Chapter 20 'Unmasked' — Phoebe — Hindi ako mapakali dahil sa school skirt ko na napunit ang kapiraso. Naaalibadbaran ako kaya huminto na muna ako sa pagtakbo, napahinto rin si Aether. "Bakit?" tanong niya. "Kita na lang tayo ng lunch. May gagawin lang ako sa dorm," paalam ko sa kanya at tumakbo na ako papunta sa dorm building. Nagpalit lang ako saglit ng skirt. Ni-hang ko lang ito sa closet dahil kasusuot ko lang din nama no'n ngayon. 'Yon lang ang ginawa ko at lumabas na rin. Natural science ang next class ko kaya dito na ako dumiretso dahil patapos na rin naman ang first class namin. Hindi ko na classmate 'yong dalawa kaya magkakahiwalay muna kami. Seryoso akong nakikinig sa lectures ni Prof Alarcon. Minsan lang ako magkaroon ng focus sa klase kaya nilulubos ko na. But natural sci

