Lowi's POV “Lowi, bakit may brief na maliit dito?” Tawag sa akin ni Pukay saka pinakita sa aking ang pambatang underwear na panlalaki. “Ewan ko.” kunot noing sagot ko kay Pukay. “Pambata?” Dagdag pa niya. “Malay ko ba kung kanino iyan saka ikaw lang naman ang nagbri-brief sa atin dahil boxer shorts ang gamit ko. Boxer brief kung minsan.” Nagkakamot ng ulo na kinusor na lamang ng asawa ako ang mga underwear. Sabado ngayon kaya umaga pa lang ay naglalaba na ang maganda at mabait kong si Pukay. Bago ako magpunta sa gym na nasa kabilang room lang ay sinilip ko na ang asawa kong nasa laundry area na agad. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi. Natanaw ko ang bilog na bilog ng tiyan ng aking asawa, kambal ang magiging anak namin at ayon sa doktor ay parehong lalaki. Hindi lang si

