Mr. Ocampo’s point of view Kinaumagahan ay bumangon na ako at nang pababa na sana ako ay biglang pumasok sa isip ko si Heaven kaya’t bumalik ako at doon ay kumatok ako sa pintuan ng kaniyang kwarto. “Heaven? gising ka na ba? May pupuntahan pa tayo,” pahayag ko sa kaniya, Ngunit hindi siya sumagot, at doon ay inilapit ko ang aking tenga sa pintuan. Wala akong narinig na kahit anong galaw sa loob. Sa mga oras na ito ay binalewala ko ito, at nag-tungo na ako sa baba upang makakain. Nang bumaba ako ay bumungad sa akin ang aking misis hanggang sa makaupo ako ay hindi niya parin ako pinansin. “So ano? Hindi mo ako kakausapin hanggang sa makaalis tayo ng anak mo?” tanong ko naman sa kaniya, “Nagising mo ba ang anak mo? Do you think kakausapin ka pa niya after what happened last night?” tano

