Chapter 34: "How To Let Go""OH, anong ginagawa mo rito sa labas? Malamig, ah!" si Ice ‘yon na nagmadaling umakyat at binaba ang dala-dala niya saka hinubad ang suot nitong jacket at marahang isinuot kay Dara. "Okay lang ako," pagtanggi niya. "Galit ka ba dahil hindi ako agad nakauwi?" pilit nitong sinuot sa kanya ang jacket. Umiiling-iling siya rito. “Hindi.” "I'm sorry, si Kuya Roger kasi ang tagal ni—" "Naiintindihan ko... hindi naman ako galit," tumingin siya rito. "M-may sasabihin ako sa iyo, Ice," sabi niya. Tumango ito. "May sasabihin din ako sa iyo. Good news! Tiyak na matutuwa ka!" ngiting-ngiting balita nito. "Nabasa mo na ba iyong mga comment nila sa picture natin?" "Ha? Hindi ba't sinabi ko nang 'wag mo nang basahin pa ang mga iyon.” "Ganito ba ang feeling ng sikat?" ti

