Mr. Ocampo’s point of view Habang aligagang-aligaga ako sa pag-contact sa mga tao ko na hanapin si Heaven ay bigla naman akong napatingin sa aking asawa, at agad akong napailing. Agad ko naman siyang nilapitan at agad kong kinausap, “Really hon? Uupo ka lang diyan at hindi mo ako tutulungan sa pag-hahanap sa anak natin?” tanong ko naman sa kaniya, Napatingin naman siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya, at tumayo. “Sorry hon but I don’t think may mali si Heaven sa ginawa niya, she knows kung anong ginagawa niya lalo na at kung may kumuha man sa kaniya ay asawa niya—sa tingin ko walang mali roon,” tugon naman niya sa akin, Napangisi naman ako nang sabihin niya ito sa akin, “Wow—ngayon mo yan sasabihin sa akin, ngayong hinahanap ko na ang anak mo? Alam mo naman siguro kung bakit h

