Chapter 11

2120 Words
MARAHANG NAGLAKAD si Sythe papasok sa isang maliit na gusali. Napapalibutan ito ng nagtataasang d**o at iba't ibang uri ng ligaw na halaman. Subali't sa loob ng gusali ay kabaligtaran; malaki ang espasyo, mamahalin ang mga gamit na gawa sa ginto at gemstones, at maaliwalas ang kabuuan. This place is owned by a powerful demon, powerful than the rest of them but she doesn't want to engage in any problems that has something to do with humans. Nangingialam lang siya kung kinakailangan. Sythe knocked the door thrice before opening it. His cat Maui jumped on the black sofa to sleep, that was her favorite place. "What brings you here, Sythe?" tanong ng babae sa kadarating na binata. She was sitting on a swivel chair and staring at Sythe's face with no emotion. The woman is wearing a red dress that has a long sleeves to cover her tattoo in the arm. Her hair is tied into a high ponytail. "Maui missed the sofa, so I'm here," Sythe said sarcastically before cackling. She throw a single glance at the cat that was comfortably sleeping at her sofa. A small smile appeared on her lips as she fixed the collar of the dress that she was wearing. "How's Cessair?" "Ah, 'yon? Suplado pa rin naman. Abala siya sa paghahanap kay Morana. Halos hindi na nga siya makatulog." She stilled for a moment, trying to remember where did she hear that name. Napatango na lamang siya nang maalala kung sino si Morana. "Ahh Morana, the woman that caused a chaos to our kind? She was the reason why some of the dangerous evil are lurking around in this world and harming the humans. Now there's a lot of people who are suffering because of its consequences. Wherever she may be, I hope that she'll come back and fixed the mess she created." Tumalim ang kanyang titig sa kaharap na binata at napailing na lamang si Sythe dahil mukhang sa kanya pa ibubuhos ng babaeng kaharap ang lahat ng kanyang galit. "You should go back to Cessair's place, Sythe. Take good care of him, so you can freely live in this world without worrying about your fears." Sythe nervously laugh while avoiding her gaze. He knew that if he failed to do his mission, he is going to suffer for the rest of his life. Kilala niya ang ugali ng kanyang kaharap. Also demons are always putting their words into action, kaya hindi malabong gawin niya ang kanyang banta. "I'm leaving," paalam niya sa babae. The woman just nod her head lightly. Lumapit si Sythe sa pinto at nang makita siya ni Maui ay basta na lang itong tumalon sa kanyang balikat. Bago niya buksan ang pinto para lumabas ay binalingan niya ng tingin ang babae at napangiti nang makita itong nakatitig sa isang larawan. She's pretending to be strong but I know that she only wants a shoulder to cry on, she need someone who could listen to her rants, and someone that she can rely on. But sad to say that it wasn't me. I'm not the one that she needed. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ni Cessair ay sumalubong na siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang nakasalikop ang mga kamay at masama ang tingin sa akin. "You left," he said in a monotone voice. His piercing eyes was staring right at me, like he was mad or more likely to say, annoyed at me. "I just went out to visit someone. I didn't know that you're clingy, I should have known better." Tila umepekto ang aking pang-aasar dahil nagdadabog na tinalikuran niya ako at pumanhik sa matarik na hagdan. I was shaking my head in amusement while watching his back. OMISHA KEEPS on stealing glances at Thadeus who was awkwardly sitting beside her. He keeps on checking his new body in the mirror that was placed in front of him. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita ng dalawang mata niya. "I look so young, nobody could recognize me in this body." Bakas ang tuwa sa kanyang mata subali't nakikita ko rin ang kanyang pag-aalinlangan. I knew exactly how he felt, because I've been there. This is my third body. Ninanakaw ko ang mga katawan ng mga taong namatay na upang may mapanatili kong buhay ang aking kaluluwa at magamit ko ang aking kapangyarihan. I'm looking for a healthy child that could be my vessel someday. Inaalagaan ko ang bata, binibigyan ng maayos na buhay at binibigay ang lahat ng kanyang nais hanggang sa dumating ang araw na handa ko nang kunin ang kanyang katawan. This body is from the children that I also treat as my child. My past is really dark and I don't think I have a strength to share it to anyone who barely know me. "Thadeus, you already know what to do." Napatingin siya sa akin at tumango ng marahan. Si Omisha naman ay tila nahihiya na kausapin ang binatang katabi niya. "Gagawin ko ang iyong nais, Morrigan. Hahanapin ko ang nawawalang anak ni Devon pati na rin ang kanyang asawa." A smile appeared on my lips after hearing what he said. I happily nod my head and give him a signal to leave. Naiwan kaming dalawa ni Omisha sa aking opisina. Hindi sinasadyang magkatinginan kami at sabay na humugot ng malalim na hininga. "Hindi ba siya nagtataka sa iyong binigay na utos, Morrigan?" tanong ni Omisha sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin at hinihintay ang aking isasagot. I choose to ignore her answer because I do not want her to know my plans. Sapat na ang mga ideya na aking ibinigay. "Go back to work, Omisha. Bakit hindi mo bisitahin si Cozbi sa Sehnos Realm upang alamin ang kanyang lagay." Her forehead instantly creased after hearing Cozbi's name. She really hate that guy because he entered Omisha's place without her permission. She's madand when she is mad, no one can get away with it. "Kung maaari ko lamang siya paslangin ay matagal ko nang ginawa dahil sa kalapastanganan na kanyang ginawa." Naglaho siya sa aking harapan at hindi ko na kailangan na alamin kung saan siya patutungo dahil batid kong pupunta siya sa Sehnos Realm at pahihirapan si Cozbi. Napaupo na lamang ako sa swivel chair at kinuha ang aking lapis upang ito ay paglaruan. Napaisip ako, ano kaya ang mangyayari sa kanilang tatlo kapag natuklasan nila ang katotohanan? Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Cozbi and Cessair, both of them must learn how to use their powers and show their full potential. One of them is a Royal Blood, so I must know. Should I allow her to go back in this world? TULAD NANG utos ni Morrigan ay nagtungo nga ako sa Ahyme upang tingnan ang kalagayan ni Cozbi. Nakikita ko ang kanyang paghihirap ngunit hindi ko magawang maawa sa kanya. Pinagkasya ko na lang ang aking sarili na tingnan siya mula sa malayo. He didn't notice me, he doesn't know that I'm here all the time... watching him and observing what he does. Just like in the past, he often sleep and murmur Morana's name in his sleep. Kaya naman napuno ng kuryosidad ang aking isipan. Ano kaya ang napapanaginipan niya at bakit tila hirap na hirap siya? Morana was fine though, but he acts like she's in the verge of death. Bigla siyang bumalikwas at nagpalinga-linga. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagpahid niya ng luha habang pasimpleng hinahaplos ang kanyang dibdib. Cozbi is hurting. Lalapit na sana ako ngunit narinig ko ang sigaw niya na puno ng hinagpis at hinanakit. Natigilan ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. That was the first time that I saw him let out his frustrations. Subali't hindi lang iyon ang dahilan kaya ako natulala. Nakita ko kung paano lumabas ang kanyang kapangyarihan sa kamay niya. It wasn't a black magic, it was the power of darkness. At isang nilalang lang ang may kakayahan na gamitin iyon. I'm confused right now but I should keep it as a secret. Hangga't hindi ko nakukumpirma ang aking hinala ay hindi ako magsasalita. Bumalik ako sa aking bahay at hinanap ang aklat kung saan nakasulat ang tungkol sa aming lahi at nang iba't ibang angkan. It was said that the demon who can use the power of darkness are from the bloodline of the seraphim. They are more powerful than anyone else, but they vanished after the war that happened one hundred years ago. The war happened because of the human who fell inlove with a demon but the family was against it. The seraphim named Eazare fought for his love but he ended up getting killed by his brother Agathon. Kaya naman doon nagsimula ang digmaan na hindi pa rin natatapos hanggang sa kasalukuyan. Ngunit hindi iyon ang ipinagtataka ko, kundi ang katotohanan na walang kahit na isa sa kanila ang nakapagsabi kung sino ang babae. Her name wasn't mentioned in any books. Tila isa siyang bula na naglaho. Tanging si Eazare, Agathon at Ysrael lang ang nakakaalam kung sino siya at kung ano ang tunay niyang pagkakakilanlan. I also heard that the woman is cursed and she will live for a hundred of years at walang makakapatay sa kanya. Tulad nang nangyari kay Morana. I guess history repeats itself. Subali't paano mapuputol ang sumpa gayong walang nakakaalam ng tunay na nangyari? Napapailing na binalik ko ang aklat sa aking mini bookshelf at nagpasyang magtungo sa Sehnos Realm kung saan naroon si Morana. Kailangan kong alamin ang kanyang kalagayan. But upon entering, I saw Morrigan standing right in front of Morana who was peacefully sleeping. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Morrigan ngunit nakita ko kung paano niya pinahid ang kanyang luha. ISANG BABAE ang tumatakbo sa gitna ng palayan habang hinahawi ang kanyang gintong buhok. Hinahabol siya ng mga kalalakihan na may dalang itak at sibat. Kitang-kita ang takot sa mukha ng babae ngunit naging matapang siya. I don't know what is the reason why they are after her but I heard a man shouting in anger. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa aking anak! Kahit saan ka magpunta ay susundan kita! Kahit hanggang sa kamatayan!" Mas lalong binilisan ng babae ang pagtakbo hanggang sa makapasok siya sa isang madilim na gubat. Agad na natigilan ang mga humahabol sa kanya at napatulala na lang habang nagpapalitan ng makahulugang tingin. Sapagkat ang gubat na pinasukan ng babae ay ang tirahan ng isinumpang nilalang na nangunguha ng kaluluwa. Siya rin ang dahilan kaya nagkakaroon ng delubyo sa kanilang daigdig. Hindi na sila pumasok sa gubat dahil hindi nila nais na magambala ang nananahimik na espíritu, dahil hindi lang sila ang maaapektuhan kundi pati na rin ang kani-kanilang mahal sa buhay. "Rogelio, bumalik na tayo. Huwag mo nang gawin kung anuman ang nasa isip mo. Ikakamatay mo kapag pumasok ka sa gubat para lang paslangin ang babaeng iyon," sabi ng isang lalaki sa kanyang kasama. Agad na sumangayon ang kanilang mga kasapi at isa-isang lumisan. Naiwan si Rogelio na nagdadalawang-isip kung papasok ba o hindi. Ngunit mas pinili niya na lumayo dahil nakatitiyak siyang mamamatay naman ang babaeng dahilan kaya naghihirap ang kanyang anak. Habang naglalakad siya palayo ay nakarinig siya ng malakas na sigaw. Parang tinambol ang kanyang puso dahil sa kaba, wala siyang sinayang na oras. Agad siya tumakbo palayo upang iligtas ang sarili sa pag-aakala na pati siya ay kukunin ng espirito. Sa kabilang banda ay makikita ang babaeng nakahiga sa lupa habang hawak ang kanyang tiyan na nagdurugo. Inatake siya ng malaking aso at sinakmal ang tiyan niya. Sigaw siya nang sigaw kaya nabulabog ang mga nagpapahingang hayop sa paligid, pati na rin ang espíritu na siyang nagbabantay sa gubat. Lumitaw ang lalake sa kanyang harapan saka sinuri ang kanyang lagay. Kinuha niya ang kanyang sandata at akmang papaslangin ang babae nang makita niya ang kagandahang taglay nito. Para siyang nahipnotismo, agad siyang nahumaling sa ganda ng babae. Kaya nagpasya siya na huwag itong saktan. Ginamot niya ang babae saka inalagaan ngunit hindi pa siya handa na magpakita kaya inalis niya sa isip ng babae ang nangyari. Naimulat ko ang aking mga mata dahil sa aking panaginip. Hindi ko kilala ang babae subali't nais kong malaman ang sunod na nangyari. "Morana." Nabaling ang tingin ko sa aking harapan nang marinig ang malamig na boses ng isang babae. "You should eat now," aniya at basta na lang akong tinalikuran. Bumaba ang tingin ko sa tray na puno ng pagkain at napangiti bago hawakan ang kubyertos. Habang kumakain ako ay hindi pa rin naalis sa aking isipan ang aking napanaginipan. Ano kaya ang nangyari sa babae? Maayos lang kaya ang lagay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD