Chapter 24 'Leander Crimson' — Phoebe — Sa dami ng nalaman namin, hindi namin alam kung kakayanin pa rin ba namin na mag-isip at simulang pag-usapan ang tungkol naman sa code. Ni hindi ko pa nga nababanggit ang balitang dala ko, na si Dr. Hayes ay si Leander Crimson at pati na rin ang tungkol sa dala kong breathing potion ay parang napakahaba na ng gabing ito. But we badly know the truth and the anticipation is killing us. "I wanna see Jarred, please! Take me to him," pagmamakaawa ni Prof kay Ares. "Mom, calm down, please..." Pinipilit ni Eros na pakalmahin ang kanyang ina ngunit hindi niya nagawa. "Sumunod si kuya sa isang bundok para tulungang tapusin ang mga bagay na kailangang tapusin ni Ina," 'yon lamang ang sinagot ni Ares. "Kailan ang balik nila?" tanong ni Eros. "Isang lin

