Heaven’s point of view Nang magising ako kinaumagahan, ay bumungad sa akin na wala na sa tabihan ko si Tyler. Kaya’t agad naman akong bumangon, at doon ay lumabas na ng kwarto. Nang lumabas ako ay eksaktong kakatapos lang siya sa kaniyang nakausap, at nang napatingin siya sa akin ay tila alalang-alala ang mukha nito na hindi maipinta kaya’t doon ay napatanong na ako. “Hon? May problema ba? Bakit ganiyan ang mukha mo? Anong nangyayari? Tell me?” tanong ko naman sa kaniya, Nang agad naman siyang napaupo sa sofa, “Alam na ng dad mo—tumawag ang dad mo kayna mom at galit na galit sila, ano na ang gagawin natin?” tanong ko naman sa kaniya, Agad naman akong lumapit sa kaniya, “Hayaan natin siya—wag mo siyang pakaisipin, alam nating dalawa kung anong ginagawa natin at walang mali doon dahil m

