Lumipas ang mga araw. Muling nagpadala si Nigel ng mga tao para dakpin o patayin si Four. Dalawa sa bagong mga Class-S ang ipinadala niya ngunit wala na silang naabutan sa dating base nila Four kung hindi ang sunog na bangkay ng dalawang tao. Ang mga bangkay ni Ryan at ng isa sa mga sundalo. Ni hindi man lang lumuha si Nigel nang malaman niya ang kinahinatnan ng kanyang anak. At sa halip na iuwi ang bangkay nito ay ipinag-utos niyang iwanan na lang ito doon. Pinagmumura pa niya ito at sinisi ng dahil sa kabiguan nito. Para sa kanya isang kahihiyan ang kinahinatnan ng lalaki. Pinalibot niya ang kanyang mga tauhan para hanapin ang kahit mga bakas man lang nila Four. Ngunit wala silang nakita at umuwi silang lahat ng bigo. Kaagad ring pinalitan ni Nigel ang mga sundalo nilang napatay ni Fou

