Chapter XXXV

2297 Words

Lumaki ang mga mata at nalaglag ang panga ng mga tao nang makita nila ang nangyari sa paligid ng kanilang lugar. Hindi sila makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata ngayon. Wala ngang mga halimaw, pero puno ng amoy ng kamatayan ang buong paligid. Ngayon na lang uli sila nakakita ng ganito karaming mga bangkay, mula noong napakalaking pagsabog mahigit limang buwan na ang nakalilipas. Naghalo na ang amoy ng nasusunog na mga bagay, bangkay, at dugo sa paligid, at talagang hindi iyon maganda sa pang-amoy. Kaagad na pinigilan nila Lisa at Bong ang mga tao na nagtangkang lumabas na ng gusali. Hindi kasi nila alam kung kailan sasabog ang mga kagamitan at bangkay ng mga sundalo na nakapaligid sa kanila. Ilang sandali pa ay naaninag nila si Four na lumabas mula sa lumiliyab na lugar kung saa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD