“Bakit ka ba nagkaganyan? Parang ang saya pa natin kaninang umaga. Nauunawaan ko naman na dahil sa akin kaya ka naipit sa traffic. I'm sorry. Kaya naman kita pinauwi dahil namiss kita, masama ba iyon? Humihirit lang naman ako, Lowi. Kung hindi pwede, pwede ka naman tymanggi di ba?” sakto lang ang tono ng boses ni Pukay, hindi naman galit at hindi rin pasigaw. Tinaas lamang ni Lowi ang mga kamay bilang pagsuko kaya napahinto sa paghakbang sa hagdan si Pukay. Himinga siya ng malalim, iniisip kung ano ba ang nagawa niyang mali. Naisip niya na baka pagod lang ang asawa at kulang sa pahinga kaya hinayaan na lamang niya ito. Hihintayin na lamang niya ang tawag ng anak kapag kailangan na itong sunduin. Makalipas ang thirty minutes ay may bumusinang sasakyan sa gate. Si Fria Joy ang lumabas sa

