Pia Kaye's POV BITBIT ko ang meryenda na hinanda ni Joan, walang abog akong tumapat sa VIP lift pero bigla akong nilapitan ng receptionist. Totoo pala ang sabi ni Lowi, maraming bagong empleyado. “Excuse me, sir. Bawal gamitin ang VIP lift. Para lang sa matataas na posisyon ang service.” Pinindot ng babae ang kabilang lift upang doon ako pasakayin. “I'm sorry,” sagot ko lang pero hindi ko siya tiningnan saka ako humakbang at tumapat sa lift na pinindot ng receptionist. Pamilyar na sa akin ang ganitong senaryo kaya hindi ko na ipinilit, ayaw ko ng makipagtalo o magpaliwanag. Itsura ko pa lang ay hindi na ako paniniwalaan ng babaeng receptionist dahil mukha naman talaga akong delivery boy. Pero dahil may logo ng canteen ang plastic, ang akala niya ay empleyado rin ako sa canteen. Sir mo

