Chapter 21 'Safe and Sound' — Phoebe — May dalawang oras na rin siguro ang lumilipas ay nakatunganga pa rin ako rito sa kisami ng kuwartong 'to. Hindi na rin ako binalikan pa ni Dr. Hayes. Naiinis na rin ako sa robot na nandito dahil wala itong ibang ginagawa kundi ang magpa-ikot-ikot. Hanggang sa pumasok ang robot sa pintong pinasukan kanina ni Dr. Hayes. Naiwan na naman akong mag-isa. Inaantok na ako at mukhang kulang ang anim na oras na itinulog ko kanina. Narinig kong muli ang pagbukas at pagsara ng pinto at narinig ko na ang papalapit na yabag ni Dr. Hayes. "I'm so disappointed! Masyadong mabagal ang mga kaibigan mo. I thought they could play and thrill my men," sabi niya na naiiling pa. "Your plan sucks!" I rudely remark ngunit tinignan niya lang ako. "Hindi pa ba sila daratin

