*Chapter Thirteen*

1174 Words
Dion's POV Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa katawan ni Luke. Sadyang hindi ko makalimutan ang hulma ng katawan nito. Kasalukuyan itong naliligo sa ilog at maiging nakikipag laro sa dalawang babae. Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin ang nangyari sa amin. "Kuya Dion! Halika na po!" sigaw ni Lenlen. Nakakatuwang tingnan ang tatlo. Ngumit lamang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung makikisabay ako sa kanila gayung masyado akong naapektuhan sa presensiya ni Luke. "Ako na lang!" presenta naman ni Mark. Awtomatikong sumama ang tingin ko kay Mark dahil sa sigaw nito. Bago pa man din ako makapagsalita ay malaya na itong nakisabay sa tatlo. Napuno ng tawanan ang mga ito hanggang sa nakaramdam na lang ako bigla ng inis dahil sa paglapit ni Mark kay Luke. "Kuya Luke! Halika na po!" sigaw naman ni Jennylyn. Nang tingnan ko ito ay tila tumagos naman ang paningin ko at diretsong napunta sa mga labi ni Luke. Basang-basa ang buhok nito na halatang tumutulo pa sa pinaka dulo ng mga hibla ng buhok nito. Ang mapula nitong labi at ang maputi nitong balat ay sadyang tumitingkad gawa ng sikat ng araw. "Wala na... Natulala na..." Narinig ko na sinabi iyon ni Mark kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Pupunta na ako," agad na sabi ko at saka ako naglakad palapit sa mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang titig ng mga ito sa katawan ko. Saglit pa akong napatingin sa ibabang bahagi ng aking katawan kung anong mayroon. "May problema ba?" tanong ko sa kanila. Naabutan kong napapilig ng ulo si Luke at ito pa mismo ang naunang sumagot sa tanong ko. "Wala naman," agad na sabi nito at saka mabilis na iniwas ang tingin mula sa akin. "Wow kuya nag-gy-gym ka po ba?" manghang tanong sa akin ni Lenlen. May hiya man para sa akin dahil sa sinabi nito ay sinagot ko pa rin ito. "Oo, Lenlen... Kailangan kasi sa trabaho." Nang sabihin ko iyon ay tila nabigla naman si Mark. Muntik ko nang makalimutan na sikreto lamang ang aming trabaho. "Ah, ang ibig niyang sabihin, gym instructor kasi siya kaya kailangan sa trabaho..." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa paliwanag ni Mark. Napatango-tango na lang si Lenlen. "Tara na po, ligo na tayo!" Mabuti na lamang at hindi na nagtanong na ang batang iyon. Napatingin ako kay Mark na parang lalapain na ako dahil sa sama ng tingin nito sa akin. Agad itong lumapit at saka ako sinermonan. "Ano bang iniisip mo? Bakit mo sinabi 'yon?" iritado nitong tanong sa akin. "Pasensiya na. Nabigla rin lang ako," tugon ko. Napakamot na lang ito sa likod ng ulo. "Dapat talaga, ibahin na rin natin ang tawagan natin sa isa't isa para hindi tayo mapaghinalaan ni Luke. Nyt, 'yan dapat ang itawag ko sa 'yo. Napaka importante ng assignment natin dito sa Samar kaya 'wag nating sayangin ang pagkakaton para makasali tayo." Nakikinig lamang ako sa paliwanag ni Mark. Sa kabilang banda alam kong tama ito sa nga sinasabi. Kung palagi naming tatawagin nag isa't isa gamit ang totoong pangalan at talagang mabubuko kami ni Luke at hindi pwedeng mangyari iyon. "Naiintindihan kita, Mark– este, Sky." Naningkit ang mga mata nito na para bang pinagbabanataan ako nito. "Be careful, Nyt." Iyon na lang ang sinabi ni Mark at saka umalis. Napatingin ako sa kanila habang patuloy ang mga ito sa pagligo. "Kuya Nyt! Tara na po!" muling tawag sa akin ni Lenlen. Napangiti na lamang ako dahil sa kakulitan nito. Agad akong kumilos at patakbong pinuntahan ang kinororoonan ng mga ito. Luke's POV "Tiya Lorna, sina Nyt at Sky po pala... Mga kaibigan ko po..." Kakatapos lang namin maligo sa ilog at agad kaming dumiretso sa bahay ni tiya Lorna. Kasalukuyan kaming nasa hapag nang dumating si tita. Kitang-kita ang gulat sa mukha nito habang nakatitig sa dalawang bisita sa bahay. Akma namang tatayo sina Nyt at Sky para pormal na magpakilala nang biglang magsalita si tiya Lorna. "Sinong nagsabi na pwede kayong pumasok sa pamamahay ko? Luke, mahigpit ang pagbabawal ng barangay na ito para sa mga taong hindi natin kilala," seyusong saad ni tiya Lorna. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil doon. Wala rin akong ibang maisip na sasabihin. "Wala po kaming balak na masama... Gusto lang po namin humingi ng tulong. Meron po kasi kaming bibilhin na lupain sa Santa Lusiya at gusto po sana naming magpasama kay Luke–" Hindi pa natatapos sa pagpapaliwanag si Nyt nang mabigla kaming lahat dahil sa matinding salita ni tiya Lorna. "Ano?! Hindi pwede! Luke, alam mong hindi pwede 'yon? Baka nakakalimutan mo na ang nangyari sa ama mo?" Kung kanina ay nakatingin ng diretso si tiya Lorna kay Nyt, ngayon naman ay pinandidilatan ako nito ng tingin. Huminga ako ng malalim bago sumagot kay tiya Lorna. "Tiya Lorna, alam ko po 'yon pero kaunting tulong lang naman po ang kailangan nila at wala naman po akong nakikitang mali para tulungan sila," pagdadahilan ko. Sunod-sunod naman ang pag-iling nito. "Hindi mo naiintindihan, Luke. Maraming nakakakilala sa 'yo sa Santa Lusiya at alam ko rin na malamang inaabangan lang nila na balang araw ay babalik ang tanging saksi sa pagkamatay ng ama mo. Alam mong ikaw 'yon, Luke." Napaka seryuso ni tiya Lorna. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bagay na iyon pero ilang taon na rin ang nagdaan. Panahon na para pormal kong simulan ang pag-iimbistiga sa pagkamatay ni tatay. Pero sa ngayon, alam kong sa akin lang makakahingi ng tulong itong sila Nyt at Sky. Hindi pinapayagan ni tiya Lorna ang dalawang anak na makapunta sa lugar kung saan namatay ang aking ama. "Tiya, ilang taon na po ang nakakaraan. Panahon na para harapin ko ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni tatay. Gagawin ko ang lahat para lang magbayad ang taong pumatay kay tatay. Pero tiya, wala po silang ibang makakasama kung hindi niyo ako papayagan..." Nakatingin lamang ako dito. Ramdam ko rin na nakikinig lamang si Nyt at Sky sa pag-uusap namin ni tiya Lorna. Ilang ulit na napatingin si tiya Lorna sa akin hanggang sa naging sunod-sunod din ang malalim na paghinga nito. "Hindi ko gusto na mangyari ulit ang sinapit ng ama mo, Luke. Alam ko na naging kabado rin ang nanay mo na magbakasyon ka rito sa Samar. Ang gusto ko lang ay mag-ingat ka." "Alam ko naman po 'yon tiya," agad na sabi ko. Napatingin si tiya Lorna sa dalawang panauhin. "Mga taga Maynila kayo? Kung pakay niyo na bumili ng lupain sa Santa Lusiya, at kung gusto niyong magpasama kay Luke, siguraduhin niyo na ligtas ang pamangkin ko." Sa wakas ay ngumiti na rin si tiya Lorna pero ramdam ko pa rin ang pangamba nito. "Sisiguraduhin po namin," agad na sabi ni Nyt. Madaling kausap si tiya Lorna basta't mabait at magalang lamang ang kumakausap dito. Pagkatapos ng seryusong usapan ay saka ko naman inanyayahan si tiya Lorna na sumabay na sa hapag kainan. Naging maganda ang takbo ng usapan hanggang sa nagsimula na nga itong magtanong tungkol sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD