chapter one

2592 Words
WHERE WE STARTED It's so hard these days to get a real g**g. Mahirap humanap ngayon ng mga kaibigan na mapagkakatiwalaan, ’yung mga kaibigang tanggap sa kung sino at ano ka, ’yung mga kaibigan na sasamahan ka through ups and downs. Mahirap kasing kumilala ng tao, lalo na’t lahat ng tao ngayon mastered na ang art of deceiving. Sila ’yung mga taong kakaibiganin ka lang dahil pwede ka nilang gamitin. Sila ’yung mga taong nandiyan lang kapag kailangan ka nila. Nakakagago pero ganoon ’yung buhay, eh! Wala tayong magagawa. It has always been years since I started ranting about it, pero ano ang natanggap ko? Wala. Two years ago I thought I would live this way again, like a vase in the corner. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ’ko magtataka. Napaka-selectively social ko kasing tao. Maybe that's the reason why no one wants to befriend a weak kiddo like me. Katulad ng ibang mga lalaki na pwede mong makita sa bawat sulok ng campus palagi, ’di ako naglalaro ng basketball. Wala akong ibang sports na alam. Hindi ako athletic na tao. Mahina kasi ang katawan ko. Hindi ko makakayang mapagod nang sobra. Kapag naglalakad naman ako sa hallway, hindi ako nakatatayo nang diretso habang ang sarili ay nag-uumapaw sa pride at confidence. Hindi ko cup of tea ang pagmamahangas sa daan habang nagtataglay ng earth-shattering amount ng karisma at swag. Sa katunayan, hindi ako ’yung tipo ng lalaki na lalaki. Magulo, oo. Hindi ako mukhang lalaki. Hindi ako masculine. Hindi ko ginagawa ’yung mga usual na ginagawa ng mga lalaki: imbis na mag-shoot ng bola sa ring, mas pipiliin kong maupo na lang sa tabi. Hindi ako nagpi-fit in sa stereotype na ginawa ng society para sa mga lalaki. Kahit pilitin ko . . . ewan, ang hirap talagang mag-fit in. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit napagkakamalan ako ng ibang mga tao na bakla. But does being feminine means being gay? Big NO. Hindi ako in denial. Pagkatapos ng lahat, wala namang masama sa pagiging bakla. Being gay does not mean commiting a crime, period. I thought I would live like a vase placed in the corner again, but everything has changed when I transferred to a new school and met these young f****d up guys of San Santiago High School. In spite of being a weak kiddo, ’di nila ako iniwan sa iisang sulok. And I'm glad that they never made me feel that I am such an outcast. Sa katunayan, makahanap ka lang ng isang tunay na kaibigan, eh, okay na. Pero sa sitwasyon ko, masaya ako kasi nagkataong mayroon akong tatlo. First, the mighty Juan Pantaleon Paraiso — also known as Pan na dinaig pa si Peter Pan kung manungkit ng mga babaeng below his age. The second one, si Gelson Paolo Valino — that kyoti guy (sabi nila) known as Pao who has a pair of siopao cheeks, promise iyan ang asset n’ya kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. And the last but not the least, Ruben Benjamin Judilla, or that parang jellybean na dinaig pa ang kangaroo sa pagtalon sa chenks from one to another. Sa ’ming magto-tropa, ako lang yata ’yung matino. No pun intended. At first, si Pan lang naman talaga ang kaibigan ko. Nagsimula ’yon noong naging seatmate ko siya last second semester ng 11th Grade. Si Ma'am Jaz, ’yung adviser namin, itinabi siya sa ’kin kahit na ayaw ko. Hindi ko pa siya masyadong nakakausap n’on kasi ayaw ko rin. Iritado ako sa presensya n’ya, sobrang yabang. Pero aside doon, katabi ko kasi si Cruzette. Ayaw kong mawala siya sa tabi ko. Nakakakilig kayang makatabi ’yung crush mo. Ang laki ng in-invest kong feelings sa kaniya, tapos si Ma'am lang pala ang makakapigil sa pag-iibigan naming dalawa. Pinanuod ko lang si Cruzette na mag-ayos ng gamit n’ya noon. Pagkatapos n’on tumayo siya atsaka sinunod ’yung seating arrangement na inayos ni Ma'am para sa ’min. Ngayon unti-unti nang lumalapit sa ’kin si Paraiso. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ng mga mata ko kung gaano siya katangkad. Mga nasa 5'9 o higit pa yata. “Henlo, Agasi,” bati nito sa ’kin atsaka umupo. Makulit n’ya ’kong nginitian habang inaayos ang sariling bag. Taimtim na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya bilang sagot. “Ba’t mukhang ’di ka naman masaya na katabi mo ’ko? Paraiso ’to ’no? Ayaw mo n’on, may katabi kang magandang lalaki na ’sing ganda ng paraiso.” Ang daldal! Ang ginawa ko na lang, nginitian siya na parang timang. ’Di ko alam kung saang lupalop ng mundo kumuha ’to ng confidence. Masyadong mahangin. Oh well, sa katunayan, totoo naman ’yung sinabi n'ya na gwapo siya. I couldn't agree more. Low-key artistahin kasi ’yung facial features n’ya. Iyung tipong tinitilian. Maputi. Makinis. Matangos ang ilong. May kakapalan ang kilay (pati mukha). Maganda rin ’yung pilikmata n’ya, pati ’yung lips n’ya. Basta ’yung tipong kinainggitan ko. Ta’s nakadadagdag pa sa presensya n’ya ’yung mga pagkakataon na hinahawi n’ya ’yung buhok n’yang sumasabay sa trend. Shet, naiinggit ako! Para akong nakatingin sa isang combination ng e-boy at softboi. Kung papipiliin ako ng looks na pwedeng ipalit sa ’kin, gusto ko ng katulad sa kaniya — sharp and hip. Lalaking-lalaki tingnan. “Baka matunaw ako.” Hindi ko naman namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Medyo napahiya ako roon. Umiling-iling na lang ito. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, pagkatapos n’on tumingin ako kay Cruzette na ilang metro na ang layo sa ’kin. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at tahimik na dinamdam ang mala-Romeo and Juliet naming kwento. Maya-maya bumulong si Paraiso. “Crush mo si Z?” “Hindi, ah!” pagtatanggi ko. “Eh ba’t ang defensive mo?” “’Di naman kasi talaga.” Biglang sumingit si Ma'am kaya pareho kaming natahimik. “Paraiso’t Agasi, ano ba ’yang pinagkekwentuhan n'yo at para kayong mga bubuyog d’yan na nagbubulungan,” halos pasigaw nitong sabi. “Sabi mo, eh,” rinig kong bulong ni Paraiso, iniiling-iling pa ang kaniyang ulo. Muling nahuli ako nito, ah. Mukha namang mabait si Pan noong una ko siyang makita. Friendly, eh. Palangiti ’tapos maraming kabiruan. Sabi n’ya, simula 7th grade nag-aaral na siya sa San Santiago High School; iyon marahil ang dahilan kung bakit medyo sikat siya sa senior highschool department. Noong minsan ko ngang hiramin ang phone n’ya, nakita kong maraming nagcha-chat sa kaniya na mga babae, even gays. Hindi na rin ako nagtaka dahil talented at gwapo naman talaga si Pan; he has the talent in singing and playing his guitar. Lagi n’yang dala ’yung gitara sa tuwing papasok ng school, nagmumukha tuloy siyang pa-edgy na lalaki na intro ng Magbalik lang ang alam tugtugin. But I swear, magaling siyang gumamit ng gitara. Manghang-mangha nga ako sa kaniya kapag nagpi-freestyle siya, ’di ko kasi magawang matutunan. Ang hirap mag-fingerstyle, promise. Maliban d’on, napaka-appealing ng face features n’ya — maputi, medyo singkit, at clear skin. Nainggit ako sa itsura n'ya, although sabi nila gwapo rin naman ako, pero ’di ako naniniwala dahil alam kong mas gwapo at attractive si Pan. Kumbaga soft-boy type ako, may pagka-e-boy type naman siya. Medyo lang. Magkaibang-magkaiba kami. Kung pa-humble at may pagka-down-to-earth ako, may pagkamayabang at pagka-narcissist naman siya. I couldn't agree more. Inaamin kong pareho kaming medyo bossy type, pero may good intentions ako at alam ko ’yung limits ko, samantalang minsan medyo insensitive naman siya sa nararamdaman ng iba at gusto n’yang palagi siya ang nasusunod. Palibhasa kasi medyo spoiled sa bahay nila, nasanay siyang lahat ng gusto n’ya nakukuha n'ya. Yes, we're prolly opposite, but I think that's the reason why we fits like a puzzle piece together. I don't know why but we have our own ways to make ourselves harmonized. Despite our differences, an unexpected bond grew in us, and it birthed a strong friendship that we could brag to others. ♪ Totoong first impression lasts. Para siyang Pokémon na nag-evolve kaya biglang nag-iba ang tingin ko sa kaniya. Oo nandoon pa rin ’yong kayabangan n’ya, pero during the process na-realize kong masarap pala siyang kasama. I don't know why we became friends but I'm glad that we are. Minsan nga tinanong ko siya kung bakit ko siya naging kaibigan. Ang sagot n'ya, “Baka ano, fated tayo.” Ngumisi siya matapos n’on. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi n’ya. Para naman kasing tanga. Tinaasan ko siya ng kilay para ma-justify kung gaano siya ka-corny. But even though his answer was kinda gay-ish, I could say that he’s maybe right. Siguro may plano ang universe para makilala ko siya. Oh, f**k this is so gay! Pero tinanong ko ang sarili ko kung bakit. Kasi kung wala siya: baka wala akong kakulitan ngayon, baka wala akong bahay na pagtutulugan sa tuwing lasing ako, baka walang nagpapayo sa ’kin sa tuwing broken ako, at baka wala akong best friend na paulit-ulit na umiintindi sa mahirap intindihan na katulad ko. After all, kahit na mukhang unggoy ang kumag na ’yon sa mga mata ko, nagpapasalamat pa rin ako na naging isa siya sa mga taong lubos na pinahahalagahan ko. Then during the groupings in our Practical Research 1 subject, that’s when Pao and Benny came along, and so a new g**g was born in our section. Our group chat on that particular subject was named Bros Before Hoes, as what Pao entitled it — a g**g that includes an aspiring musician, a weirdo, and proud two dumbbells (I mean tatlo pala sila). Ta’s ang mga loko, pinalitan pa ang mga nickanames namin. Sa ’kin, ginawa nilang “alexei puno ng saysay.” Kay Benny, “Jelly Benny.” Kay Pao, Puto Pao. And then the last but not the least, si Pan as Pan De Salsal. Simula nang mabuo ang GC na ’yon para sa isang subject namin, hindi na namin ’yon binura pa. Iyon na rin ’yung means ng communication namin sa isa’t isa. Doon kami nag-uusap, nagbibiruan, at doon din kami nagkakalapagan ng chismis. Among them, si Pan ang pinaka-close ko. Isa na rin siguro sa factor na siya ang una kong naging kaibigan bago pa dumating sina Pao at Benny. Besides, mas madalas ko kasi siyang nakakasama since magkatabi rin kami sa upuan. Siya ’yung laging nand’yan para sa ’kin sa tuwing kailangan ko ng tulong over serious matters. Sa loob nga ng classroom namin, siya lang ang nag-iisang nakapag-isip na may crush ako sa former seatmate kong si Cruzette. Tama naman siya noong una, pero noong panahon kasi na ’yon, happy crush ko pa lang siya. Iba na ngayon. I remember that day when we had a talk about her. 12th Grade, that day before Cruzette’s birthday happened, a guy named James came to excuse for some time with her. Naghiyawan ang mga kaklase namin noon, palibhasa medyo popular din ’tong si James sa campus, both junior and senior high school departments. Gwapo din kasi, eh. Ta’s kasali pa varsity sa basketball varsity ng school. Ayon sa observations ko, may ibinalik lang ito na payong sa kaniya. Noong una, sa tingin ko wala naman sila. Pero wala akong ideya kung ano ang mararamdaman ko lalo’t shini-ship siya ngayon ng room sa lalaki na ’yon. Kung ikukumpara ako sa kaniya, siguro ’wag na lang dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kalaban-laban sa kaniya. Couldn't agree more. One time during our break, lumapit si Pan sa ’kin. Tinatapik-tapik anv balikat ko. “Ang sad mo naman ngayon. Ano problema?” tanong n’ya. Ang sagot ko, “Wala lang.” Nagsinungaling ako dahil alam kong hindi ’yon basta “wala lang.” Kahit kailan naman hindi ko inamin verbally na hindi ako okay. Mas gusto ko ’yung ganito, ’yung walang nakakaalam. Pero sa case na ’to, siyempre ’di ako tatantanan ni Pan. Matatapos na sana ’yung usapan sa simpleng dalawang salita na ’yon, pero inunahan kaagad ako nito ng kaniyang pangungulit hanggang sa makuha n’ya ang sagot na hinahanap n’ya mula sa ’kin. “Dahil ba ’to kay Cruzette?” Binalot kami ng katahimikan. Then it happened . . . I admitted to him that I like Cruzette, that it wasn't just a mere crush anymore because I think it’s going deeper than the usual. Probably that’s the reason why I am hurting seeing her with that James guy. “Paano mo nalaman?” he asked. “Ang dapat na tanong, kailan ko nalaman.” Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung bakit. Sandali akong nagtaka, napaisip kung kailan nga ba n’ya nalaman. Bakit ba may sense siyang ganito? Lagi siyang may paraan para malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa ’kin. Nakaka-frustrate. Mamaya, nagsalita siya, “Hindi lang basta wala lang ’yang feelings mo, Bruh. Mga s’werte lang ang nakakakuha n’yan. Siguro tanga na si Z kung ’di n’ya mapapansin ’yan kagaya nang nagawa ko.” Nginisian n’ya ’ko, pagkatapos ay tinapik-tapik ang balikat ko — sinasamahan ako sa pagiging malungkot, minumura sa ’ming isipan kung gaano kalupit ang universe. ♪ Si Pan . . . siya ’yung nakasama ko sa mga araw ng pagkabaliw ko kay Cruzette. Siya rin ’yung pumayag na samahan ako voluntarily para sa surprise ng mga kaibigan ni Z sa kaniya; I was once her friend after all. Gumawa ako ng poem as a gift noong birthday n'ya, at si Pan ang unang nakarinig noon at ang siyang nagsulat n’on sa yellow cartolina. Ibinigay namin ’yon kay Crisp, cousin nito na classmate namin na siyang responsible para sa surprise kay Cruzette. Habang walang kaalam-alam ito sa maaaring mangyari, inaya kami nito sa bahay nila para i-celebrate ang birthday n’ya. Pagkarating namin, kaagad na ipinutok ni Crisp ang party-popper dahilan para magulat ito. Pero ’di lang pala si Cruzette ang masu-surprise dahil miski ako’y nagulat sa nakita ko, nandoon din si James hawak-hawak ang yellow cartolina na inihanda ko para sa special day n’ya. Sa parehong pagkakataon ko na ’yon nalaman na nagde-date na silang dalawa. I was left out during the celebration. Miski nga ’yung poem na ginawa ko para sa kaniya, parang hindi n’ya rin napansin. Wala na akong nagawa kaya umalis ako sa celebration nang walang paalam. Gulat na lang ako dahil humahabol na sa ’kin si Pan. Nakita n’ya ’yung itsura ko, alam kong alam n’yang malungkot ako. Sabi n'ya kasi sa ’kin dati, hindi naman daw ako mahirap basahin. Nakita kong miski siya nalungkot nang makita ako. Ang ginawa n’ya, tinapik-tapik n’ya ang balikat ko. “Okay lang ’yan, nandito naman ako.” Nang mapadpad ang tingin ko sa kaniya, nakita ko ang malapad na ngiting nakakurba sa labi nito. Kahit paano napagaan n’on ang nararamdaman ko. Knowing Pan was the best thing that ever happened to me. Buong buhay ko hindi ako nagkaroon ng kaibigan na tulad n’ya, palibhasa palagi lang akong reserba. Pero sa g**g ko na ’to, lalong-lalo na kay Pan, naramdaman kong special ako. Mula noon itinuring ko na siya bilang kapatid ko, pati na sina Pao at Benny. I found a family on them. They've given my life a big impact that I couldn’t believe that would happen. Malaki ang ginampanan nila para sa character development ko. I changed a lot. Because of them, I learned that there's nothing to be afraid of in socializing. They have told me that they’re willing to listen in every words that I am going to say even if it's just a couple of nonsensical matters. I even go drinking with them and learned to go into different places that satisfied our adventurous selves . . . which is medyo bad, pero masaya. They taught me how to break the walls that had kept me hiding for years, so that I could see what beautiful things awaits for me ahead. And look what I found . . . them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD