Kasalukuyan. Ilan sa mga kasamahan ni Four ang nasawi sa nangyaring paglusob at labanan. Hindi man iyon malaking dagok para kay Four, ay malaki naman ang naging epekto nang nangyaring iyon sa maraming mga tao na pinamumunuan niya. Lalo sa mga malalapit sa mga namatay. Pero wala silang masisi. Nakita naman nilang ginawa ni Four ang lahat, para matalo ang mga kalaban. Sadyang madilim at masyado ng malupit ang mundong ginagalawan nila. Ipinag-utos ni Four na gumawa ng pansamantalang mga dingding gamit ang mga punong kahoy sa paligid nila. Hindi nila maaaring iwanang nakatiwangwang lang ang lugar na na itinuturing nilang tahanan. Hindi na rin niya masasabin at masisiguro na ligtas sila sa mga underground chambers. Kaya mas maganda pa rin na mayroon silang patiunang kalasag sa labas. Nailib

