Heaven’s point of view Hating gabi nang maisipan ko palang matulog, ngunit laking gulat ko nang biglang may kumatok sa aking bintana at doon ay agad naman akong napalingon. Nagulat ako nang may mapansin akong anino, kaya’t agad na pumasok sa isip ko na si Tyler ito. Doon ay agad naman akong tumayo upang pag-buksan siya, at nang buksan ko ay agad siyang pumasok at agad niya akong niyakap. Dahan-dahan ko rin siyang niyakap, at doon ay bigla siyang nag-taka. “Oh—hon? Hindi ka ba masaya na makasama ako?” tanong naman niya sa akin, Nang agad naman akong tumingin sa kaniya at agad rin akong umiling, “Of course I’m happy. May nangyari lang kanina dito sa bahay,” tugon ko naman sa kaniya nang agad naman akong napahinga ng malalim, Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya at tila pa

