CHAPTER 11
Araw ng pag-alis ni Rhuella at Kylie.
'’Joan ikaw na bahala dito sa shop ha! Siguro mga two days lang kame dun!’’pagpapaalam niya kay Joan.
’’ok ate! Ako na bahala dito,marami pa naman tayong stocks at kasama ko naman yung tatlo kaya keri na ito ate Rhuella!’’pagpapaliwanag niya.
’’baby Kylie let`s go! Paalam kana kay tita Joan!’’saad niya sa anak na nakasuot ng jumper short na tinernuhan ng puting kamison sa loob at pink na rubber shoes. Inulgay lang niya ang mahabang buhok ng anak.
Nakapondar narman siya ng kotse. Habang nabyahe silang mag-ina.
’’mommy! Pupunta na tayo na tayo kay tita Katrina!?’’tanong ng bata
"oo baby! Tapos mamasyal tayo sa malaking mall,bibili na tayo ng bago mong dolls!’’ngiting sabi niya sa anak.
'’yepi!! thank you! mommy!’’ngiti ng bata
'’welcome ! baby!’’ sagot agad niya sa anak!
’’mommy! Makita ko narin ba ang daddy ko?’’
Nagulat naman siya sa tanong ng bata hindi niya alam kung paano sasagutin ang anak.
"baby kase ano eh! Ah.. ano ka-kase si daddy mo sobrang layo ng work niya sasakay pa siya airplane pauwe kaya hindi pa natin siya makikita!’’utal niyang paliwanag sa anak. Nakita naman niyang lumungkot ang mukha ng anak.
'’baby manuod kana lang sa tablet mo ng COCOMELON sa youtube!’’pag-iiba ng topic niya at agad namang ngumiti ang bata at agad kinuha sa bag ang tablet at naging abala na ang bata sa panonood.
Kahit masama ang loob niya sa ama ng anak, hindi naman siya ganun kasama para sabihing patay na ito kaya nasabi nalang niya sa bata na nasa malayo ang daddy niya. Saka nalang niya ipapaliwanag ang lahat sa anak kapag nasa tamang edad na Ang bata.
Gabi na ng makarating ang mag-na sa bahay ni Katrina. Sinalubong naman agad siya ng kaibigan pagkalabas niya ng sasakyan.
'’Gabi na ata kayo Rhuella!? asan si Kylie?’’tanong ni Katrina.
’’nakatulog na! Ayun nasa backseat! Teka at bubuhatin ko na!’’agad niyang binuhat ang anak at dahan dahan niyang ipinasok sa loob ng bahay ni Katrina.
Dahan dahan naman niyang inilapag ang anak sa higaan at mahimbing na mahimbing na natutulog. At dahan dahan siyang lumabas ng kwarto at naabutan niya ang kaibigan sa sala na nakaupo at napaupo narin siya at napasandal dahil nakaramdam na siya ng pagod sa byahe.
'’kain na Rhuella!,ipaghahanda kita!’’sambit ng kaibigan
’’wag na Katrina! Kumain na kame ni Kylie sa fastfood, pahinga na lang siguro ako!’’
’’ganun ba! Sayang nakatulog na si Kylie. Mis na mis ko pa naman ang anak mo!’’
Napangiti naman siya.
"naku! bukas magsawa kayo sa isa`t isa, excited na excited na nga si kylie na makita ka! At habang ako bukas busy sa pag-iinventory!’’paliwanag niya.
"buti hindi hinahanap ng anak mo daddy niya!’’
’’specking halos kanina lang nasa byahe kame tinatanong niya!’’
'’ano sagot mo?’’tanong kay Rhuella
‘’syempre sabi ko nasa malayo natratrabaho daddy niya, saka ko nalang ipapaliwanag sa kaniya ang lahat pagnasa tamang edad na siya!’’
'’sus! Ewan ko ba naman sayo, napakalihim mo maski sa akin ayaw mo ishare. ganun ka ba talaga nasaktan sa ama ng anak mo?’’simangot na tanong ni Katrina.
"oo katrina kaya nga ayoko magstay ng matagl dito sa manila,dahil naaalala ko lang lahat!’’lungkot niyang sabi.
'’opo sige na hindi na kita pipilitin!, magpahinga kana! Matulog nako!’’saad ng kaibigan at agad umalis sa harap ni Rhuella. Agad narin naman siyang pumasok sa silid nila ni kylie.
Sa isang bar naman ay magkasama si Thomas at kaibigan niyang si Lance. Si Lance ang pinag-iwanan niya ng kompanya niya nung siya ay umalis papuntang state.
‘’welcome home! Bro!’’bati ni Lance sa kaniya at agad tinungga ang isang baso ng beer.
'’thanks bro! Specially sa pag-aalaga ng negosyo ko!’’sabi ni Thomas
‘’welcome bro! Kahit na napakadalang natin mag usap at magkita before eh! Pinagkatiwalaan mo ako! At thanks din sayo kase kahit paano nakaexprience ako sa negosyo para pagbinigay na sa akin ni papa ang negosyo niya hindi ako mapapahiya! Kaya thanks din bro!’’pagpapaliwanag ni Lance at napangiti naman si Thomas.
‘’cheers bro!’’saad ni Thomas at sabay sila nagkompay.
'’oo nga pala kelan ang opening mo sa bago mong negosyo? Para maipakilala kana ulit as sarili mong kompaniya dahil tatlong taon kadin nawala!’’pagtatanong ni Lance.
'’sa makawala na, yung sekretarya ko na bahala sa lahat!’’paliwanag niya
‘’good! Kase madami na nagtatanong kung sino nga ba talaga ang pinakaboss natin sa company mo! And napatanggal mo narin pala ang peklat mo! Good decision bro!’’sabi niya sa kaibigan . Ngisi lang sagot niya sa kaibigan.
‘’hello boys! Can I join!?’’sambit ng isang babae na puno ng kuliretesa mukha
'’ofcourse! Lady!’’sabi agad ni Lance. Uupo na sana yung babae ng tumayo si Thomas.
‘’I have to go Lance! Im not in the mood Bro!’’walang emotion niyang sabi
"ok bro! Kita nalang tayo sa office bukas!’’sabi ni Lance at agad namang umalis si Thomas sa bar..
Naging abala si Rhuella sa pag-iinventory ng negosyo nila ni Katrina samantalang si Katrina ay naging abala din sa pakikipaglaro sa kaniyang anak na si Kylie. Hinayaan nalang niyang magkaroon ng bonding ang dalawa. Gabi na ng matapos ang lahat ng gawain nila buti nalang at may dalawang empliyado si Katrina na kasama kaya napabilis ang pag-iinventory niya at maganda rin naman kahit paano ang takbo ng negosyo nila. Nasa sala silang mag-ina habang nanonod ng t.v.
'’mommy! Bukas punta tayo ng malaking mall tulad ng promise mo ibibili mo ako ng bagong Doll!’’biglang salita ng kaniyang anak.
‘’oo naman Kylie madami kase ginawa si mommy kanina kaya di na tayo nakapunta!’’pagpapaliwanag niya sa anak.
‘’it’s ok mommy! Hug and kiss nalang po kita! Alam ko po kase na pagod kana!’’sabay yakap niya sa kaniyang mommy at sabay halik sa pisngii nito. Agad namang gumanti ng halik sa anak.. Napakasweet talaga ng anak niya.
‘’wow! Sweet ninyo naman mag-ina ,parang gusto ko narin magkababy niyan!’’ sabay singit ni Katrina
‘’tita! Love ka din po namen ni mommy!’’ngiting sabi ng Kylie.
'’wow! Ang sweet talaga ng baby namen!’’sabay yakap sa bata
‘’group hug po tayo mommy and tita!’’pagyayaya ng bata at sabay saby silang nagyakapan. At naupo na sa sopa.
‘’wait! Rhuella may good news ako sayo!’’biglang sabi ni Katrina
‘’ano!?’takang tanong nito
‘’kase may friend ako na nagustuhan yung capcake natin! Siya kase yung naka assign sa dessert para sa gaganapin na event nila. Parang darating ata yung pinakaboss nila at alam mo ba sila yung pinaka malaking company dito satin.!’’paliwanag ni Katrina
"Talaga! Eh bultuhan ba ang oorderin kase diba event yun!’’ tanong niya
‘’yap! At isa pa pwede tayo mamigay ng calling card sa mga crew assitant ng mga event para pwede nila tayong kontakin pag may mga party na malalaki.’’
‘’oo nga nuh! Galing mo talaga Katrina, hindi ako nagkamali sayo!’’ngiting sabi ni Rhuella
‘’syempre para saan ba at naging magkasyosyo tayo s***h magkaibigan! diba!’’
‘’oo naman! Teka kelan ba!?’’tanong niya
‘’kinabukasan pa naman!, kaya pwede pa kayo mamasyal ni baby Kylie bukas, then kinabukasan ng umaga gagawa na tayo ng masarap na capcake and then before 8pm sharp dapat nasa event na tayo!’’sabi ni Katrina at tumango lang si Rhuella.
‘’ay! Teka ! pano pala si Kylie sino magbabantay!?’’alalang tanong ni Rhuella
‘’tatawagan ko nalang si mama para may magbantay kay Kylie baka kase gabihin narin ang uwe natin, balita ko kase napakadaming bigatin na tao ang pupunta sa event at higit sa lahat napaka kontrabersyal daw talaga ang pinaka may-ari ng company nayun! Kaya naeexcite ako!’’tuwang sabi niya.
‘’ako naman iniisip ko mapalaki natin ang shop pero sana lang talaga madami tayong mabigyan ng calling cards!’’sambit naman ni Rhuella.
‘’oo naman Rhuella tiwala lang!’’ngiting sabi ni Katrina.