Dali-daling tumakbo si Four papunta sa pasukan ng kanilang base. Nasa bulwagan na ang lahat ng tao paglabas niya at nagkakagulo. Hawak nila sa kanilang mga kamay ang kani-kanilang mga sandata at nakahanda silang paputukan ang sinumang papasok mula sa itaas. Napakalakas ng mga dagundong mula sa itaas at talagang balak ng kung sino at kung anong naroon na sirain ang pintuan. Papalakas ng papalakas at padami ng padami ang mga kalabog na ngayon ay parang mga pagsabog na. Natataranta na ang iba sa mga tao ni Four, lalo na ang ilan na may edad na. Kaya naman mabilis na kumilos sila Alfred, Lisa, Bong at Alden para pakalmahin ang lahat. Pinakalma nila ang mga tao, ngunit pinanatili nilang handa ang mga ito sa kung anong maaaring mangyari. “Lisa!” tawag ni Four sa dalaga. Nasa tapat na siya ng

