Chapter 25 'Eula Crimson' — Phoebe — Halos mapatalon ako sa gulat nang pukpukin ni Ares ang mesang pinapalibutan namin. "Dude, calm down," utas ni Aether ngunit nanatili ang panginginig ng mga braso at kamay ni Ares na marahas na nakatikom. "May isang kuwarto ang laging pinapasukan ni Dr. Hayes. At malakas ang kutob ko na doon nakalagay ang mga aparato at cylinder na pinaglalagyan na katulad ng kay Eula Crimson," dagdag ko pa. "Pero paano siya natuturukan? Nakasisigurado akong hindi ito alam nina Mr. Rivero," sabi pa ni Prof at saglit akong nag-isip. "'Yong robot! Pino-program niya ang robot sa mga kailangan niyang gawin." Wala na akong iba pang makitang paraan kung paano siya natuturukan kundi ang robot na laging nakabuntot sa kanya. "What's our plan now, Mom?" tanong ni Eros at s

