Chapter 19

1650 Words
MALAKAS ANG aking kutob na nasa Ahyme si Cozbi sapagkat narinig kong binanggit ni Omisha ang lugar na iyon. I'm not familiar with that place but I heard that it was dangerous. I'd like to ask Devon but he is nowhere to he found, same with Sythe. Nakauwi na kami mula sa paglalakbay. Sumuko na kami sa paghahanap sa diwata ng katotohanan dahil mahirap siyang hagilapin. We're going to search for her again when the full moon shows. Iyon ang tanging paraan upang madalu namin siyang matagpuan. Ang tanging kasama ko lang ngayon ay si Maui na puro tulog lang naman ang ginagawa. Sythe and Devon left after taking me home, at wala akong ideya kung saan sila sa mga oras na ito. Hinawakan ko ang aking batok saka kinagat ang aking labi habang nakatitig kay Maui. Ano naman ang gagawin ko kasama ang pusa? I sighed deeply and fixed my messy hair using my left hand. I'm staring at the mirror when I saw Maui changed her form into a child. Hindi ko pinahalata na nagulat ako ngunit nang magtagpo ang aming mata ay tuluyan akong napaatras at napanganga dahil sa pagkabigla. She looks exactly like Morana. "I need to go, Cessair. Sythe needs me," aniya. Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lamang siyang naglaho sa harapan ko. She left me in shock. Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang pagbabagong anyo ni Maui. Why would she copy Morana's face? It almost gave me a heart attack. Now I'm all by myself. I need to do something to clear off my mind, so I decided to go to my company and check if it is doing well. Papasok pa lang ako sa building ay sinalubong na agad ako ng aking sekretarya na si Yana. My old secretary died because of too much alcohol. Yana is one of the best secretary that I had. Reliable, has good communication skills, and she's good at organizing. Hindi ko na kailangan pa na hanapin ang mga dokumento na kailangan ko dahil siya mismo ang nagdadala nito sa akin. "Good evening, Mr. Sedeja. Mabuti na lang at narito na kayo. I was about to call you." Magkasabay kaming naglalakad patungo sa elevator ngunit ang kanyang mata ay nakatutok sa hawak niyang tablet. "Bakit? Is there something wrong with the company?" tanong ko. She seemed so serious and it bothers me. "A man named Jabez barged into your office and he wanted to take some of your personal belongings. I'm irritated but I remained professional because I love my job." Napangisi ako dahil may bahid ng sarkasmo ang kanyang pagsasalita. Malayang sinasabi sa akin ni Yana ang kanyang hinaing at wala naman akong makitang problema doon sapagkat parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. She reminds me of Abella, our friend who died. "There he is," mahinang bulong niya. Inangat ko ang aking ulo kaya nagtagpo ang paningin namin ni Jabez. I have no idea why he's here when he clearly said that he doesn't want to see me. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? "I'll talk to you later, Yana. Aasikasuhin ko muna si Jabez." Walang imik na tumango ang aking sekretarya at umalis. I even saw her glared at Jabez, so she dislikes my father. Nang makaalis si Yana ay naglakad ako palapit sa aking ama at hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap. "What's with you?" tanong ko dahil hindi ako nakapagtimpi. My forehead creased while I'm looking at him with confusion. He stayed silent and just vanished without saying a word. That's it? Nagpunta lang siya rito upang yakapin ako. That was weird and so not him. Baka may nakain lang siyang panis na ulam kaya siya biglang naging malambing. Nagpasya akong pumasok sa aking opisina at agad na dumapo ang aking paningin sa aking maliit na estante, napansin kong nawawala ang libro na binigay sa akin ni Abella kaya naman napailing. Mukhang alam ko na kung bakit siya naparito. Ngunit ano naman ang gagawin niya sa libro? Mariin kong pinikit ang aking mga mata upang kalmahin ang aking sarili. "Boss, Jabez is outside." I immediately open my eyes and turned around, only to see him smirking at me evilly. "Where's the book, Jabez?" malamig kong tanong. Kahit na ama ko siya ay hindi pa rin ako makapapayag na pakialaman niya ang aking mga gamit, lalo na ang mga bagay na mahalaga sa akin. "I gave it to someone. She asked me a favor, so I did it. Ibabalik ko naman ang libro kapag tapos na siya." Napalis ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi nang pumasok si Yana. Nakita ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang aking sekretarya kaya lalo akong nainis. "She? Sinong she ang tinutukoy mo? Ibalik mo ang libro ngayon mismo." He grimaced as his left brow arc in irritation. Jabez turned his back on me and throw his body on the sofa, he sat comfortably and he even put his leg on the table. Mabilis na nilapitan ko siya saka hinawakan ang paa niya upang alisin iyon sa ibabaw ng mesa dahil ayaw kong madumihan iyon. "She'll be back son. You're so uptight, halatang hindi ka nakakatulog ng maayos. You have dark circles under your eye. Alagaan mo ang sarili dahil baka mauna ka pang mamatay kesa kay Morana." Natawa pa siya pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ng babaeng iniibig ko. Tinitigan ko ang kanyang mukha saka pinag-aralan ang kanyang reaksyon. Naupo ako sa kanyang harapan habang humahalukipkip. "You knew where she is? Sabihin mo sa akin kung saan si Morana." He pretended that he didn't hear me. So I extended my left foot to kick him, his eyes shoot daggers as he stare at me. "Tell me," mahinang sabi ko. Ngunit imbes na sabihin sa akin ang kanyang nalalaman ay tumayo siya at nagmamadaling naglakad patungo sa pinto upang takasan ako. Kaagad na hinabol ko si Jabez subali't ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang hawakan niya ang aking braso at dinala ako sa isang lugar na nababalot ng kadiliman. Tanging ang maliit na sulo lang ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito. Ni hindi ko maaninag ang daan na aming nilalakaran. "Saan mo ako dadalhin, Jabez?" tanong ko sa aking ama. Agad na tinakpan niya ang aking bibig at tinuro sa akin ang malaking hawla. Tiningnan ko iyon ng maigi at hindi ko inaasahan na naroon si Morana at walang buhay na nakahandusay sa malamig at maduming sahig, duguan ang kanyang braso at puno ng sugat ang kanyang katawan. "Morana!" Bago pa man ako makatakbo palapit sa kanya ay binalik na ako ni Jabez sa aking opisina. My heart was beating so fast, my hands are trembling... sweating because of fear. Fear that I might lose her. "Saan si Morana? Ibalik mo ako sa lugar na iyon!" malakas kong sigaw. There is no hint of emotion in his eyes while he was looking at me. "Pinakita ko lang sa iyo ang kanyang kalagayan. She's not dead... yet." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglaho siya. Tuluyan na akong napaluhod sa sahig habang hawak ang aking dibdib. My mind is full of negative thoughts, I'm overthinking. I need to save Morana. I tried to sleep because it was the only way that Morana could talk to me, but nothing happened. Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa siya mamatay. I know Jabez would do something bad to her. Dahil noon pa man ay hindi na niya gusto si Morana. I WENT to Ahyme, only to watch Cozbi sleep peacefully in the midst of dry land. He was even mumbling Morana's name. He seems hurt because his voice are trembling. Nang lumapit ako sa kanya ay nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Umupo ako sa harapan niya saka hinawakan ang kanyang pisngi upang pahiran ang kanyang luha. "You loon so sad, Cozbi. Why are you suffering because of a woman? Morana is in good hands, she won't die easily," I stated in a soft voice. I kept on caressing his face gently until he moved and opened his eyes. Tila nagulat siya nang magtagpo ang aming paningin. Agad na tumayo siya mula sa pagkakahiga saka hinawakan ang kanyang mukha kaya naman naitaas ko ang aking kanang kilay. He was acting like I did something to his face. "Who are you?" he asked in confusion while studying my face. Hindi ko sinagot ang kanyang tanong bagkus ako ay naglaho sa kanyang harapan at bumalik sa opisina ni Morrigan upang tulungan siya sa kanyang gawain. I'm a ruler but I'm also doing her assistant's job. Okey lang naman sa akin, ayaw kong magreklamo dahil magagalit lang si Morrigan at baka maipadala niya ako sa Underworld. I don't want to stay there. That place is worse than Sehnos Realm. "You are here already, how is your trip to Ahyme?" she asked seriously. I felt like my whole world has stopped spinning because of her question. So she knows about it, but she keeps silent. "I only went there to see if he is dying," sagot ko saka umiwas ng tingin. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagngisi ni Morrigan. She knows that I'm lying, but I won't admit it. "You can't keep a secret from me, Omisha. I know everything. Kaya kung ako sa iyo ay mag-ingat ka kung ayaw mong mapahamak. Sacrificing your life because of a man isn't worth it." After she said those words, she vanished and left me speechless. Napahawak ako sa mesa dahil nanginginig ang aking mga paa. Kahit kailan ay nakakatakot talaga si Morrigan. Para siyang si kamatayan. I sighed deeply and thought about Cozbi. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako sa isang tulad niya. Just like what Morrigan had said, it is not worth it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD