Kenjie’s point of view Nang makaalis si Heaven kasama si Tyler, ay agad naman akong napatingin at agad akong lumapit kay Mr. Ocampo. “Tito? What did you do?! Alam niyo ba kung gaano kahirap hanapin ang dalawang yan? Tinrabaho yan ng spy ko!” tanong ko sa kaniya, At dahan-dahan naman siyang umiling at tumingin sa akin, “I don’t think—I don’t think it’s a right time. Kilala ko si Heaven, gagawin niya ang lahat kapag may gusto siya, ang kailangan lang muna natin alamin ay kung saan sila nakatirang dalawa,” saad naman niya sa akin, Agad naman akong napakamot sa aking ulo, “And I don’t think mag-wowork pa ito tito—alam mo kung gaano namin pinag-hirapan na hanapin ang dalawang yan, at sana kapag nalaman ko kung saan sila nakatira, kumilos na kayo. Don’t waste my time nor my money tito, say

