Chapter 12: “A cruel world" ANO ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo at nanakit sa iyo ay unti-uti na namang nawawala sa iyo? Ipipilit mo ba ang sarili mo sa kanya o hahayaan mo na lang siyang mapunta sa iba? Nagpakawala si Ice nang isang malalim na buntong-hininga. Maraming gumugulo sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Naiwan silang dalawa roon ni Serenity sa may restaurant na parehas hindi makakibo sa mga nangyari. Ilang minuto na rin ang nakakalipas mula nang umalis si Luke at Dara pero nanatiling nakasara ang bibig ni Ice. He couldn’t find the words to say something nor he couldn’t open his lips to explain it. Bakas sa mukha ni Serenity ang maraming katanungan para sa kanya. Alam niya na naguguluhan ang kaharap na babae pero hindi rin ito nagtanong agad bagkus ay hinintay nit

