Chapter 23 'Unveiling' Panay lamang ang sulyap nila sa isa't isa. Hindi nila alam kung saan at paano sisimulan ang meeting na 'to. Kung kailan nandito na ang susi sa katotohanan, saka pa sila nanlalamig nang ganito. "Gusto ko sanang marinig ang istorya sa likod ng pagkawala ng anak ko. May nalalaman ka ba?" paunang tanong ni Amanda Alarcon. Tumango si Jairah. "Ilang taon ko ring pilit kinalimutan ang alaala no'ng gabing 'yon pero sa tuwing pipikit ako, 'yon pa rin ang malinaw kong nakikita." It was 10 years ago, at hindi lubos maisip ni Phoebe na gano'n na siya katagal na hindi pinapatahimik ng kung anumang alaala iyon. "Just speak, please. We'll listen." Muling tumango si Jairah sa sinabi ni Amanda. "A science quiz bee was held here in Terra. Excited ako no'n dahil pinaghandaan ko

