The guy whom I will love
1. He is the first guy who'll pinch my nose in the year 2013.
2. He'll definitely blushed when someone tease him to me in a relaxing place.
3. Kakantahan nya ng "Heaven by your side" it doesn't matter kung maganda o kahit sintunado pa sya.
4. Bibigyan nya ko ng blue rose. Habang may hawak na banner, na naglalaman nito "Saranghae R.A
5. Lastly, He-----
"Hey! Ano yan??" nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko.
Natatarantang sinarado ko ang notebook ko bago harapin ang taong gumulat sakin.
Nandito kasi ako sa may nipa hut katabing building ng school bale nasa loob pa din pwede magpahinga o kumain ang mga estudyante ng CSU dito.
Break time ngayon kaya naisipan kong dito mag stay.
"JELO!! BAKIT KA BA NANGGUGULAT DYAN?!" pasigaw na sabi ko sa kanya.
"Sorry naman! Malay ko bang magugulat ka? Tsaka ang seryoso mo kasi dyan sa sinusulat mo ano ba yan??" nagtatakang tanong nya habang nakatingin sa notebook ko.
"Ah eh w..wala yung sa assignment lang natin sa english." palusot na sagot ko.
"Ah talaga? Pakopya naman oh?? wala pa nga pala akong sagot."
"W..wait kunin ko lang sa bag ko." sabay halungkat ko sa bag ko.
"Ha? Diba yan hawak mo na ah?"
"Ah hindi s..scratch ko lang kasi yan." sh*t bakit ba kasi ang observant nya ang hirap mag palusot >_
"Diba english yung assignment natin? Enumeration lang yun. Ano gumamit ka ng formula don kaya kailangan mo ng SCRATCH?" He said in a sarcastic tone emphasizing the word SCRATCH.
"Hmm.. ano kasi--"
Save me lord.
"Ristelle!!" tawag ni faye sakin ang isa sa mga close friend ko since 3rd year classmate ko kasi nun. Ngayon ibang section sya kaya madalang na lang kami magkita.
"Faye!" nakangiti na tawag ko din sa kanya habang palapit sya samin.
Wooh. Thank god an angel came ^_^
"Ano yan? Date? *smirk*" nagpalipat-lipat ang tingin nya samin ni Jelo.
si Jelo naman biglang namula.
"Sshh .. wag ka nga!" pabirong irap ko kay faye alam nya na ibig sabihin nun.
"Opps! Just kidding hahaha." tawa na lang nya.
"Hmm Faye this is Anjelo. Jelo meet Faye." baling ko naman kay Jelo hindi na sya namumula unlike kanina.
Wooh buti na lang din pala dumating si Faye naubusan na ko ng palusot eh.
"Ang cute mo pala mag blush Jelo. Hahaha!" natatawang asar ko sa kanya.
pagkasabi ko nun bigla ulit syang namula.
"P..pwede ba Anne! M..mainit kasi oo mainit nga m..mestiso ako kaya ano ganun." nauutal na sabi nya habang nakahawak sa batok nya. Mannerism nya kapag kinakabahan, nalaman ko yun one time at sya mismo nagsabi sakin.
Hahaha ang isda nga naman nahuhuli sa kilos xD own version ko yan kaya wag nang magtaka kung iba yan.
"Mahangin dito, puro mga puno panong mainit?" panghuhuli ko kahit halata na sya.
"E ..ewan sayo! A..alis na nga ako!" paalam nya hahaha huli na kasi eh x)
"Ikaw ristelle may hindi ka sinasabi sakin!" mapanuksong tingin nya.
?_?
"Huh?" naguguluhang tanong ko totoo naman hindi ko naintindihan ang sinabi nya.
"Sino sya? Oh wait. 2nd sign mo yun ha! OMG GIRL!!"
2nd sign??
He'll definitely blushed when someone tease him to me in a relaxing place.
nagawa nya na ang 1st and 2nd sign ko, bakit sya?
dapat ba kong maniwala sa signs? LANG??