Chapter 22 'His Possession' — Phoebe — Tinatamad pa akong bumangon ngunit halos sigawan na ako ng aking alarm clock dahil kanina pa ito tumutunog kaya naman naupo na ako at pinatay iyon. Napalingon ako sa bakanteng kama ni Aether. Where the hell is he? Hindi siya rito natulog? Tinuluyan siya ni Ares? Ipinagkibit balikat ko na lang ang posibilidad na 'yon at nagpunta na sa closet ko. I open it at napakunot ang noo ko. If I'm not mistaken, ni-hang ko lang 'yong skirt na napunit, e. Ngunit wala na ito sa closet ko. Muli akong napakibit balikat at kinuha na ang uniform ko. I just had a quick shower, nag-ayos ng sarili and there, I stormed out the room. Napangiti na lang ako nang mabungaran sina Aether at Eros na nakaupo sa kani-kanilang upuan. "Hey," bati ko sa kanila at naupo sa upuan ko

