Chapter • Thirty Halos manghina si Hank sa naabutan. Napatakbo siya sa parehong wala nang buhay na si Collin at Pearce. Pilit niyang hinugot ang matulis na kahoy na nakabaon sa katawan ng dalawa. Kaagad niyang pinasan sa kanyang balikat si Pearce saka siya tumakbo palabas kung saan siya naabutan ni Layco at Levi. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita. "Nasaan si Collin?" Ani Layco. Isinenyas ni Hank ang kanyang ulo. "Nasa loob. Pareho silang may saksak." Kaagad napatakbo si Layco papasok para kunin si Collin. Habang palabas sila ng lumang gusali ay muling nagsalita si Layco. "Kailangang maitakbo si Pearce sa ospital kun'di tuluyan siyang mamamatay." Untag nito ngunit umiling si Hank. "Hindi pwede. Kailangan natin silang maidala sa Crescent kun'di mamamatay si Meiko." Tugon ni Hank.

