Sunod-sunod na pagsabog ang narinig nila Four at Ryan mula sa itaas. Tanda iyon na nagsimula ng sumabog ang mga gamit ng mga sundalo. Pero hindi natinag ng mga pagsabog na iyon si Four. Nakatingin lang siya sa lalaki sa kanyang harapan habang iniisip kung sino ang Elaine na sinasabi nito. Ngunit habang pilit niyang iniisip iyon ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo. Kaya naman minabuti na niyang tuluyang umalis para makapagpahinga at mas makapag-isip. “Simula na ng kalbaryo mo Tyrant Four,” sabi ni Ryan habang nakatingin sa papalayo na binata. “Ang mga pagsabog na iyon ay tanda na alam na ni Boss Nigel ang nangyari sa amin. Siguradong magpapadala uli siya ng mga tao para mahuli ka at mapatay,” “Mas gusto ko ‘yon. Mas gusto ‘yon hanggang siya na ang pumunta rito. Para hindi na ako magp

