Chapter • Twenty Nine Someone's POV Hindi mapakali si Jomyl habang nagmamaneho patungo ng Crescent. Siya, si Zon at Meiko na nasa likuran ng sasakyan, at dalawa pang deltang ipinasama sa kanila ang ngayon papunta ng sacred water. Panay ang paglabas ng mahihinang mura at malalalim na buntong hininga sa kanyang bibig. Nag-aalala siya para kay Meiko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Habang tumatagal ay unti-unti nang kumakalat sa buong katawan niya ang poison. Nagsisimula nang balutan ng mga maninipis na kulay itim na ugat ang magkabila niyang braso. Wala silang ideya kung hanggang kailan pa tatagal ang kaibigan niya pero mas nag-aalala siya para sa kanilang Alpha at sa grupong sumugod sa Hellions. Hindi lamang basta isang organisasyon ng mga rebelde ang Hellion Gamma. They have

