Luke's POV
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin? At bakit ka ba nandito sa Samar?" Bigla ko itong inismiran habang nauunang maglakad. Papunta kami sa ilog kung saan ko ito huling nakita.
"Look, I really need your help..." Nakatalikod ako mula dito pero agad akong napalingon dahil sa sinabi nito.
"Ha? At ano naman 'yon?" naka-nguso kong tanong dito.
"Talagang kailangan palaging masama ang tingin mo sa 'kin, noh?" inis nitong tanong sa akin. Hindi naman ganoon kasama ang tingin ko sa kaniya. Sadyang naiirita lang ako dahil sa tuwing titingnan ko ang mukha niya ay palaging sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa.
"Wala akong panahon para sagutin 'yang tanong mo. Ang tanong ko ang sagutin mo. At among tulong ang magagawa ko, pagkatapos mo akong pagsamantalahan? Kung tutuusin ay kaya kitang i-demanda dahil sa ginawa mo pero–"
"Pero ano? Dahil alam mong mahihiya ka kapag nalaman ng iba at ng mga kaibigan mo na nakipag s*x ka sa 'kin? Gano'n ba?" Talagang nakangisi pa ito sa akin. Wala talaga akong ibnag maramdaman kundi inis sa lalaking ito.
"Walang hiya ka! Kung akala mo, matutulungan kita, pwes, nagkakamali ka! Manigas ka diyan!" sigaw ko dito. Ang kapal ng mukha nito para sabihin iyon sa 'kin.
"We just did what we feel... At alam kong nagustuhan mo–"
"Pwede ba! Lasing ako no'n!" Hindi ko na alam kung anong emosyon pa ang tamang mangingibabaw sa mukha ko. Talagang naninigas ang mga kamay ko dahil sa galit.
Ilang segundo itong napatitig sa akin at saka muling nagsalita. Tila kalkulado nito anf bawat hininga na lumalabas sa ilong ko. Nakkaapag bigay iyon sa akin ng pagkailang. Kapansin-pansin din ang paniningkit ng mga mata nito na para bang sinisigurado nito kaya ako nitong talunin.
"Kung hindi mo ako tutulungan, sisiguraduhin ko na malalantad ang sikreto nating dalawa. Hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa mga kamag-anak mo na nakipag talik ka sa kagaya ko," nakangisi nitong saad sa akin. Doon ko lamang naramdaman ang tindi ng pangamba sa aking dibdib hanggang sa mamutla ang aking labi.
Talagang wala itong sinasantong salita. Sadyang napaka arogante at napaka sama ng ugali nito.
"Ano pa bang tulong ang gusto mo?! Pinatuloy na kita sa bahay namin tapos ngayon tulong na naman?" Hindi ako makapaniwala sa pag-asta nito. Parang kung makapag utos ito sa akin ay dinaig pa ang boyfriend ko.
"Gusto ko sanang samahan mo kami sa Santa Lusiya. Hindi kasi namin kabisado ang lugar na 'yon," Nakatingin ito ng diretso sa akin habang nagsasalita.
"Samahan? Akala ko ba may bibilhin kayong property doon? Bakit kailangan niyo pa akong idamay, Nyt?" Biglang napunta ang aking mga kamay sa aking baywang na tila ba inihahanda ang sarili sa panibagong argumento.
"Dahil ikaw lang ang may alam ng pasikot-sikot sa lugar na 'yon." Bigla naman akong napatahinik sa biglaang pagsagot nito. Sa kabilang banda ay may punto rin naman ito.
Saglit akong natahimik at saka nagsalita.
"Kailan niyo ba balak pumunta don?" tanong ko.
"Bukas na bukas din." Kitang-kita sa mga mata nito ang pagiging interesado at ramdam na ramdam ko na parang may kung ano itong gustong malaman.
Dion's POV
Sana lang ay hindi nito mahalata ang plano namin ni Mark. Kailangan na kailangan naming makapunta at makapag imbistiga sa Santa Lusiya dahil iyon lnag din ang tanging paraan para makakuha kami ng impormasyon.
"Hindi tayo dapat magtagal sa lugar na 'yon..." Iyon ang narinig ko mula kay Luke kaya muling nabaling ang aking tingin sa kaniya.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya pero imbis na sagutin nito ang aking tanong ay napaiwas ito ng tingin sa akin. Mukhang malalim ang iniisip nito. Ilang hakbang ang ginawa nito para magbigay ng distansiya sa pagitan naming dalawa.
"Matagal nang wala ang tatay ko at doon sa Santa Lusiya siya nawalan ng buhay, hindi na namin binalak ni mama na balikan ang lugar na 'yon..." Nakikinig lamang ako kay Luke habang nakatanaw ito sa mga puno ng saging.
Hindi ko napigilan ang sarili para lapitan ito.
"Ano bang nangyari sa kaniya?" Dahil sa tanong ko ay dahan-dahan ako nitong binigyan ng nagtatakang tingin.
"Pinatay siya. Walang awa siyang pinatay. Dating pulis ang tatay ko. Isa siyang magiting at matapat na pulis at lahat ng serbisyo niya ay nagagawa niya nang mabuti. Kahit na ganito ako, minahal ako ng tatay ko... Minahal ako ng mga magulang ko... Pero hindi dito matitigil ang lahat. Sisiguraduhin ko na darating ang araw, magbabayad ang taong walang awang pumatay sa kaniya..." Kahit diretso nito iyong sinabi sa akin ay talagang tumatagos ang sakit ng mga salita nito.
Wala akong salitang mabuo sa aking bibig para sabihin kay Luke. Isa lang ang alam ko sa ngayin at iyon ay ang panunumbalik ng kalungkutan nito.
"Sorry to hear that," nakayuko kong sabi. Hindi ko alam kung paano mawalan ng mga magulang. Marami akong pagkakamali na nagawa at kabilang na roon ang pagsuway ko sa aking mga magulang. Pero alan ko rin na hindi mali itong ginagawa ko.
"Ayos lang... Hindi pa rin talaga ako masanay na wala na si tatay..." Napatingin si Luke sa akin. Napangiti ito. Ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon kahit na may bahid ng lungkot ay kitang-kita pa rin na bagay iyon dito.
"Pasensiya ka na kung pinipilit kitang tulungan kami ni Sky..."
"Walang anuman 'yon... Siguro oras na rin para dalawin ko ang lugar na 'yon..." Muli nitong ibinalik ang paningin sa puno ng mga saging.
"Anuman ang nararanasan mo ngayon, alam ko na darating ang araw na magiging masaya ka. Kahit wala na kayo ni Jake," sabi ko dito.
Tila nabigla naman ito sa huling sinabi ko kaya bigla itong napatingin sa akin.
"Bakit mo ba ako kinukulit at inaasar diyan sa lalaking 'yan? Wala na nga kami. Kaya ako pumunta dito para makalimot pero pinapaalala mo naman." Bigla akong nataranta sa sinabi nito. Bumalik ang ini sa mukha nito.
"Sorry... Nag-aalala lang talaga ako." Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Pero nang tingnan ko si Luke ay parang iniitindi nito ang mga sinabi ko. Napangiti ito pero dahan-dahan namang naglakad palayo.