*Chapter Fourteen*

1314 Words
Dion's POV Hindi talaga ako makapaniwala na pinapagawa sa akin ito ni Luke. Ni hindi ko nga alam kung paano gumawa ng isang bahay na laruan lamang paano pa kaya kung iyong totoong bahay na? "Tapos ka na ba diyan? Gusto mo bang mag meryenda?" Napatingin ako sa may bintana at naroon ang nakangiting tao na dahilan ng aking inis. "Nang aasar ka ba, Luke?" tanong ko sa kaniya. Halata naman na hindi nito mapigilan ang tawa kaya mas lalo lamang akong naiinis sa ginagawa nito. Kanina pa wala si Mark dahil ito ang naghahanap ng mga gagamitin para makagawa kami ng maliit na kubo. Pinasadya ni Luke sa amin na itabi anv kubo sa bahay na tinutuluyan nito para makasiguro ito na totoo nga kami sa aming sadya. Alam ko na mahihirapan ako na gawin ito dahil wala akong karanasan sa paggawa ng bahay pero wala na rin kaming pagpipilian ni Mark. Kailangan namin ng tulong ni Luke. "Hindi ako nang-aasar. Ako na nga 'tong concern sa 'yo, tapos ako pa 'tong inaawat mo," pagdadahilan nito. Hindi ko alam pero tila may kung anong kiliti sa akin ang biglang nabuhay pero pinilit kong hindi iyon intindihin. "At kailan ka pa nagkaroon ng concern sa 'kin?" naniningkit na tanong ko sa kaniya. Agad itong napaiwas ng tingin at parang naghahanap ng mga salita sa hangin na dapat sa akin. Wala akong ibang magawa kundi ang mapangisi na lamang. "Ewan ko sa 'yo. Ihahanda ko na lang ang meryenda niyo ni Mark." Agad itong nawala at saka ko naman naisip ang mga sinabi ni Luke. Pakiramdam ko ay dapat pa rin akong magpasalamat kay Luke dahil pumayag ito sa gusto ko. Kahit sa pagkain lamang ay mabigyan sila ni Mark ay ayos na ayos na sa amin iyon ni Mark. Hindi kasali sa misyon namin ni Mark ang panggastos para sa pagkain at sadyang wala kaming ibang mahihingian ng tulong kundi kay Luke lamang. Kung tutuusin ay tama si Luke. Talagang hindi kami magkakasya lahat sa bahay na tinutuluyan nito dahil maliit lamang iyon kaya mapipilitan kami ni Mark na gumawa ng kubo. "Siguraduhin mong masarap!" sigaw ko. Bago pa man ito tuluyang umalis ay agad ako nitong binigyan ng inis na mukha. Natawa na lamang ako. "Oo na!" sigaw nito. Hindi ko na namalayan na nadala na rin ako sa aking emosyon at panay ang aking ngiti. "Mukhang ang saya mo ngayon ah?" Halos mahawakan ko na ang aking dibdib dahil sa gulat. Kahit kailan talaga ay hindi na ako binigyan ni Mark ng pagkakataon para kausapit ng matino. Ang hilig-hilig nitong manggulat. "Mark, sa susunod na gulatin mo pa ako, ikaw ang mamartilyuhin ko." Imbis na matakot ay tinawanan lamang ako nito. "Alam mo bro, halata naman na masaya ka kapag kausap mo si Luke... Minsan, nahihiwagaan na ako sa 'yo... Matanong ko lang, ano bang s****l preference mo?" Sa hindu malamang kadahilanan ay bigla na lamang akong napatigil sa aking ginagawa. Hindi ko alam kung tama bang tanungin iyon ni Mark sa akin. Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka sa mukha. "Anong gusto mong sabihin?" takang tanong ko sa kaniya. Nagsisimula nang guluhin ni Mark ang aking utak. "Napapaisip lang ako... Are you... You know? I mean there's nothing wrong about it but to be honest in all aspect is necessary..." Ni hindi nito magawang klaruhin ang mga sinasabi kaya mas lalo lamang akong naguguluhan. "Diretsuhin mo na lang ako, Mark." Naging seryuso na ang aking boses sa mga oras na iyon at tila nakita ko naman ang kakaibang kaba sa hitsura nito. "Sige, ganito na lang, gusto mo ba si Luke?" Muli na naman akong napatigil sa aking ginagawa. Dahan-dahan ang aking naging galaw hanggang sa lingunin ko ito ulit at mapatitig. "Kung ano man ang nararamdaman ko, sa akin na lang 'yon." Nakita ko ang pagsuko sa mukha at ekpresyon ni Mark. Tila wala na rin itong magagawa para kulitin pa ako sa bagay na iyon. "Sige bro, ikaw ang bahala... Sabi mo eh." Agad itong kumilos at saka kinuha ang ilan sa mga gamit para tulungan siya sa paggawa ng kubo. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatrabaho ay hindi ko rin naman maiwasan ang mapaisip sa mga sinabi ni Mark. Sa ngayon hindi ko pa rin alam kung ano itong nararamdaman ko para kay Luke. Isang bagay lang ang sigurado ako, iyon ay ang kasiyahan tuwing kasama ko si Luke. Luke's POV Mabuti nga sa dalawang iyon at natauhan. Aba, wala ng libre sa panahon ngayon. Kahit saang lugar man pumunta ay talaga namang pinaglalaanan ng pera at binibili. "Mukhang maganda ang ngiti natin ngayon ah?" Bahagya akong nagulat nang bigla na kang sumulpot si tiya Lorna sa kusina. "Ah, haha... Naku tiya, para po ito sa dalawang bisita natin," sagot ko naman dito. Muli kong inasikaso ang ginagawang meryenda habang nararamdaman ko na nakatingin lamang sa akin si tiya. "Parang magkakilala na kayo noon pa ni Nyt..." Hindi ko alam na napansin din pala iyon ni tiya. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko kay tiya ang totoo. "Naku tiya, hindi po... Ngayon lang po kami nagkita," nahihiyang sagot ko. Hindi ko maaaring sabihin ang totoo. Ano na lang ang iisipin ni tiya kung sakaling malaman nito ang nangyari sa aming dalawa ni Nyt. Napatango-tango naman ito. "Oh, siya sige, ayusin mo na 'yan at nang makapag meryenda naman ang ating bagong kapitbahay..." Sabay kaming natawa ni tiya dahil sa sinabi nito. Mas mabuti na hindi malaman ng aking kamag-anak ang totoo. Sigurado ako na hindi magugustuhan ng mga ito nag mga nangyari. Nagpaalam na si tiya Lorna para asikasuhin ang mga damit na nilabhan nito. Agad ko rin namang tinapos ang ginagawang meryenda at saka nagsimulang dalhin papunta sa dalawa. Hindi ko ugali na gumawa o magluto ng pagkain para sa ibang tao maliban na lang sa mga kamag-anak ko. Ni hindi ko nga rin alam lung bakit ako pa ang nagpresenta na gawan ang dalawa ng meryenda. Dion's POV "Wow! Mukhang masarap ah!" bulalas ni Mark. Kahit kailan talaga hindi na tumahimik si Mark kapag nakakakita ito ng pagkain. "Heh! Alam kong gutom lang 'yan kaya nasasabi mo 'yan!" pasigaw na sabi naman ni Luke. Dahil doon ay natawa ako. Hindi ko naman napansin na nakatingin na si Luke sa akin hanggang sa tanungin ako nito. Nagsimula kaming kumain ng dala ni Luke. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Hindi ko alam kung bakit napaka init ng dugo nito sa akin samantalang wala naman akong ginagawa o sinasabing masama. "Baka ayaw niya sa ginawa mong sandwich," pamumuna naman ni Mark. Hindi talaga ito nakukuntento at ginagatungan pa. "Wala akong sinasabi at 'wag kang maniwala diyan kay Sky. Sinungaling 'yan–" "Baka naman talaga nagsasabi siya ng totoo?" agad na sabi ni Luke. Hindi ko alam kung may sapi ba ito o sadyang mainitin lang talaga ulo. Napaiwas ako ng tingin at saka bumulong. "Kaya ka iniiwan kasi init lagi ng ulo mo," bulong ko. "Ano kamo?" inis na tanong nito sa akin. "Wala, ang sabi ko, masarap ang sandwich mo! Kasing sarap mo!" Bigla namang nabulunan si Mark at naging dahilan iyon para lumayo at kumuha ng maiinom. Napatingin kaming dalawa kay Mark. "May juice dito, huy!" sigaw ni Luke. Agad namang umiling-iling si Mark. "Magtutubig lang ako," sabi nito at saka nagmamadaling umalis. Naiwan kaming dalawa na mas tahimik pa kaysa sa gitnang bahagi ng kagubatan. "Sa susunod, magdahan-dahan ka sa pananalita mo," malamig na sabi ni Luke. Hindi ko siya pinansin hanggang sa magsimula itong maglakad palayo. Tumayo naman ako para muling magtrabaho pero bago pa man dib makalayo si Luke ay hindi ko na napigilan ang aking bibig para magsalita. "Hindi ako sinungaling. Kung ayaw mong maniwala, hindi ko na problema 'yon." Hindi ako sigurado kung narinig ba iyon ni Luke basta't ang alam ko lang ay iyon ang totoong nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD