibig na akala mo’y nakakita ng multo. Tumango naman siya at nahihiyang lumapit sa kanila. “Kilala niyo rin si ate Dara?” tanong ni Serenity. “Oo naman! Siya kasi ang ex-“ “Ex-anti fan namin!” sagot naman ni Luke. Napatingin sila lahat kay Zick dahil muntik na nitong masabi ang tungkol sa kanila ni Ice. Buti na lamang ay maagap si Luke at nakaisip agad ito ng sasabihin kay Serenity. “Ex-anti fan?” tanong

