=Mikaela=
It's a normal day. Nasa office ako buong time na walang klase. Yun lang kasi ang routine ko. School, room, SC office, bahay, school na naman, room, SC office, bahay.
Tama nga siguro ang sinabi ni Grey. That I am boring.
Pero wala akong pakialam. I don't need to change myself just to please the people around me.
It's time for daily inspection sa school. May specific na oras kasi akong nilalaan para umikot ng campus at magmatyag. Baka may mga katiwalian at pagpapasaway na namang nangyayari.
"Hoy! Ayan na yung pera, ibayad mo para sa tuition mo," I heard someone say. It's Grey Austin with the guy na nagtali sa mga kamay ko kahapon.
"H-Hindi ko tatanggapin 'yan."
"At bakit naman hindi?"
"Pinagsisihan ko yung ginawa ko. Sinabi mo wala kang gagawing masama sa kaniya!"
"Wala naman talaga akong ginawa! I was just going to scare that cold nerd."
"Kahit na. Pupuntahan ko si resident. At hihingi ako ng tawad. Kaya ibalik mo na lang yang pera kung sa'n mo man 'yan kinuha."
"Tch. Nakakahawa ata ang pagiging righteous nung yelong president na yun. Bahala ka."
Umalis na si Grey kaya nilapitan ko yung lalaki. Halatang nagulat siya pagkakita sa akin.
"M-Mikaela."
"Apology accepted."
"Huh?"
"Pinapatawad na kita."
"T-Talaga?"
"Oo. Kasi mukhang alam mo na na mali yung ginawa mo."
"Salamat. Salamat kasi pinatawad mo ako at hindi mo ako sinumbong sa guidance. At pasensya ka na. Nagipit lang kasi ako nun eh. Hindi ko naman inakalang--"
"You don't have to explain. Wala akong oras makinig. Sige na. You go to your class."
Lumakad na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabi ko na lang na wala akong oras makinig since alam ko naman kung bakit niya ginawa yun.
Napadaan ako sa gym at nakita kong nagprapractice yung basketball team. Sa stage ng gym, nandoon yung mga 1st year representatives na naghahanda at nagdedecorate sa stage para sa acquaintance party nila.
Mukha silang nagkakaproblema. So I went there to check.
"Ayos lang ba kayo?"
"Ah Ate Mika, ayos lang po kami. Kyanna, abot mo ba?" tanong ni Julie, isang rep, dun sa kasama niyang freshman rep din na may pilit na inaabot sa dulo.
"Abot nama--"
Natumba yung tinutungtungan ng bata. Muntik na siyang mahulog sa sahig kundi ko lang siya nasalo. But when I did that, I felt a click at my ankle.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Kyanna.
"Opo Ate Mika. Salamat," she said.
"Hay. Kinabahan ako dun, Kyanna ha?" sabi ni Julie.
"Sorry."
"Sige na. I'll give it a try. Baka maabot ko," I said at ako na umakyat dun sa tinungtungan kanina ni Kyanna.
Ouch. My right ankle indeed hurts. Hindi ko alam ang nangyari basta kanina pagsalo ko kay Kyanna, I felt a click sa may paa ko. But it isn't that painful, kaya lang. Baka konting hilot lang nito, mawala na.
Hinawakan naman ng dalawa yung tinutungtungan ko para hindi na ito matumba.
Kahit ako hindi ko rin maabot. Ang layo kasi, nakatungtong na nga ako nyan ah. Wala rin naman kasing ibang pwedeng mapagsabitan nito para maging even tingnan yung decoration na nakakabit sa rope.
"Hey, Prez. May problema ba?"
Nagsitilian yung mga dalawang bata dahil dumating si Kevin Chan.
"Tamang-tama, Kuya Kevin. Since mas mataas ka sa amin, pwede mo ba kami tulungan?"
"Sure. Anything."
Natuwa naman yung mga bata. Since inaamin ko naman na mataas siya at siguro maaabot niya yung sasabitan ng rope, bumaba na ako at ibinigay sa kaniya yung dulo ng rope.
Effortlessly, he was able to reach it at ikinabit na niya yung tali.
"Hay salamat naman. Kanina pa namin yan problema eh."
I smiled at them. Naaalala ko kasi yung time na representative pa ako. Tinulungan din ako nun ng mga seniors ko.
"Do you still have any concern? Para naman matulungan ko kayo," I told them.
"Wala na Ate Mika. Konti na lang kasi tong dapat naming gawin. Kaya na namin 'to!"
"O sige. Balik muna ako sa office ha?" I told them and carried on.
I winced. Masakit talaga yung ankle ko. I stopped and held my ankle. Hinilot-hilot ko ito ng bahagya, hoping that the pain would cease. Pero paglakad ko ulit, masakit pa rin. But I managed to go back to the SC office.
Ipapa-massage ko na lang ito mamaya kay Ate Carla.
So I sat down on my seat at the office and just continued with the paperwork. I was too focused on my work when I remembered my ankle. Hinimas ko ulit yung ankle ko at sinubukan itong masahe-in ulit ng konti. Inikot-ikot ko yung paa ko. Masakit pa rin.
Paano 'yan? Maglalakad pa naman ako mamaya.
"Anong iniisip mo, Prez?"
I looked at the guy who popped out in front of me. Umupo siya sa desk ko kung saan ako maraming ginagawang paperwork. At dun ko lang napansin na kami na lang dalawa ang nasa office. Anong oras na ba? It's around 7 na pala.
"Ano na namang ginagawa mo rito?"
"Ganyan mo ba tratuhin ang taong nagligtas at naghatid sa'yo kagabi?"
I gave him a glare pero tumawa lang siya. Akmang guguluhin na naman niya yung buhok ko pero itinabig ko ang kamay niya. Napalakas ata ang pagtabig ko kasi nandilat ang mga singkit niyang mata, probably surprised about what I did.
Sorry. My body moved by itself. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. I think it's becoming my habit to push people away from me without even intending.
Pero instead na magalit siya, ngumiti lang siya sa akin. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa desk ko at umupo na lang dun sa chair sa di kalayuan.
"Continue your work. Di kita iistorbohin," he said.
"Bakit ka nga andito?"
"Hinihintay kong matapos ka."
"And why so?"
"Kasi ihahatid kita."
"Tch. Sino namang may sabing sasabay ako sa'yo pag-uwi?"
"So ano? You will walk towards your house with that injured feet of yours?"
I was the one surprised this time. How did he know about my injured ankle?
Hinila niya yung chair na inuupuan niya and sat near me. Ipinaharap niya ako sa kaniya. Tapos, hinawakan niya yung kanang binti ko, the injured one, at ipinatong sa lap niya.
Aangal na sana ako but he softly massaged my feet and ankle. Hindi ako nagreklamo as I saw him na concentrated sa pagmamasahe ng binti ko.
"Mag-iingat ka kasi palagi. I know it was necessary to save that kid from falling, but remember that if you want to save someone, you should see to it first that you're also uninjured during the process," he said to me with a voice appearing to be both worrying and reprimanding. "Naiintindihan mo ba ako?"
"Why are you reprimanding me?"
"Because I'm worried."
I averted my gaze. I'll let this pass.
Nang matapos na niyang i-masahe yung binti ko, I tried to move my toe. Naibsan yung sakit pero hindi naman totally nawala.
I fixed my things and stood up. Nakakalakad ako ng maayos, though may konting kirot pa paminsan-minsan.
We were at the gate when he grabbed my bag and gripped my hand. Hinigit niya ako papunta na naman sa motor niya.
"Aangkas ka whether you like it or not," sabi niya sabay suot ng helmet sa ulo ko.
He stepped on the engine after wearing his own helmet. He then looked at me. Nasa kaniya yung bag ko so no choice ako kundi umangkas na lang.
Well, looking at the bright side. Mas maigi na rin ito nang hindi ko pagurin ang sarili ko sa kakalakad. Pero alam kong hindi ako dapat mamihasa sa ganitong routine.
Ayokong magtanim ng utang na loob sa isang tao. As much as possible, the help I get from other people should be delimited. Hindi naman sa ayaw kong magpatulong. I just don't want to make myself depend on other people. And also, I don't want to be a bother.
Mas mabilis ngayon ang pagpapaandar niya. But it's not too fast. Nakarating na kami sa bahay in just a short while since malapit lang naman ang bahay namin sa school.
Bumaba na ako ng motor at tinanggal yung helmet.
"Lagyan mo ng salonpas yang ankle mo."
"Oo."
"Pasok ka na."
"Kevin Chan. I know marami na akong utang na loob sa'yo. But don't worry I'd definitely pay you back."
"I'm not asking for anything. So don't be burdened by it," he said and smiled. Tapos, pinaandar na niya ang motor niya.
=Shanna=
Papunta akong SC office ngayon pero dumaan muna ako sa gym para tingnan yung Brixiebabes ko. But when I scanned the basketball court, wala siya dun. Though yung iba na varsity players nandoon na.
I leaned my head dun sa wall ng entrance ng gym habang nakatingin pa rin sa court.
"Nasaan kaya yung babes ko?" I said to myself.
"Sinong hinahanap mo, Shanna?"
I stood straight matapos marinig ang boses na yun. Napalingon ako sa likod at nakita ang pinakamamahal ko at sobrang gwapong nilalang na nakatayo malapit sa akin. Nakauniform pa siya at dala niya yung sports bag niya.
"Hi," bati niya sabay kaway at ngiti.
"H-Hi din," sagot ko. Tofu. Nauutal ako.
"May hinahanap ka ba?"
"Ikaw....Este, ikaw, nakita mo ba si ano...si....LEO!!!!!"
Nilapitan ko ang kakarating lang din at nagtatakang si Leo na kasali din sa team nina Brixiebabes.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa. Sorry, Leo, kung nadadamay ka.
"Uy, may practice pa kayo?"
"Ah, oo. Bakit? May kelangan ka?"
"Hintayin na lang kita sa SC ha? Bye."
I said at kumaripas na ako ng takbo.
Tofu talaga. Bakit ba kasi umuurong yung dila ko sa tuwing nagkakausap kami ng Brixiebabes ko? Sobrang lakas pa ng t***k ng puso ko. Kaya nga ako tumakas eh kasi baka marinig niya yung kabog. Buti na lang dumating yung si Leo. Magkakilala naman kami kasi classmates kami kaya mag-eexplain na lang ako sa kaniya bukas sa room.
=Brix=
Papunta akong practice nang nakita ko si Shanna na nakatayo sa may entrance ng gym.
Inayos ko ang buhok ko at kuwelyo and then I approached her.
"Nasaan kaya yung babes ko?"
B-Babes? May boyfriend na siya?
I tried to compose myself as I went nearer to her.
"Sino hinahanap mo, Shanna?"
I know she was surprised. Napalingon siya sa akin na nanlalaki ang cute niyang mga mata.
"Hi," I greeted her and smiled.
"H-Hi din," she answered.
"May hinahanap ka ba?"
"Ikaw....Este, ikaw, nakita mo ba si ano...si...LEO!!!!!"
Bigla siyang tumakbo at nilapitan niya si Leo, yung forward namin.
So si Leo ang 'babes' niya?
"Uy, may practice pa kayo?"
"Ah, oo. Bakit? May kelangan ka?"
"Hintayin na lang kita sa SC ha? Bye."
Tapos umalis na siya. Napatingin ako kay Leo. Nakatingin siya sa tumatakbong si Shanna.
Sila nga ba? Pero wala namang sinasabi sa amin si Leo na may nililigawan siya o may girlfriend na siya.
"Girlfriend mo pala si Shanna?"
"Huh?" Napalingon si Leo sa akin. "Hindi uy. Ewan ko nga anyare dun eh. Baka may gusto sa akin. Hahaha!"
Patawa siyang pumasok sa gym. Ako naman, pumasok na lang din.
So hindi sila, pero may gusto sa kaniya si Shanna? Bigla akong nakaramdam ng...well....selos ata tawag nito. Sa dami ba naman ng magugustuhan niya, yung kateammate ko pa.
Nagstart na yung practice namin. Sa tuwing nakikita ko si Leo, naiisip ko yung sinabi niya kanina. Na baka may gusto sa kaniya si Shanna.
Kainis. Di tuloy ako makapagconcentrate. Hindi pumapasok ang mga tira ko.
"Break muna!" sigaw ni coach. "Asuncion! Halika nga."
Lumapit ako kay coach at binatukan niya ako. Light lang naman. Para narin kasi naming barkada itong si Coach eh.
"Kung anuman yang iniisip mo, wag mong dalhin sa game. Kung babae yan, mas lalong wag mong dalhin sa game. Get yourself together, Brix."
"Yes, coach."
Get yourself together, Brix.
=Shanna=
"Oh anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mika sa akin. Nakaupo kasi ako sa couch ng SC at nakapanghalumbaba.
"Ihhh. Bakit ba kasi nahihiya ako sa tuwing kinakausap ako ng Brixiebabes ko eh? Tch. Sayang kanina. Pinansin pa naman niya ako."
Nakita kong umiling lang si Mika. Hay naku. Hindi rin naman ako makakakuha ng advice sa babaeng 'to. Eh ang slow kasi nito pagdating sa mga ganitong bagay. Mismong fact nga na gusto siya ni Kevin Chan di niya marealize eh.
Nagbell na kaya bumalik na ako sa room. Nakita ko si Leo dun at nilapitan ko siya.
"Uy, Leo. Pasensya ka na. Eh kelangan ko lang talaga ng palusot kanina--"
"Crush mo si Brix no?"
"H-Huh?"
"Di ba ikaw yung palaging naka-shades at naka-sombrero sa tuwing may game kami tapos sigaw ng sigaw ng 'Go Brixie--'"
Tinakpan ko agad ang bibig niya. Baka kasi may makarinig sa kaniya. Buti na lang masyadong busy ang mga classmates namin.
"Ssssh. Wag mo namang ipagkalat," I said at tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa kaniya? Eh, mukha namang may gusto rin yung--"
"Good afternoon, Mrs. Cortes!"
Agad akong pumunta sa seat ko at di ko masyadong narinig yung sinabi ni Leo. Sa lahat kasi ng teachers, siya dapat ang hindi dapat ginagalit at dapat, pagkapasok niya nasa nararapat na seat na lahat agad-agad.
Oo, ang daming dapat.
Pagkatapos ng 1234567890 minutes of lecture na nagmistulang MMK ng buhay ni Mrs. Cortes, lumabas na siya room.
Nilapitan ko si Mika na nag-answer na agad ng assignment namin na kakabigay pa lang ni Mrs. Cortes. Ang sipag talaga nitong bestfriend ko. Matalino na nga nagsisipag pa. Kaya nga palaging top eh.
"So ano na? May improvement na ba kayo ni oh-so-gorgeous Kevin Chan?"
"Saan?" inosente niyang tanong.
Face palm.
"Anong saan? Syempre sa lovelife niyong dalawa."
"Ito na naman ba ang pag-uusapan natin?"
"Oo naman! Alam mo ba, nireject daw ni Kevin si Bianca Montecillo. Akalain mo. Ikaw lang talaga ang nasa puso't isipan ng ace ng Blue Knights. Ayiieee. Kinikilig talaga ako!"
Bumuntong-hininga lang si Mika and as usual, binalewala na naman niya ang panunukso ko sa kaniya kay Kevin Chan.
"Suuuus. Pakipot ka pa, Mika. Akala mo ba hindi ko alam na nanood ka ng practice game nila nung unang araw? Aysuuuuus," sabi ko at inalog-alog siya.
"I just had to do that, you know. Yung pass kasi na dapat sana ibibigay ko na lang sa'yo ay nabalik kay Kevin Chan. And kinailangan kong kunin yun ulit sa kaniya kasi ayaw kumanta ng band vocalist na hinire natin para sa sportsfest kung hindi raw siya makakanood ng game ng Blue Knights."
"Yung Artistri?"
"Oo. Sabi ng vocalist nila, kakanta lang daw siya kapag bigyan ko siya ng ticket. Nasold out na kasi at di raw siya nakabili."
"Vocalist? Yung si Art? Fan siya ng Blue Knights?"
I gasped when I realized something.
"He's gay?!"
"Paano mo naman nasabi yun?"
"Eh kadalasan kasi ng mga kilala kong fan ng Blue Knights, mga babae. Puro mga may crush sa isa sa mga players ng Blue Knights. Naku, wag naman sana yung Brixiebabes ko yung crush niya," I pouted.
"You're stereotyping, Shanna. Di lahat ng fans ng Blue Knights pusong babae no."
"Oo na. Oo na. I'm just overthinking. Pero in fairness ha, in demand yung Artistri dito sa school at maging sa labas ng school. Magaling din naman kasi sila eh."
"Kaya nga no choice ako nun."
"Bakit nga pala may benda yang paa mo?"
"Na-sprain. Pero slight injury lang 'to."
"Tsk. Mag-ingat ka kasi," payo ko.
Pumasok na yung next teacher namin. Kaya bumalik na ako sa seat ko. Ibinalik ng teacher namin yung papel namin mula sa quiz kahapon. As usual, perfect yung BFF ko. Ako naman, three mistakes. Okay na rin.
"Grabe talaga si Mikaela, perfect na naman."
"Oo nga. Kundi lang siya cold eh makikipagkaibigan ako sa kaniya para pakopyahin niya ako."
"Tingnan mo yang si Shanna Lim. Malalaki din ang scores dahil nakabuntot palagi kay Mikaela."
"Baka pinapakopya siya ni Ice Pres."
Hindi ko natiis at nilingon ko ang mga babaeng nag-uusapan sa likod ko.
"Excuse me, but I don't think Mika wants to be friends with cheaters like you," I told them.
"Ch-Cheater? Kami? Baka naman ikaw? Kumukopya ka kay Mikaela."
"Pa'no naman ako makakakopya eh ang layo nga ng upuan ko kay Mika," I said.
Hindi sila nakasagot.
Thanks to Mika, I've learned to be slightly logical. Yun bang parang namimilosopo pero tama naman lahat ng sinasabi mo. Kaya pala ganito si Mika, kasi ang ganda sa pakiramdam na hindi nakakasagot yung kausap mo lalo na kapag nakakainis yung mga walang kwenta nilang opinyon.
Ang lakas nilang makapanghusga. Hindi yung katalinuhan ni Mika yung habol ko. Mga echosera 'tong mga 'to.
Dismissal na. Hinintay kong matapos si Mika sa pag-aayos ng gamit niya dahil sabay kaming pupunta ng SC. Nga pala, 4th year representative ako dito sa school.
Nabaling ang atensyon ko sa mga babae na mukhang kinikilig na dumadaan sa labas ng room namin. Lumabas na kami ng room matapos makapag-ayos ng gamit niya si Mika.
"Brix?" pagtataka ko. Kaya pala kinikilig yung mga dumaan.
"Uh, Shanna, una na ako sa office. Marami pa akong gagawin eh."
Hindi ko na nasagot si Mika dahil lumakad na siya at nagtataka pa rin ako kung bakit nandito itong gwapong nilalang na 'to.
Oo nga. Dapat lumakad na rin ako. Eh hindi naman siguro ako yung hinihintay niya. Teka, ba't ko ba naman iniisip na ako nga hinihintay niya dito?
Akmang lalakad na ako pero tinawag niya yung pangalan ko.
"Shanna," he said with a soft and pleasing voice.
Tofu. Umaandar na naman ang hiya ko. Pero I managed to face him.
"Uhh. Ano kasi."
May kinuha siyang papel sa bulsa niya at binigay niya ito sa akin.
"Sakaling may time ka para manood," he said.
Hindi ko alam paano magrereact. Wait lang. Totoo ba 'to? Binibigyan ako ng game pass ni Brix?! Ashkskdidndkdk.
"Uhm...May....May game pass na ako," sabi ko.
Bobo. Ba't ko sinabi yun? Baka bawiin niya 'to! No way! Oo nga may nabili na akong game pass pero mas special to kasi bigay ito ng Brixiebabes ko.
"Ganun ba? Bigay sa'yo ni Leo?" tanong niya.
"Ha?"
"You can keep it naman, kahit may game pass ka na. Sige, may practice pa kasi kami."
Then, I was left there, dumbfounded.
Binigyan niya ako ng game pass.
And he personally gave it.
And sinadya niya ako dito sa room.
Waaaahhhh!!!! (>///////=Bianca=
"Bianca!!! Kanina ka pa nagkakamali ah. May problema ba?"
"W-Wala po, Coach. Medyo pagod lang."
"You need to be more energetic kasi ikaw yung captain!"
"Y-Yes, Coach."
"O sige. Break muna."
Napabuntong-hininga ako. Ilang araw na akong napapagalitan ng coach namin. Mali-mali kasi ang actions ko. Hindi ko rin nagagawa nang maayos ang stunts ko. Inaamin ko, preoccupied kasi ako ngayon. Hindi pa rin nakakamove on itong epal kong puso.
Tinapik ni Riza, friend ko na kateammate ko rin, ang balikat ko.
"Girl, you have to get over it na. Alam kong mahirap pero it's affecting you and the team na kasi. Napapagalitan ka na palagi ni Coach."
Kalat na sa school ang tungkol sa pagreject ni Kevin sa confession ko sa kaniya. Ewan ko kung paano nalaman. Siguro may mga tao lang talaga na walang ibang magawa kundi maghanap at kumalap ng mga bagong issue dito sa campus.
"Tamang-tama. May bistro kaming pupuntahan mamaya. Gusto mo sumama? Para naman maaliw mo yung sarili mo."
Tama nga. Tama na ang pagiging emo, Bianca. Nagiging tanga ka na tingnan.
"Sure. What time?"
"After ng practice."
"Okay sige."
Matapos ang practice, sumakay na kami ng taxi papunta sa bistro na sinasabi ni Riza.
Pagkapasok namin, naghanap agad kami ng mauupuan and then nag-order na ng pagkain.
"You know what, sabi nila may gig daw ngayon dito ang Artistri," sabi sa akin ni Riza.
"Sinong Artistri?"
"Hindi mo sila kilala? Yung sikat na school band natin?" tanong naman ni Mia.
"Ahh. Artistri pala ang pangalan nun?"
"Hay naku. Palibhasa puro Kevin Chan lang ang nasa isip mo eh."
"Huy, ano ka ba?" pagsasaway ni Riza kay Mia.
"Ay. Sorry."
"Okay lang," I said and smiled.
Nagpalakpakan ang mga tao habang may grupo ng lalaki na umakyat sa stage. Tatlo sila.
"Go nakared! Labyuuu!!!!"
"Hi kuya na nasa drums!!! Saranghae!!!!"
Tss. Sa mas gwapo lang sila nagsasabi ng saranghae o I love you.
Mas gwapo kasi yung dalawa na nasa bass at sa drums. Well hindi naman sa hindi gwapo yung isang member nila na mukhang vocalist nila, mas pansinin lang talaga yung dalawa. Yung vocalist kasi, nakasuot ng eyeglasses. His hair is a bit messy and simple lang yung pananamit. Mas maporma rin yung dalawa kaysa sa kaniya.
"Sus. Tingnan lang natin kung di matameme at mainlove ang mga 'yan pag nagsimula nang kumanta si Art," rinig kong sabi ni Riza.
"Oo nga. Palibhasa kasi di sila taga-Austin kaya wala silang alam!"
"Art ang pangalan ng vocalist?" tanong ko.
"Yup. Si Art yung vocalist at guitarist, si Justice yung drummer at si Tristan naman yung bassist. Kaya nga Artistri ang tawag ng banda nila. Short for Art, Justice and Tristan."
"Ahhh. Ayos ah."
Nagsimula na silang tumugtog.
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul."
Nang nagsimulang kumanta yung Art, mukhang natameme nga ang lahat. Sobrang ganda ng boses niya. Ang lamig.
"I know that you are something special
To you, I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me."
They made their own version of the song. One that is more upbeat pero nandoon pa rin ang original vibe ng kanta.
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul.
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I don't want another minute go to waste
I want you and your beautiful soul."
Pagkatapos nilang tumugtog, nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga tao.
"Thank you po," sabi ng vocalist nila. "Our next song is dedicated po sa lahat ng umaasa."
"Aawwwweeee."
Nagreact yung audience, making Art smile out of amusement.
"This will definitely seem unfamiliar to you because kami ng ka-banda ko ang gumawa nitong song na 'to, at first time namin itong kantahin kasi bago ko pa lang nakumpleto ang pagsusulat ng lyrics."
"Own song?" -Riza.
"Nice." -Mia.
The song started. Intro pa lang ng kanta, halatang maganda na. Hindi nga siya pamilyar but you can easily get the vibe of the song.
"Sa iyong ngiti na tila ba ako'y nadadala
Sa iyong mga mata na walang kasing ganda
Ako ay nahulog, nahumaling, nababaliw na ba?
Hoy miss alam mo ba? Alam mo ba?
Na may isang katulad ko
Naghihintay lamang sa likod mo
Kahit mangawit pa ako
Umaasa pa ring mapapansin mo
Kahit may iba kang gusto
Maghihintay lamang ako
Pakinggan mo ang kantang ito
Na isinulat ko para lang sa'yo."
Mas tumindi yung himig ng kanta as they showed off some instrumental expertise bago ang siguro'y chorus.
"Hoy Miss, kasama ko yung banda
Sana namay nakikinig ka
Para di ako mukhang tanga.
Nais ko lang namang sabihin na
Hoy Miss, nga pala, gusto kita
Pero hindi mo rin naman alam."
Habang patuloy sa pagtutugtog ang Artistri, nagtama ang tingin namin ni Art. Pero bumalik agad ang tingin niya sa gitara niya.
Nabitin yung lahat kasi up to chorus lang yung kinanta nila. Hindi pa nakanta yung second verse. Probably may second verse naman ata yung kanta.
"More! More! More!" sigaw ng audience.
"Sorry guys. Patikim lang muna yun," sabi ng bassist.
"Aaaay," react ng audience.
"Nagustuhan niyo ba?" tanong naman ng drummer nila.
Naghiyawan naman yung mga tao. Maganda naman talaga.
"Don't worry. Kapag na-finalize na namin ang kanta, magske-sched kami ng gig dito at dito namin first na kakantahin yung full song. Salamat sa pakikinig!" sabi naman ni Art.
Mula sa usap-usapan ng mga tao, malalaman mong nagustuhan talaga nila yung kanta and that they are looking forward to listening to the full song.
"Ganda talaga ng boses ni Art, no? Kaya niya yung husky low voice pati na yung maangas at rakistang high voice naman," pagpupuri ni Riza. "Alam mo ba, single yun," sabi niya sabay sundot sa akin.
"Aray. Ano ngayon?"
"Alam mo na. Baka siya na ang lunas sa heartache mo."
"Tsss."
Napailing lang ako.
Hindi yun ganun kadali.