IT HAS BEEN several months but I still didn't notice the owner of the house came back. Nalanta na ang mga tanim niyang bulaklak na nasa kanyang bakuran at nagsisimula na rin tubuan ng mga ligaw na d**o ang paligid ng munti niyang bahay. The vines are also invading his house.
Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa at bahagyang tinuro sa kanya ang bahay.
"Sa tingin mo ba ay nariyan ang may-ari? Baka naman namatay siya riyan sa loob at ilang araw nang naaagnas? Pasukin kaya natin para malaman natin kung ano ang nangyari?" suhestiyon ko sa asawa kong si Alberto.
"Huwag na, baka naman makasuhan pa tayo kapag pumasok tayo sa bahay na 'yan."
Kinagat ko ang aking labi saka nag-isip ng paraan upang kumbinsihin si Alberto na pumasok kami sa bahay.
"Luisa, kung ano man ang nasa isip mo ay hindi ako makakapayag. Hindi tayo maaaring pumasok sa bahay na iyan."
"Eh, paano na kung namatay ang may-ari at walang nakakaalam? Kawawa naman siya, Alberto."
Tinitigan niya ako ng masama saka bahagyang hinila paalis sa bintana. Malakas na isinara niya ang salamin at umiiling na hinawakan ang aking pisngi.
"Mas mabuti pa na huwag na tayong makialam, Luisa. Ang sinasabi ko ay para na rin sa iyong kaligtasan. Kaya makinig ka na lamang sa akin, maaari ba?"
Subali't likas na matigas ang aking ulo kaya hindi ko pinakinggan ang aking asawa. Labag man sa kanyang kalooban ay tinuloy ko pa rin ang aking balak upang punan ang aking kuryosidad. Pumuslit ako papasok sa bahay, dumaan ako sa likod dahil naroon ang maliit na pinto. Mabuti na lamang at hindi nakasara kaya malaya akong makakapasok sa kanyang tahanan.
Labis ang aking pagkagulat nang masilayan kung gaano kalawak ang nasa loob ng kanyang tahanan. May eleganteng hagdan, red carpet, mamahaling vase, at chandelier na gawa sa ginto at dyamante. Mukhang mayaman ang may-ari.
Lumapit ako sa kabinet na nasa tabi ng hagdan saka binuksan ito upang makita ang laman. Napangiti na lamang ako nang makita ang ilang piraso ng ginto na nagkalat. Kinuha ko ang ginto saka pinasok sa aking bulsa. Wala namang nakakaalam kaya tiyak na hindi ako mapaparusahan sa ginagawa ko. Halos mapunit na ang aking labi sa pagngiti habang unti-unting napupuno ang aking bulsa ng ginto, dyamante, at ilang mamahaling alahas.
DAHIL ABALA ang babae ay hindi niya namalayan na may nakapasok pala sa bahay. Isang malaking aso na kulay itim, naglalaway ito habang nakatitig sa likuran ng babae.
Isa itong ligaw na kaluluwa na pumapatay sa mga taong nasisilaw ng pera at ilang mamahaling bagay. Iyon ang kanyang tungkulin. Dinilaan ng aso ang kanyang kamay habang pinagmamasdan ang babae.
Naramdaman ni Luisa na may nakatitig sa kanya kaya pumihit siya paharap sa kanyang likuran at hindi niya inaasahan na makita ang malaking aso.
"Ahh! Tulong! Tulungan niyo ako!" histerikal niyang sigaw dahil sa takot at gulat. Natatarantang tumakbo siya paalis, ngunit nagsara ang pinto at bawat parte ng bahay na maaari niyang daanan.
Malakas na umalulong ang aso dahilan upang manindig ang kanyang balihibo at mataranta. Sa sobrang pagmamadali ni Luisa ay natapakan niya ang basang pamunas kaya siya nadulas at nasubsob sa sahig.
"Huwag lang lalapit!" nahintatakutang sigaw niya habang papalapit ang aso sa kanya. Kinuha ni Luisa ang dustpan na nasa kanyang tabi at winasiwas sa mukha ng aso, subali't imbes na lumayo ay mas lalo itong naging agresibo kaya siya sinugod at sinakmal ang kanyang leeg hanggang sa maputol ito at gumulong palayo.
Nang mapaslang ng aso si Luisa ay nagbago ito ng anyo. Isang batang babae na may tatlong sungay, pula ang kanyang mga mata at mahahaba ang kanyang kuko na kulay itim.
"You shouldn't have taken what doesn't belongs to you," bulong ng bata habang hinahawi ang mahaba at pula niyang buhok sapagkat ito'y nakatabing sa kanyang maamong mukha na may bahid ng dugo.
MY OFFICE felt so empty, it is because I am here alone and no one visits me. I'm contemplating whether I'm going to chase some demons or I'm going to start looking for my niece.
Nah, I shake my head lightly before putting my palms under my chin. Devon is the one who should look for them. I think I'm going to hunt an evil spirit before I completely lose my sanity because of boredom.
Tatayo na sana ako upang umalis ng bumukas ang pinto sa munti kong bahay at pumasok ang isang babae na bitbit ang kanyang ulo. Napailing na lamang ako, base sa sugat na natamo niya ay batid ko na kung sino at ano ang kanyang kinamatay.
"What have you done, Ares?" bulong ko sa aking sarili bago harapin ang babae.
"Isalaysay mo kung ano ang nangyari sa iyo."
The woman started telling me what happened, including the slightest bit of information that I might be needing, and I realized that I'm right. It was Ares who killed her because she stolen some gold. Ares is an evil spirit who is protecting the gold bars that is from our family ancestors. Kaya kapag may taong nakakita nito ay pinapaslang niya kaagad.
"Tinangka mong nakawin ang ginto kaya iyan ang naging kabayaran. Hayaan mong dalhin kita sa iyong huling hantungan."
Hinawakan ko ang kanyang palapuluhan at tinawag si Omisha nang sa gayon ay mabigyan niya ng hatol ang babae bago siya ihatid sa tarangkahan na humahati sa dalawang lugar.
Nang makuha na ni Omisha ang babae ay umalis ako at nagtungo sa bahay na pinangyarihan ng insidente at naabutan si Ares na nililinis ang dugo na nagkalat sa sahig.
She frowned after seeing me but she nod her head to acknowledge my presence.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na itigil mo na ang pagpaslang sa mga tao?"
Ares shrugged her shoulder before slightly tilting her head. She's doing that movement if she doesn't want to answer.
"Ares," sambit ko sa kanyang pangalan. Dinig na dinig ko ang paghinga niya ng malalim kaya batid kong naiinis na siya sa akin.
"Are you looking for him?"
Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa kanyang tanong.
"Him? Who?"
Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at tinali bago sagutin ang aking tanong.
"Your nephew."
Paano niya naman nalaman ang bagay na iyon? Kaming dalawa lang ni Devon ang nakakaalam na nawawala ang kanyang anak.
"I have been watching this family for a lot of years, so I know what is happening even without asking directly. By the way, he was near you. You should be careful, Devon's son might be the reason of your downfall, Morrigan. He is more powerful than the two of us combined, just like his mother."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay naglaho siya pati na rin ang mga ginto na itinago niya sa bahay na ito. Ngunit sino ang tinutukoy niya? Is it someone I knew?
THE MIRROR that I'm facing has turned gray because of Dolion. He's now using my favorite things so he could inform me that he is coming home. I took a few steps back while crossing my arms on my chest and waited for him to appear in front of the mirror.
"Satana!" masayang bati niya nang tuluyan siyang makalabas. Malapad ang ngiti sa kanyang labi at maaliwalas ang kanyang mukha, ngunit mas nakaagaw pansin ang damit niyang puno ng dugo na tumuyo na.
"What happened to you? Are you okay?" Nagmamadaling nilapitan ko siya saka sinuri ang kanyang kabuuan. I keep on checking at his arms and neck to see if he has some wounds. Nang makita na wala siyang sugat ay napahinga ako ng maluwag at tinapik ang kanyang mukha. He was just staring at me and I find it odd, because he never look at me with adoration and amusement.
"I'm fine, Satana. Wala kang dapat na ikabahala."
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako paupo sa aking kama. He placed his hands on my shoulders and slowly pushed me to sat on the edge of the bed.
"Stay here, I have something for you."
Dolion snapped his fingers twice and few seconds later, a large box appeared in the air. Kulay itim na kahon at nababalutan ng gintong tali. It looks heavy that it excites me. May regalo nanaman ako kay Dolion at hindi ako makapaghintay na buksan ang kahon upang malaman kung ano ang nilalaman.
He gently handed me the black box and waited for me to open it. Pigil ang hininga na binuksan ko ang kahon at bumungad sa aking paningin ang magarang bestida. I excitedly picked up the stunning red dress and ran in front of the mirror. Hinubad ko ang aking suot na damit at hindi inalintana ang tingin ni Dolion.
Sinuot ko ang bestida saka pinagmasdan ang aking repleksyon. I look so good in this dress. It's a knee-length bodycon dress. Sleeveless ang dress kaya naman kitang-kita ang maputi kong braso. Nakalugay ang aking mahaba at kulot na buhok kaya natatakpan ang nakalantad kong likod.
"It looks good on you. You look perfect, Satana."
Napasimangot ako nang marinig ang kanyang papuri.
"Aanhin ko naman ang damit na ito, Dolion? Narito lang naman ako sa bahay."
I heard him sigh problematically. Hindi na ako umasang papayagan niya akong umalis kaya gano'n na lamang ang paglaki ng aking mata nang sabihin niyang dadalhin niya ako sa lugar kung saan makakasalamuha ko ang mga tao.
"Oh my goodness! Thank you, Dolion!" natutuwang sigaw ko saka tinakbo ang aming pagitan at patalon na yumakap sa kanya. I wrapped my legs around his waist and buried my head between his neck and his shoulder.
"Thank you very much, Dolion."
He chuckled softly before messing my hair. "Anything for you, Satana."
Later that day, he brought me to the city where I enjoyed strolling around the mall. Buying things that I want and eating the foods that I've been craving.
Pansamantala akong iniwan ni Dolion sa isang restaurant. Abala ako sa pagkain nang mahagip ng aking paningin si Cessair. I knew it was him because my heart suddenly beats faster. Inayos ko ang aking buhok saka dinilaan ang aking labi at nagmamadaling tumayo upang lapitan siya.
I'm going to get his attention. It is now or never.