Agad na pinagpapatay ni Four ang mga ilaw sa loob ng gusali. Wala siyang iniwang kahit isa ng bukas. Nararamdaman niyang nakapalibot na sa kanila ang napakaraming mga sundalo at papalakas ng papalakas ang mga hindi pamilyar na boses na naririnig niya. Muli siyang sumilip sa bintana, at tama siya, puno na ng mga kalaban ang lugar. Ngunit dumistansya muna ang mga ito mula sa bahay nila, bilang paninigurado. Tumakbo si Four papunta sa kabilang bahagi ng bahay at maging doon ay mga mga sundalo rin. Talagang napapaligiran na sila at kahit anong oras mula ngayon ay maaari na silang lusubin ng mga ito. At kung hindi siya mag-iisip at mag-iingat ay maaaring maubos ang mga kasamahan niya. Maya-maya ay narinig ni Four na mas lumakas ang ugong mula sa eroplanong nasa itaas nila at ilang sandali pa ay

