=Mikaela=
Nakaramdam ako ng gaan ng loob sa sinabi ni Shanna. She said I'm warm-hearted na minsan ko lang naririnig mula sa ibang tao. And she called me her friend. Kahit papa'no natuwa ako.
Perhaps I'm capable of having friends.
Kumulo talaga yung dugo ko kanina sa Grey Austin na yun. But I managed to suppress my disappontment and annoyance so I wasn't able to make any ruckus. Tinapunan ko lang siya ng coke in can. Don't worry, it was an empty one kaya di yun ganun kasakit. But of course, I know he would be annoyed because of the embarrassment he got. Well, I just made him pay sa ginawa din niyang pagpapahiya kay Shanna.
Isa talaga siyang polusyon dito sa school. Ewan ko lang kung anong dapat gawin dun sa lalaking yun para magtino siya.
He's a cassanova. He's egoistic. Bulakbol. Warfreak. Mainitin ang ulo. He's a brat, actually. A spoiled brat.
Napakabait ng parents niya kaya di ko alam paanong ganyan ang naging ugali niya. Siya siguro ang perfect definition ng taong laki sa layaw. Because he's full of himself and he thinks he can get anything he wants.
Lahat ng bad attitude nasa kaniya na siguro. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. I don't care if he keeps degrading himself.
I know that guy will get back at me. Dahil for sure, napahiya yun kanina. Pero hindi ako natatakot sa kaniya.
Tapos na yung klase. Nasa SC office na naman ako. Nakaalis na yung ibang officers, medyo late na kasi. Nakita ko na naiwan ni Rania yung Math book niya.
May biglang nag-open ng door. Baka si Rania nga.
"Buti naman at nakabali--"
Hindi ako nakapagsalita kasi bigla na lang may humigit sa dalawang kamay ko mula sa likod. For a second, hindi ko alam kung anong gagawin. But I recovered from the abrupt shock and I then realized what is happening.
Nagpupumiglas ako pero malakas yung hawak ng lalaki sa dalawang kamay ko. Then, bigla na lang niyang tinali yung dalawang kamay ko sa likod ko.
Itinabig ko siya. Though limited ang nagagawa kong movement because my hands are tied behind me, nagawa kong mailayo ang sarili ko sa kaniya.
Then I saw his face. I know him. He's the student na may problema sa bayarin niya sa school. Yung palaging nagpropromisory note. I know about his case kasi dumaan yun sa SC bago pumunta sa school board.
"Sorry. Napag-utusan lang," he said then ran out of the office.
Nanginginig yung mata niya habang sinasabi niya yun. Halatang natakot siya.
Now, who's the person behind this? Sinong nag-utos sa lalaking yun?
Tinangka kong tanggalin yung tali sa likod pero masyadong mahigpit yung pagkakatali nung lalaki. The door of the office opened again and may pumasok na lalaki.
"Ako nag-utos sa kaniya, Ms. President," said the guy. Grey Austin.
"Anong kelangan mo?"
"Wala naman," he said as he locked the door from the inside. "Gaganti lang naman ako sa kahihiyan na dinulot mo sa akin kanina." He went near me. "Tsk, tsk, tsk. Kawawa ka naman. Ipinagtanggol mo yung bestfriend mo kanina tapos ikaw ngayon, walang magtatanggol."
He narrowed his face towards mine.
"Maganda ka nga lalo na pag malapitan. Sayang lang kasi ang boring mo. "
Tiningnan ko lang siya. I was about to kick him pero nakailag siya.
"Hahaha! 'Yan lang ba kaya mo?!"
This guy is really stupid. He never does anything fairly.
I tried to free my hands from the tie pero wala talaga. It's so difficult to move with just your feet. So I stopped trying to move and just looked at this lowly guy in front of me.
"Huwag mo kasi akong kalabanin. Pero wag kang mag-alala. Kung mangangako kang magsorry sa akin sa harap ng lahat ng students dito sa Austin, hindi ko itutuloy ang binabalak ko."
I scoffed. What nonsense.
"Bakit ko naman gagawin yun? Wala naman akong ginawang masama."
"Anong sinabi mo?"
"Ito lang ba ang kaya mo?" I smirked at him.
"Ano?"
"Anong binabalak mo? Bubugbugin mo ako? Sige. Let's see how low and stupid you can go, Mr. Grey Austin."
I think I angered him big time sa sinabi ko kasi itinulak niya ako sa wall. Sobrang lakas ng pagkakatulak niya. Strong enough to make me wince in pain.
"Ginagalit mo talaga ako ha? Tingnan natin kung sa'n aabot yang pagtatapang-tapangan mo."
Hinigit niya yung kwelyo ng uniform ko at akmang susuntukin na niya ako. I was about to kick him again nang nakarinig ako ng kalabog. Things happened so fast at nakita ko na lang si Grey Austin na nasa sahig. May dugo sa labi niya. I looked at the guy who did that to Grey.
He was catching his breath. This was the very first time I saw this guy with anger written on his face.
"Lay a single finger on her again, di lang iyan ang aabutin mo."
Grey stood up. Tumingin siya sa akin and then kay Kevin Chan.
"Tch. Magsama kayo," he said then he walked out of the office.
Humarap sa akin si Kevin. Pero he instantly averted his gaze away from me.
"Y-Yung buttons ng blouse mo," sabi niya.
I looked at my uniform. Nakaopen na yung uppermost button siguro dahil sa lakas ng pagkakahila ng Grey na yun kanina sa kuwelyo ko.
I tried to move my arms and hands para ayusin ang butones ko. Oo nga pala, nakatali pa rin yung mga kamay ko.
Kevin Chan must've noticed kaya pumunta siya sa likod ko para tanggalin yung nakatali sa mga kamay ko.
I instantly tried to fix the buttons of my uniform but my stupid hands were trembling at hindi sila makagalaw nang maayos. It was like ayaw makinig ng mga kamay ko sa utak ko and they can't function well. I shake my hands off to get rid of the trembling pero when I tried to button up my uniform again, hindi pa rin nawala ang panginginig.
"Tsss," I hissed, irrirated.
Kevin Chan looked at me and went in front of me.
"Ako na," he said as he made me put my hands down.
Siya na ang nag-ayos ng butones ng uniform ko. After that, hinawi niya yung iilang strands ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. He fixed my hair at napatingin siya sa kamay ko.
I'm still trembling. Napaiwas ako ng tingin and I clenched my fists instead. Ang kulit ng mga kamay ko. Wag nga kayong manginig.
I shouldn't let this Kevin Chan see that I'm--
"It's okay to get scared," he said. "It's okay to depend to other people."
"I'm not scared."
"You're trembling, Prez. It's okay. It's natural to have that reaction."
Napatingin ako sa kaniya. I don't know how he does it, but he has that expression that could make you feel comfortable.
"I said I'm not scared," I insisted, making him chuckle lightly.
"O sige. Hindi na. Pero mabuti pa umupo ka muna," he said as he ushered me to sit on the office's couch. Umupo din siya a few inches beside me. "I will not say anything until you completely calm down."
Hindi na lang din ako nagsalita. My feet were also trembling actually. I guess he noticed them too.
=Kevin=
Hindi siya nagsasalita as we are sitting on the couch. Pero hinayaan ko lang na ganun at hindi rin ako nagsalita. I want her to calm down. Nanginginig kasi siya kanina pa. Her hands and feet were trembling in fear. Of course she would be scared after what that moron did. Nang makita ko yung lapit ng mukha ng g*go at walangyang Austin na yun kay Mikaela, as he was about to do whatever he planned to do, hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya.
He was holding her by the collar at mukhang susuntukin niya sana si Mikaela. Plano niya pa atang bugbugin ito. Tss. Ang bakla niya, kahit babae papatulan niya.
Ang lakas ng loob niyang gawin yun. Kaya naman pala hindi nakalaban si Mikaela dahil nakatali ang mga kamay niya.
Langya talaga ang Austin na yun. He never does anything in a fair way. Duwag.
Tama lang sa kaniya na nasuntok ko siya. Wala akong paki kung magsumbong siya sa guidance. Wala akong paki kung maharap ako sa disciplinary actions at hindi makalaro.
Ibinalik ko yung tingin ko kay Prez. Nakapikit lang siya at nakasandig na sa couch. Nakatulog siguro.
Pinagmasdan ko siya. And while I was staring at her beautiful face, sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
I didn't know my heart is capable of beating this fast until I met this girl.
I continued staring at her sleeping face. If I would describe her face, I'd say it's simply beautiful. Walang arte.
She's more than just pretty. May lahi siyang Spanish pero kahit one fourth lang, mapapansin mo pa rin. I won't go into details on describing how beautiful this girl is. Baka mahulog pa ako ng mas matindi eh.
Naalala ko tuloy kung paano niya unang pinatibok ang puso ko.
=FLASHBACK=
Sophomore year ko na dito sa Austin at andito kami ngayon sa gym para magpractice ng basketball.
"Ang tanga-tanga naman ng batang ito! Akala ko ba working scholar ka? Di ba dapat alerto ka ha?! Ayus-ayusin mo yang trabaho mo. Di 'yong tatanga-tanga ka!!!!"
Narinig kong sabi ng isang P.E instructor sa isang babae. Pinapagalitan niya yung babaeng maikli ang buhok na may kasamang babae rin na may kahabaan naman ang buhok.
Tapos na ang practice namin kaya umupo muna ako sa bleachers at uminom muna ako ng tubig. Kaso sa laki ng boses ng instructor, nabaling ang atensyon ko sa kanila.
"S-Sir. Hindi niyo naman kasi sinabi na kasali pala yung eraser sa pinapadala niyo."
"Malamang kasali yun!!!!! Tanga ka nga no?! Palaging magkasama ang eraser at whiteboard marker hija! Di mo ba alam yun, bobo ka?!"
"S-Sorry po sir. Babalik na lang po ako sa P.E Department at kukunin yung eraser."
Tumakbong umiiyak yung babaeng maikli ang buhok palabas ng gym. Eh grabe ba naman kasing sermon ang naabot niya dahil lang hindi niya nasali sa pagdala yung eraser ng instructor. Tapos medyo marami pa ang tao sa gym. Kaming basketball team at yung cheerleading team, narito pa rin.
Mukha kasing magkakaroon ng klase ang instructor dito sa gym. Nandoon pa rin yung babae na kasama ng babaeng napagalitan kanina.
"Ay pasensiya ka na, hija ha? Ikaw ba yung second year rep na kukuha ng log book? Sorry talaga. Bobo lang talaga kasi yung working namin eh. Hirap makaintindi," sabi niya.
Ah, hindi pala sila magkasama ng babae kanina.
Mali ka, Sir. Ano namang nakabobo dun? Pwede namang marker lang ang ipadala. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon magkasama ang marker at eraser. Malay ba ng babae baka nadala na ng teacher yung eraser at yung marker lang ang nakalimutan.
"It was actually your mistake, Sir," sabi ng babae na ikinagulat ng instructor. At ikinagulat ko rin.
"H-Ha?" takang tanong ng instructor.
"You have to be specific next time sa kung ano nga ang ipapadala mo. Hindi po sa lahat ng pagkakataon pareho ang iniisip mo at ng working student mo."
"Eh, initiative na dapat niya ang pinapakilos niya. Common sense naman na palaging magkasama ang eraser at ang whiteboard marker, di ba?"
"Malay po ba ng working niyo, baka nadala niyo na pala ang eraser at yung whiteboard marker lang ang nakalimutan niyo. The point is, dapat hindi niyo pinagsasalitaan ng ganun yung estudyante."
"Sino ka ba? Kaibigan ka ba ng working na yun?"
"No. I don't even know her. Pero sadyang mali lang po talaga ang ginawa niyo at sinabi niyo sa kaniya. You could've just asked her to go to the department again to get the eraser. Hindi niyo na siya kelangan pang ipahiya at tawaging bobo o tanga. That's actually verbal a***e, Sir. And you're not even his father so wala kang kahit konting karapatan para pagsabihan siya ng ganun."
Hindi nakaimik yung instructor. Habang ako, manghang-mangha sa sinabi ng babae. Akalain mo, instructor ang pinagsabihan niya! Hahahah. Pero tama naman siya eh. Everything she said is purely right.
Umalis na yung babae matapos niyang kunin yung log book. As he faced towards our direction, nakita ko ang mukha niya.
So calm and composed. Emotionless.
Yet beautiful.
Tumayo ako at pinalakpakan ko siya. She noticed me and she gave me her cold beautiful stare.
Binigyan ko siya ng isang ngiti at nilapitan.
"What're you doing?" tanong niya sa akin. "Bakit ka pumapalakpak?"
"Because I was amazed. Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng pinagalitan ang isang teacher."
"Ano namang nakaka-amaze dun? Natural lang naman yun kasi siya naman talaga ang mali, di ba?"
Pagkatapos niyang sabihin sa akin yun, lumakad na siya at lumabas na ng gym. Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko.
"Pare okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kateammate kong si Leo na ka-year ko lang.
"Huh? Oo naman, bakit?"
"Nakausap mo kasi yung si classmate kong rep. Alam mo bang napakacold nun? Sobrang talino pero sobrang snob din."
At sobrang ganda din.
"Sino siya? Anong pangalan?" I began to be curious.
"Mikaela Garcia."
"Ahh."
So her name is Mikaela.
"Kala ko talaga na-frozen ka na eh," biro ni Leo.
I just chuckled. No, bro, I wasn't frozen. I was melted away.
=END OF FLASHBACK=
Yun ang unang pag-uusap namin ni Prez. At dun ko din unang naramdaman na humahanga ako sa isang babae. Crush pa syempre yun, at first. Pero wala eh. Masyado akong nadala sa nakakatunaw niyang mga mata. And I adored her strong and straightforward personality.
I always see her correcting and reprimanding anyone na nagpapasaway, anyone na mali ang ginagawa.
Eventually, I realized that I have been laying my eyes on her for so long already. And that my feelings for her grew from simple crush to a deeper one as I began to realize that everything about her just fascinates me.
Hindi naman ako yung tipo ng lalaki na torpe. Kapag gusto ko yung babae, hindi ako nagdadalawang-isip na ipakita sa kaniya na gusto ko nga siya. Hindi ko ito ginagawa para magpabilib sa iba. I do that because I want the girl I like to know how much I'm into her.
Well, this is my first time doing these things. Mikaela is the first ever girl who stole my heart away. Yun nga lang, she doesn't feel the same way for me.
Well, for now.
Alam ko someday, she will fall for me. And siguro by that time, I have already fallen deeply in love with her. Ngayon pa lang kasi, mas lumalala na ang nararamdaman ko, ano pa kaya kung pansinin na niya ako?
"You're unfair, Prez," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin siya na natutulog. Pero mukhang nagising ko ata siya.
"Ikaw yung unfair," sagot niya. "Sinasamantala mo ang pagkakataong nakapikit ako and you keep staring at me like that," dagdag niya. Napatawa ako ng bahagya.
"Well you can stare at me too, if you want," sabi ko. I leaned on the couch and faced her. Our faces are few inches away from each other kaya naman sobrang lakas pa din ng t***k ng puso ko. "Pipikit na lang ako para di ka mahiyang titigan ako," I said then closed my eyes.
After a few minutes, dinilat ko ang mga mata ko. Pero wala na siya sa couch. Nandoon na siya sa desk niya as SC president at nag-aayos ng mga gamit.
Napakamot na lang ako. Wala nga sigurong effect sa kaniya ang kagwapuhan ko. Tss.
=Mikaela=
He closed his eyes as he told me to stare at him.
Subconsciously, I did stare at him. But only for a minute.
He has the looks. Well, what I said is probably an understatement in other girls' point of view. Since maraming nagsasabi na sobrang gwapo niya.
He just has this perfectly shaped lips and long, sharp nose. He's half Chinese kaya singkit ang mga mata niya. His hair looks so soft, making me want to ruffle it.
I have always seen his face this close kasi palagi niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. But this is the first time that I actually stared at him and noticed his facial features.
I was about to ruffle his hair but when I saw my wristwatch, I realized that it's getting late. Kelangan ko nang umuwi.
So I stood up and went to my desk para ayusin ang mga gamit ko nang makauwi na ako. I checked my feet and hands. They're now moving normally. Mabuti naman.
Humanda talaga sa akin yung Austin na yun. Kahit pa vice president siya ng SC, hinding-hindi ko siya hahayaan makapasok o makalagpas sa pintuan ng office nang hindi napaparalisa.
Speaking of pintuan.
I looked at our door. It was destroyed.
"Anong nangyari sa door?" tanong ko kay Kevin Chan na napakamot sa ulo niya.
"Ha?"
"Sabi ko anong nangyari sa pintuan namin?"
"Eh nakalock kasi kanina eh. Kaya no choice ako kundi gibain. Sinipa ko."
I gave him a look of disbelief and he just smiled apologetically.
"Mas importante ba yung pintuan kaysa sa'yo?"
Hindi ako sumagot. Tama siya. Kundi niya giniba yung door hindi niya ako maliligtas mula kay Grey.
"Never mind. Ipapaayos ko na lang 'yan," sabi ko.
Lumabas na kami ng office. Naku naman, paano ko malolock ito ngayon?
Mabuti na lang at hindi nagalit si Kuya Guard nang sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa nagibang pintuan ng SC office. Nasa gate na kasi kami. Sabi ni Kuya, ayos daw lang yun at babantayan naman daw nila yung lugar since malapit lang naman ang SC office sa guard house.
Nang nasa labas na kami ng school, hinigit ako ni Kevin papunta sa motor niya na nakapark.
"Hatid na kita," sabi niya.
"Ayokong magmotor. Hindi siya safe," sabi ko.
"Mag-iingat ako. Hindi ko palalakasan yung takbo. Promise," he said.
He looked so sincere kaya pumayag na lang ako. Isa pa, may helmet naman siya, dalawa.
Isinuot niya sa akin yung isang helmet. And then, sinuot na din niya yung isa. Sumakay na ako sa motor at humawak sa may balikat niya.
"Kapag diyan ka humawak, baka mahulog ka," sabi niya tapos inilipat niya yung pagkakahawak sa kamay ko sa bewang niya, making me literally hug him. "At least kung ganito ang pagkakahawak mo, sa akin ka lang mahuhulog," dagdag niya habang lumilingon sa'kin.
Umiling lang ako. He was having that huge grin as he stepped into the engine and then he drove the motorcycle in a moderate speed.
Nakarating na kami sa harap ng bahay namin at bumaba na ako ng motor.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit alam ko kung saan yung bahay niyo?"
"Hindi na," I said as I handed back the helmet to him. "Kasi alam kong sinundan mo ako dito sa bahay noon."
"Sinundan lang naman kita kasi nabalitaan kong hindi raw maganda ang pakiramdam mo. I was just making sure na you could go home safe and sound. Baka ka kasi mawalan ng malay sa kalsada eh."
"Okay, if you say so. Anyways, mabuti naman at hindi ka pala kaskasero."
"Mabilis ako magpatakbo pero dahil nakaangkas ka, syempre, I slowed down," he said at ginulo niya ang buhok ko. "I'm used to taking things slow when it comes to you," he added and then smiled. "Sige na, pasok ka na."
"O sige. Salamat nga pala. For everything," I said.
"Anytime."
Pumasok na ako sa gate at narinig kong pinaandar na niya ang motor.
Before going to my room, dumaan muna ako sa room ng mom ko. Wala pa siya.
"Hija kain ka na. May hinanda na akong hapunan. Sabi kasi ni Madame, magagabihan daw siya ng uwi kaya mauna na ka na lang dawng kumain," sabi ni Ate Carla, yung kasambahay namin na matagal nang nagsisilbi sa amin.
"Ah, sige ho, Ate."
I ate dinner alone. Sanay na naman ako eh. Palagi naman akong mag-isang kumakain. Pero minsan, sinasabayan ako ni Ate Carla.
After eating, I headed to my room and immediately took my books out. I answered my assignments on my study table. As I was answering my assignment in Algebra, napakamot ako sa ulo ko. And then I remembered what Kevin did to my hair, nung ginulo niya ito.
*iling-iling*
So yun nga, next, I need to find the roots of these equations via the matrix process.
Nagpatuloy ako sa pagsasagot sa assignment ko until nakaramdam na ako ng antok. So I lied down on my bed.
"I'm used to taking things slow when it comes to you."
Umiling ulit ako. I should sleep. I'm thinking nonsense.