MANGUNGUTANG

1308 Words

3rd Person POV “NANAY. Nanay.” Naalimpungatan si Pukay nang marinig ang tawag ng anak niya. Napabalikwas si Pukay nang masalat ang balat ng anak. “Diyos ko, ang init mo!” Agad na binuksan ni Pukay ang plastic drawer kung saan nakalagay sa isang box ang mga emergency kit o first aid kit niya. Kasama nito ang thermometer. Agad niyang siniksik sa kilikili ng anak ang dulo nito at agad na hinanda ang gamot para dito. Kapag hindi bumaba ang lagnat ng anak, mapipilitan siyang dal’hin ito sa ospital. Dilat na dilat ang mga mata ni Pukay nang mabasa kung gaano kataas ang lagnat ng anak. Agad siyang naghanda ng plangganita at kumuha ng tubig sa mini refrigerator. Maliit lang ang studio type apartment nila na nirerentahan kaya kaunti lang ang gamit nilang mag-ina. Alas-singko pa lang ng umaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD