=Kevin=
Sobrang ingay ng madla nang pumasok kami sa court. Agad kong inikot ang paningin ko at nahagilap agad ng mga mata ko si Mikaela. Napangiti ako. Buti naman at hindi siya lumabas.
Nagsimula na yung game. Kumpyansa akong mananalo kami. Sa galing ba naman ng teammates ko. Center pa lang namin na mukhang lahat ng players na babangga sa kaniya matutumba agad, sure win na. Dagdagan pa ng magaling naming point guard na si Brix na mabilis kumilos at magaling maghandle ng bola. Dinadaan lang sa ngiti ang mga nagbabantay sa kaniya.
All in all, malakas ang team namin. Start pa lang, nagpakitang gilas na agad ang point guard namin sa pagpapaikot ng bola as he tricks and plays around with the player na nagbabantay sa kaniya.
All of us moved at nasira ang depensa ng kalaban. Ipinasa ni Brix sa akin ang bola and I aimed for a three point shot. Iboblock pa sana ng kalaban ang shot ko but he's too late.
Narinig ko ang hiyawan matapos pumasok ang three point shot ko. Napangiti ako. Mabuti naman at pumasok. May konting kaba kasi akong nararamdaman ngayon.
Nanonood kasi siya.
"Aba mukhang ginaganahan tayo ngayon, ah," sabi ni Leo na forward ng team namin.
"Nanonood kasi," singit naman ni Brix.
"Ah, kaya pala."
Nagtawanan lang yung dalawa. Alam kasi nila. Actually halos lahat sa campus, alam eh. I'm showy and obvious. Siya lang naman ang hindi nakakahalata.
I looked at her na nasa bleachers. She's still calm, looking unamazed sa three-point shot ko.
I mentally slapped myself. Focus, Kevin.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa naghalf-time. Nakaupo lang si Mikaela dun at halatang naiirita sa ingay ng mga nasa tabi niyang mga babae. Napangisi lang ako sa reaksiyon niya.
On the other hand, may isa ding grabe mag-ingay sa may kinapwepwestuhan namin. Nakasombrero yung babae at nakashades kaya di kita yung mukha niya. Sigaw siya ng sigaw.
"Go Brixiebabes! Fight fight fight!"
B-Brixiebabes? Pfft. Haha. Hanep din makabigay ng nickname ah.
Marami namang nagsisigawan at nagchachant pero yung boses na yun ang nangibabaw.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Brix. Kinawayan niya yung babae at nginitian kaya ayun, natameme ang babae.
Hay. Lakas makapagfan service ng mokong na 'to pero ang torpe torpe namin sa babaeng gusto niya.
Gusto niya si Shanna Lim, yung nag-iisang palaging kasama ni Mikaela. Ewan ko din ba sa Brix na 'to kung bakit natotorpe minsan eh. Ayan tuloy, hindi niya nabigay ang game pass na binili niya para iinvite si Shanna na manuod ng game.
Nagsimula na ang third quarter at syempre, leading kami. Kaso medyo nakahabol yung kalaban. Yun nga lang din, hindi rin kami nagpapatalo. Naging mahigpit yung labanan pero kami pa rin ang nanalo.
Bumalik na kami sa change rooms at dali-dali akong nagpalit from jersey shirt to a white tshirt. Bumalik agad ako sa gym kasi alam kong naghihintay siya dun para kunin yung pakay niya and sole reason kung bakit siya nanood ng practice game ngayon.
I saw her sitting and I approached her.
"Nakita mo ba kung gaano ka-cool ako maglaro?" bungad ko.
"Not sure. I was focusing my eyes kung nasaan yung bola," sabi niya. "Where is it?"
"Tss."
Napailing na lang ako. Sabi na nga ba, hahanapin niya agad yung game pass. Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinuha ko sa bulsa ang game pass.
"Mabuti naman at hindi mo na ako papahirapan," she said.
"Uy, Chan! Libre raw ni coach! Lika na!" tawag ni Leo.
"Oo, teka lang!" sagot ko naman. "Gotta go," sabi ko sa kaniya.
Nang nakababa na ako sa court, I looked back at her.
"By the way, Prez! I hope you do the same!" sigaw ko sa kaniya, making her have a confused face. "Huwag mo na rin akong pahirapan," I said in a low voice.
Just so you know, Mikaela Garcia, any moment that you decide to finally notice my feelings, I'd totally be yours.
"Ano?!" she asked, her voice slightly raised.
"Ang sabi ko, ang tali-talino mo pero obvious na bagay, hindi mo makuha-kuha! Matalino ka ba talaga?" pan-iinis ko sa kaniya.
Pero okay lang kung hindi mo pa rin makuha. Hindi rin naman ako magsasawa. I will make you fall for me for a million times kung kinakailangan.
Halatang hindi pa rin niya gets yung sinabi ko kaya nginitian ko lang siya at sumama na sa mga kateammates ko. Nang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad papunta doon sa kung saan manlilibre si coach, bigla nalang bumuhos ang ulan kaya napasilong muna kami. Kaso may naalala ako.
"Uh, coach, next time na lang po ako sasama," sabi ko kay coach at binuksan ko na yung payong ko para lumakad na.
Nagreklamo pa sina coach at yung iba kung kamyembro pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad pabalik sa school at nakita ko si Prez sa may bus stop.
Sabi na nga ba.
=Mikaela=
Lumabas na rin ako ng gym. Five thirty na pala. May quiz pa naman bukas. Mabuti na lang malapit lang ang bahay namin. May mga students pa naman sa school, mga dance troupe na nagrerehearse tapos ang volleyball team, nagpapractice pa rin. Nang nasa labas na ako ng school, bigla na lang umulan kaya sumilong muna ako sa bus stop a few meters away from our school. Medyo nabasa yung uniform at buhok ko. Palagi ko kasing nakakalimutang magdala ng payong.
Haist. Kasalanan 'to ni Kevin Chan eh. Nasira ang routine ko para sa araw na 'to. At this time, nag-aaral na sana ako para sa quiz namin bukas. Pero eto ako ngayon, basang-basa sa ulan. Hihintayin ko na lang muna na humina ang ulan. Naglalakad lang kasi ako pauwi. Hindi rin naman kasi delikado kahit minsan gabi na ako nakakauwi kasi maraming establishments at bahay papunta sa amin.
Kung hindi lang ako kinulit ng Kevin Chan na 'yon, hindi ako magmumukhang basang sisiw dito ngayon. Kanina pa sana ako nasa bahay at nag-aaral.
Bigla na lang may nagpatong sa ulo ko ng....towel?
"Sabi ko na nga ba, wala ka na namang payong." Speaking of.
"Akala ko ba manlilibre sa inyo yung coach niyo?" tanong ko.
Umupo siya in front of me with his other knee on the ground. Habang ako, nakaupo sa bench.
"Priorities," he said as he reached for the towel on my head and and dried my hair with it.
I examined him again. Malapit ang mukha niya sa akin. He's busy drying my hair while I'm constantly staring at him, trying to figure out kung ano ba talaga ang trip ng lalaking ito.
"What're you doing?" I asked.
"Pinapatuyo buhok mo, obvious ba?"
I just gave him a bored look.
Tumigil siya sa pagpupunas ng buhok ko and then he looked at me, his hands still on my head, holding the towel.
"I'm trying to make you fall."
For a while, I couldn't find the right words to say.
"Why?" I asked again.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Ano bang klaseng sagot 'yan?" I backfired.
"I already gave you the answer. How many times do I have to repeat myself?"
I was about to answer him kaso...
"Kev!" tawag sa kaniya ng isang girl mula sa likod. It's Bianca Montecillo. "Oh, I didn't know you two are close."
"Bianca, anong ginagawa mo dito?"
"Huh? What do you mean anong ginagawa ko dito? Di ba sabi mo dito ka lang maghihintay sa akin so we could go home together?"
"Anong-"
"Ahem," I cleared my throat and stood up. "I'll go ahead guys, habang hindi na masyadong malakas yung ulan," I told them at lumakad na ako palayo.
"Uy, Prez!"
I continued walking despite hearing Kevin Chan calling me. I didn't bother looking back at them. I don't know, I just felt annoyed.
Nang nasa bahay na ako, naligo agad ako kasi nga naulanan ako. Mahirap na. Hindi ako pwedeng magkasipon o ubo. I have to keep myself healthy especially because marami akong responsibilities. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ng tuwalya, I remembered the scene kanina.
"I already gave you the answer. How many times do I have to repeat myself?"
What answer is he talking about?
=Bianca=
"Uy, Prez!"
The Ice President didn't budge and just continued walking away from us.
"Aish," napakamot si Kevin sa batok niya.
I haven't seen this kind of expression on his face. Ngayon lang. He always keeps his cool but now he seems.......bothered or something. Na para bang may gusto pa siyang sabihin kay Mikaela at ako lang ang pumipigil sa kaniya.
Yeah, I know. I'm the worst. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko yun kanina. About Kevin waiting for me here? I made that up.
"May kelangan ka bang sabihin sa'kin?" he faced me.
"Nothing. I was just trying to break your momentum," I said, trying to make it sound like a joke.
"Bianca, nag-usap na tayo-"
"Sus, joke lang, ano ka ba?"
I faked a smile. I don't want to look miserable in front of him again.
"Actually, may sasabihin nga ako. About sa sinabi ko kahapon. Siguro, masyado lang akong napagod kakapractice. Isa pa, kulang din tulog ko nun kaya feeling ko sabog ako nung araw na 'yon. Sorry if I gave you a hard time. Just forget about it.......like it never happened."
Hindi siya nakasagot. Oo nga naman, ano ba namang isasagot niya? Even now, I'm giving him a hard time.
Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad. I was hoping na hahabulin niya rin ako like what he was about to do with Mikaela kanina. Pero hindi eh. So I decided not to look back because I know that when I look back to him, he's looking at someone else and not at me. I would just keep hurting myself if I do that.
=Mikaela=
Palagi akong maagang dumadating sa school kasi before ako pumunta ng classroom, sa SC office muna ako. After checking some things sa office, pumunta na ako sa room.
"Uy, the Ice President is here. President, pwede bang dito muna ako sa upuan mo? I need to be with this beautiful girl," the guy said as he wrapped his arms around the girl sitting next to him.
The guy is Grey Austin, anak ng may-ari ng Austin Academy, which is this school. He's the vice-president of the student council. Yup, yung hindi nagtatagal ng kahit ten minutes sa loob ng office at yung walang ibang ginawa kundi kabulakbulan.
And the girl is Lisa, my seatmate. Probably, siya na ang magiging ika nth girlfriend ng lalaking 'to. Find the value of n? Infinity ata. Actually, hindi ko na talaga mabilang ang naging gf ng lalaking 'to. Well, hindi rin naman ako nagbibilang.
But then I noticed that Lisa was uncomfortable. Oh, oo nga pala. I remembered she once mentioned na naghihintay sa kaniya yung boyfriend niya na taga ibang class.
"You should go to your room, Mr. Austin. Malapit nang magsimula ang klase," I told him.
"May five minutes pa naman eh, di ba beautiful?" he said as he moved closer to Lisa, making Lisa even more uncomfortable.
I slammed the books I was holding sa desk ko kung saan nakapwesto si Grey Austin.
"Move away from my seat or else," sabi ko with a serious face.
"Or else what? Or else isusumbong mo ako sa principal?" he said and chuckled.
Tumayo na siya but he gave me a mocking face.
"Pamilya ko ang pumapasweldo sa principal, Garcia. Between you and me? Syempre ako ang kakampihan," he said tapos umalis na siya. "Oh by the way, don't be so upright and serious, nerd. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan," he added at nagsitawanan naman ang mga lalaking classmates ko na kabarkada. Pati na yung mga babae na hindi ko alam kung bakit nababaliw sa kaniya.
I just ignored everything: the mockery and the things he said. There's no point in dealing with those things. Kaya umupo na lang ako sa seat ko.
"Salamat," I heard Lisa saying. "Alam kong ginawa mo yun kasi alam mong hindi ako komportable."
"If you weren't comfortable, bakit di mo siya pinaalis?"
"I'm not as brave as you. Takot akong mapagkatuwaan o mapahiya. If I get rid of him, he will get rid of me too and I can be kicked out of this school. Yun yung pumasok sa isip ko eh."
"Hindi siya ang may-ari ng skwelahang ito. He's not the principal nor the school president. So he can't get rid of you. He might be acting superior over each student but actually he's powerless. And I pity him for misunderstanding himself."
Mukhang nasorpresa si Lisa sa sinabi ko. Yeah, I can be rude sometimes. Depende sa tao. But then she suddenly seemed amused as she smiled at me.
"No wonder he fell for you," she said.
"Huh?"
"Nothing. May kilala lang akong someone who knows you so much. Even more than I know you kahit seatmates tayo."
"Okay, class. Settle down," sabi ng prof namin.
I was too focused sa discussion so hindi ko na natanong si Lisa kung sino ang tinutukoy niya.
Lunch time na. Kaya pumunta na akong canteen kasama si Shanna.
"Oo nga pala. Bakit nagmamadali kang umalis when your 'Brixiebabes' sat next to you?"
"Hehe. Ewan ko ba. Para kasing kinabahan ako. Yun bang sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Natakot ako baka marinig niya. Hehe."
Umiling na lang ako. Haist. Sobrang lakas talaga ata ng tama neto kay Brix Asuncion. Tsk.
"Ano gusto mo kainin, Mika? Ako na o-order."
"Okay. Yung usual kong kinakain," sagot ko.
Pumunta na si Shanna sa counter. After a few minutes, may narinig akong kalabog ng nahulog na tray.
"TANGA KA BA??!!!!! WATCH WHERE YOU'RE GOING, STUPID!!!!"
Napalingon ako sa likod ko dahil sa narinig ko. And I saw Shanna na nakatayo sa harap ni Grey Austin.
She was trembling. And I abruptly stood up when I saw Grey do something to Shanna na nagpakulo ng dugo ko.
=Shanna=
Masigla akong pumunta sa counter. Ang ganda kasi ng mood ko. Nginitian kasi ako ng beloved Brixiebabes ko kahapon. Ayiieeeee. Kinilig talaga ako nun to the point na natameme ako.
Kaso alam kong hindi niya ako nakikilala. Eh nakashades kasi ako at cap. Nahihiya kasi akong magpakilala kaya nagdisguise ako, so I could fangirl however I want.
Matapos kong maorder ang porkchop ko at ang beefsteak ni Mika with two mango smoothie, lumakad na ako pabalik sa table namin, dala-dala yung tray.
Pero may biglang dumaan sa harap ko at natapon sa uniform niya yung smoothie.
When the guy faced me, wala akong ibang nagawa kundi magwish na pwede kong maibalik ang oras at nang naiwasan ko ang pangyayaring ito.
He gave me that scary stare after he noticed his wet and stained uniform.
"TANGA KA BA??!!!!! WATCH WHERE YOU'RE GOING, STUPID!!!!"
Halos lumagsik yung laway niya sa mukha ko sa sobrang laki ng boses niya. Grabe siya. Tanga na nga, stupid pa.
Alam kong hindi talaga maganda itong nangyari. Si Grey Austin ang ginalit ko. Kapag lumaban ako sa kaniya, siguradong magagalit siya at siguradong ipapatalsik niya ako sa skwelahang ito.
"S-Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga," sabi ko. Sana naman makuha siya sa sorry, please lang.
"Anong sorry?!"
Pinulot niya yung baso ng smoothie na may natitira pang laman tapos itinapon niya sa mukha ko yung smoothie. The students were reacting. Karamihan nagboo at tumawa.
Then nagsink-in sa utak ko yung ginawa niya.
Itinapon niya sa mukha ko yung smoothie.
ITINAPON NIYA SA MUKHA KO YUNG SMOOTHIE NA PINAKAMAMAHAL KOOOOOO!!!!!!
LOKO TO AH!
Sisipain ko na sana siya kaso nabaling ang atensyon ko sa grupo ng mga estudyante na kakapasok lang sa canteen.
Ang Blue Knights. Si Brix.
Hindi ko alam pero biglang umurong lahat ng galit ko sa katawan. Umurong yung dila ko, nagback out yung paa ko. Hindi ko siya tuluyang nasipa.
"Ano ngayon ang feeling ng natapunan ng shake ha?!!!" sigaw na naman ni Grey sa akin.
Hindi pa rin ako makaimik. Gusto kong lumaban. Pero ayaw gumalaw ng mga bibig ko.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagbato ng coke in can sa ulo ni Grey.
Napamura siya most probably dahil sa kahihiyan at hindi dahil sa sakit. Magaan lang naman ang pagkakatama nito sa ulo niya kasi mukhang wala nang laman yung coke. Pero halatang nairita at napahiya si Grey as the culprit approached us.
It was my...knight in shining skirt.
=Kevin=
Pagkapasok namin sa canteen, nagtatawanan yung mga estudyante. And we saw Grey Austin na tinapunan ng smoothie si Shanna.
I looked at Brix at first time nakita ko na kumunot ang noo niya at galit na galit siya.
"Ano ngayon ang feeling ng natapunan ng shake ha?!!!" sigaw ni Grey kay Shanna.
Akmang pupuntahan na ni Brix si Grey kaso napahinto siya dahil may biglang bumato kay Grey ng coke in can.
When I looked at the person who did that, I was slightly surprised but mostly amused. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti as I stared at her expressionless face matapos gawin yun kay Grey.
Her face was so stoic pero ramdam mo ang galit niya. Lumapit siya sa kanilang dalawa and faced the wincing Grey Austin na napahimas sa ulo niya.
"Oops. Sorry. Akala ko kasi basurahan yang mukha mo," she said to Grey and pulled Shanna towards her.
Pagkatapos nun, lumabas na sila ng canteen. At kinantsawan agad si Grey.
I really couldn't help but be amused. She's different. Wala syang kinatatakutan basta alam niya na nasa tama siya.
Nilapitan ko si Grey at pinulot yung coke in can na nasa sahig. Nadeform na ito dahil sa impact. Pero hindi naman ganun kasakit siguro kung matamaan ka ng empty coke in can. I know Grey is mostly annoyed hindi dahil sa sakit ng pagkakatama kundi dahil sa kahihiyan na nakuha niya. Batuhin ka ba naman ng coke in can sa harap ng mga estudyante.
Habang si Brix naman, hinarap si Grey.
"Ano?!" iritang tanong ni Grey kay Brix.
Tinapik ko sa balikat si Brix para pigilan siya sa binabalak niya. Kung di ko ginawa yun baka nasapak na talaga niya si Grey. Hindi siya pwedeng maharap sa disciplinary actions, kundi di siya pwedeng makalaro sa upcoming inter-high.
Mukhang naintindihan naman ako ni Brix kaya pumunta na kami sa table namin.
"Humanda sa akin yung babaeng yun. Malalaman niyang nagkamali siya ng kinalaban," rinig kong sabi ni Grey.
Napahinto ako. I know Mikaela is fearless and I know tama lang naman yung ginawa niya sa kumag na ito pero nag-aalala pa rin ako.
Because I also know Grey Austin. I know what he's capable of.
=Shanna=
Hinigit ako ni Mika papunta sa CR para makapag-ayos ako. Ginamit ko muna yung spare blouse ko kasi napuno na yung blouse ko na ginamit kanina ng smoothie. Naghilamos na din ako kasi ang lagkit ng mukha ko.
"Mika, salamat ha? At ipinagtanggol mo ako."
She didn't say anything. Kaya nagpatuloy ako sa mga gusto kong sabihin.
"Tapos sorry rin kung kinailangan mo pang makialam dun kanina. Sisipain ko na naman sana yung kumag na unggoy na yun eh kaso....kaso...."
"Kaso nakita mo si Brix na pumasok?"
Napatingin ako sa kaniya at nilapitan niya ako.
"Sa tingin mo ba gusto ni Brix ang mga babaeng nagpapaapi lang?"
Natauhan ako sa sinabi niya.
"I know you're better than that, Shan. Kaya ayaw ko nang maulit yun. Ayoko nang maulit na inaapi ka ng iba nang hindi ka lumalaban."
Tumalikod si Mika pero before siya nakalabas ng CR, niyakap ko siya.
"Sabi ko na nga ba, you're warm-hearted deep inside, Mika."
Tiningnan ko siya and I gave her a smile while she has that usual blank expression.
"Natutuwa ako na kaibigan ko ang Ice President at natutuwa rin ako na isa ako sa mga nakakaalam ng soft side niya."
I broke free from our hug at hinigit ko siya palabas ng CR.
"Let's go, my knight in shining skirt."