CHAPTER 12

1980 Words
Masakit ang ulo ni Thomas ng magising siya ng umaga pero pinilit parin niyang bumangon dahil marami siyang aasikasuhin at gaganapin mamayang gabi ang pagbubukas ng bago niyang company. Naabutan niya si manang lucy sa kusina. ‘’good morning senyorito pagtimpla na ba kita ng kape mo!?’’tanong ng matanda sa binata.Tumungo lang ang isinagot nya samatanda at agad namang nagtimpla ng kape si manang Lucy. ‘’eh! Ano ba ang gusto mong ulam iho!’’tanong ulit nito ‘’manang no need na po may occasion po mamaya sa company, kaya pangsariling ulam ninyo nalang muna ang lutuin ninyo!’’saad niya sa matanda. ‘’ganun ba! Senyorito! Ay! Oo nga pala may bibilhin ako sa labas baka may ipapasabay ka senyorito!?’’ ‘’wala naman po! Akyat na ko manang, aalis pa kase ako!’’paalam ng binata sa matanda. Pagkatapos magsimba ni manang Lucy ay pumunta siya sa isang mall upang magrocery. Habang namimili ng magagandang gulay sa isang supermarket ay may napansin siyang isang batang babae na may hawak na doll at takam na takam na nakatingin sa isang bulto ng mansanas. Lumapit siya sa batang babae at dumampot ng isang mapulang mapula na mansanas at niyuko niya ang batang babae ngunit laking gulat niya na ang batang babae ay kahawig na kahawig ng isang taong malapit sa kaniya. ‘’Gu-gusto mo ba iha?’’bulol niyang sabi sa bata na agad namang sumilay sa labi ng bata ang kagalakan. ‘’opo!’’magiliw na sagot ng batang babae sa matanda at saka inabot ng batang babae ang mansanas. Napalingon naman si manag Lucy ng marinig niya ang kaniyang pangalan. ‘’Manang Lucy?’’tanong ni Rhuella sa matanda. Maaga pa lang ay naggayak na silang mag ina na mamasyal sa isang mall tulad ng ipinangako niya sa kaniyang anak ay binilihan niya ito ng Doll at nagpunta narin sila sa mga rides ng mall. Nang pauwe na silang mag-ina ay naisipan ni Rhuella na maggrocery muna. Habang abala siya sa pamimili ng mga bibilhin ay hindi niya napansin na humiwalay pala sa kaniya Kylie, kaya hinanap niya ang kaniyang anak at ng may mapansin siyang isang matanda na kinakausap ang kaniyang anak at ng papalapit ng papalapit siya sa mga ito ay biglang nagrehistro sa kaniyang mga paningin ang isang matanda na pamilyar na pamilyar sa kaniya kaya bigla nalang lumabas sa kaniyang bibig ang panagalan ng matanda.. Agad namang lumingon ang matanda sa kaniya. ‘’Rhuella!? iha! Ikaw nga ba iyan?’’ '’opo! Manang Lucy ako nga po ito!’’at di niya napigilan na yakapin ang matanda. At ng maghiwalay sila. ‘’mommy! Binigyan po ako ni lola ng apple!’’sabay sabat ng batang babae ‘’mo-mommy!?’’takang tanong ng matanda at agad lumingon kay Rhuella. ‘’Manang lucy,Ipapaliwanag ko po! Hanap lang po tayo ng lugar kung saan pwede tayo mag-usap.’’pakiusap niya sa matanda. Sa isang food court niya dinala ang matanda samantalang si Kylie ay dinala niya isang playing rent na katabi lang din ng Food court. ‘’Iha! Ano bang nangyari sayo! At umalis ka nalang!?’’takang tanong ng matanda.Huminga siya ng malalim atsaka sinagot ang matanda. ‘’Manang patawarin mo ko pero hindi ko na alam gagawin ko noong mga panahaon nayun!! mahal na mahal ko na si Thomas at dahil sa pagmamahal ko sa kaniya ay handa akong ibigay ang kaligayahan niya.’’lungkot niyang sagot sa matanda ‘’anong ibig mong sabihin Rhuella?’’ ‘’diba po! Kasama na nya sa buhay si Steffani ang totoong mahal niya!’’ ‘’ha!? Steffani!?’’takang tanong ng matanda ‘’opo! Umalis ako para lumigaya na sila sa isa’t isa!’’ ‘’ano bang pinagsasabi mong bata ka! Walang Steffani sa buhay ni Thomas!’’ ‘’a-ano po manang?’’taka niyang tanong ‘’ang sabi ko kailanman ay hindi na binalikan ni Thomas ang babaeng yun! Simula ng umalis ka sa bahay ay unti unti na ulit naging malungkot at malamig ang buhay ng alaga ko Rhuella!’’paliwanag ng matanda. ‘’wala nako pakealam manang sa kaniya! Siguro ngayon may mahal na siyang iba!’’ ‘’hindi mo pwedeng sabihin iyan Rhuella lalo na at malaki parin ang ugnayan mo sa kaniya.’’sabi niya at natahimik naman si Rhuella. ‘’alam ko kahit hindi mo sabihin Rhuella si sir Thomas ang ama ng anak mo!, alam mo ba unang kita ko palang sa anak mo ay nakita ko na agad sa kaniya ang itsura ng ama niya, para bang babaeng Thomas.’’ ‘’manang humingi po sana ako ng pabor na kung maaari ay huwag ninyo sabihin kay Thomas ang tungkol kay Kylie!’’pakiusap niya sa matanda. Napabuntong hininga naman ang matanda. ‘’kahit labag sa loob ko nais mo Rhuella, sige hindi ko ipapaalam kay senyorito dahil alam ko tadhana na ang gagawa ng paraan para muli kayo ay magkita.’’paliwanag ng matanda. Napangiti naman si Rhuella. ‘’salamat po manang Lucy!’’ngiti niyang sabi ‘’napakaganda ng anak mo eh! Ilan taon naba si Kylie!?’’ ‘’tatlong taon lang po!’’ ‘’hani! Tatlong taon lang pero diretso na magsalita!’’ ‘’opo manang hindi ko po kase baby talk astaka po mukhang nakuha niya kay Tomas ang katalinuhan!’’ ‘’ay! Siya nga! Nakakatuwa naman talaga! Ay siya nga pala Rhuella simula ng umalis ka ay madalas bumibisita ang iyong ina sa mansiyon lagi tinatanong sa akin kung nakabalik kana!’’lungkot na kwento ng matanda na agad namang ikinalungkot ni Rhuella. ‘’si nanay! Sobrang mis na mis ko nadin po sila ni lola!’’ ‘’bakit hindi mo sila dalawin iha! Siguradong matutuwa sila! Dahil mis na mis kana rin nila.’’ ‘’malapit na manang paghandang handa na ko humarap sa kanila babalikan ko sila!’’mangiyak-ngiyak niyang salita. Tanging ngiti lang ang isinagot niya kay Rhuella. Kinagabihan ay maaga nag-ayos sina Rhuella at Katrina ng mga order sa kanila sa isang malaking hotel kung saan gaganapin ang malaking event. Isang oras bago magsimula ang event ay kailangan na makapunta na sila sa Hotel. ‘’Rhuella ok na napagkasya ko na lahat ng natirang cupcake sa likod ng kotse mo,puno na kase sa back sit eh!’’sabi ni Katrina kay Rhuella. ‘’good Katrina! let’s go baka ma late pa tayo nakakahiya naman sa client natin’’at agad naman silang sumakay sa kotse at pinaandar ang saksakyan. ‘’grabe Rhuella excited nako sa event gusto ko na makita yung pinaka boss ng company nila, balita balita kase napakagwapo daw ha! At bachelor of the year talaga daw!’’ kilig na salita ni Katrina ‘’talaga! So marami nga talagang pupunta na kilalang mga tao dun at mga bigatin pa!’’ komento niya ‘’yah! Malay mo makahanap na tayo ng forever natin dun!’’sabay ngiti ni katrina ‘’ang forever ko si Kylie lang!’’saad niya ‘’ang KJ mo talaga Rhuella!. anyway ang ganda ng sout mo ha ang sexy mo jan!’’ ‘’sexy!? nakapalda lang naman ako at pormal polo pink shirt na pang babae suot ko! Sexy bayun? Kaw nga ang sexy diyan Katrina naka palda kadin at halos kulang nalang ipakita mo clevege mo!’’ ‘’ano kaba Rhuella fasion niyan! Hindi lalagpas sa tuhod yang palda mo kaya Lutang na lutang ang kaputian mo tapos hubog na hubog pa yang katawan mo sa damit mo sana all nalang talaga may dibdib!’’sabay tawa ni Katrina. ‘’ito lang kase nadala kong damit na medyo pormal! Pangit ba?’’ ‘’hindi noh! Ang ganda nga eh mas maganda ilugay mo nalang yang buhok mo maikli nalang naman eh!’’saka dali-dali niyang tinanggal ang puyod sa buhok ni Rhuella. ‘’ayan! Perfect!’’tuwang sabi ni Katrina. ‘’uy teka Katrina malapit na tayo!’’sabi ni Rhuella at saka ipinark ang kotse niya at dali-dali silang lumabas at dinala lahat ng mga box na may lamang cupcake. Namangha silang dalawa sa laki at ganda ng hotel at halos malula sila sa dami ng pagkain na nakahain na halatang mamahalin ang mga pagkain. Hanggang may lumapit sa kanila na isang babae. ‘’Excusse me po! Kayo po ba yung contact ng organizer para sa cupcake dessert?’’ ‘’ay! Opo !’’sagot ni Katrina ‘’this way nalang po para mailatag na yung dessert!’’sagot nung babae at agad sila dinala nito sa area ng mga matatamis na pagkain halos mamangha sila sa dami at ganda ng preperation ng mga pagkain. ‘’grabe ang ganda naman dito at nakakatakam mga pagkain nila!’’sabi ni Rhuella ‘’oo nga eh! Ayun na yung mga baby cupcake natin nilalagay na nila sa table grabe! Ang dami ding mga waiter dito!’’pahayag ni Katrina. ‘’oo nga eh! Nagsisipagdatingan na yung mga tao! Basta Rhuella pagnagkainan na sila at mapansin natin yung mga mukhang assitant mamigay na tayo ng calling card para may mga suki natayo!’’tuwang sabi ni Rhuella. Hanggang nagsipagdatingan na nga ang mga tao. ‘’grabe Katrina halos lahat ng mga dumadating mga kilalang tao talaga! Ganun ba kayaman at kasikat ang sinasabing boss nila!?’’manghang tanong ni Rhuella. ‘’malamang Rhuella! Ayan na yung CEO nagsasalita na!’’sabi ni Katrina habang tanaw na tanaw nila mula sa stage ang isang lalake. Na may hawak na mike. ‘’good evening every-one! First of all thank you for coming this night! Alam ko na matagal niyo na hinihintay ang pagbabalik ng nag-iisang boss ng ating company for almost 3years na pagkawala dito sa pilipinas ay bumalik siyang muli.’’sabi ni Lance at isang magarbong palakpakan ang narinig niya mula sa mga tao. ‘’ladies and gentle men! Our president Mr.Thomas Madrigal!’’ Halos lumakas ang palakpakan ng mga tao ng lumabas mula sa backstage si Thomas na nakasuot ng black suit na ikinalakas ng dating nito at lalo nitong ikinakisig At ikinagwapo. ‘’thank you everyone! At salamat din sa aking bro s***h CEO of my company,nung nawala ako alam ko na na sa mabuting kamay ang company ko at ngayon nga muli na naman po akong magbubukas ng isa pang building kaya sana hanggang sa huli ay suportahan ninyo ako! Maraming salamat sa lahat! And enjoy the night!’’ ngiti niyang sabi. Halos manghina ang tuhod ni Rhuella sa nakikita. ‘’totoo bang si Thomas ang lalakeng yun!?tanong niya sa kaniyang isip. Lalo lang siyang nanghina ng marinig niya ang boses nito buti nalang at napahawak siya kay Katrina. ‘’ok kalang Rhuella? Bakit ganiyan mukha mo para kang nakakita ng multo!’’ ‘’ah hindi! Ok lang ako Katrina siguro ano napagod lang ako!’’pagsisinungaling niya ‘’sure ka ha! Grabe nuh! Ang gwapo talaga nung Mr. Madrigal pero parang nakita ko na siya diko lang matiyak!’’takang sabi ni Katrina. ‘’ah! Katrina excuse lang pupunta lang ako sa comfort room.’’hindi na niya hinintay sumagot Ang kaibigan at agad na naglakad ng di niya namalayang may nakabanggaan siya na waiter kung saan may dala itong tray na may laman na baso ng wine at natapon sa damit niya. ‘’ay! Mam sory! Po!’’ paghingi ng paumanhin ng waiter. ‘’it`s ok kasalanan ko hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko!’’paliwananag din niya habang pinapagpag ang sarili. ‘’sor…’’ hindi na natapos sabihin ng waiter ang nais niyang sabihin kay Rhuella ng biglang may nagsalita sa likod ni Rhuella. ‘’what happen!?’’baritonong saad ni Thomas. Pagtapos niyang magsalita sa stage ay agad siyang bumaba upang kausapin ang mga kaibigan at mga kasyosyo sa kaniyang negosyo. Nang hindi niya sinasadyang mapatingin sa isang babae na nakabungguan ang isang waiter, hindi na sana niya papansinin ngunit ng makita niya ang babae ay may biglang pamilyar na mukha ang naalala niya kahit ito ay nakaside-view lang. Kaya agad niya itong pinuntahan at pumuwesto sa likod ng babae at nagsalita. ‘’what happen!?’’ baritonong saad ni Thomas ‘’kase sir nagkabungguan po kame ni mam!’’paliwanag ng waiter Kahit hindi lingunin ni Rhuella ang lalakeng nagsalita ay alam na niya kung sino ang nasa likod niya. ‘’excuse me Ms. Are you ok!?’’tanong ni Thomas ‘’ok lang ako!’’agad niyang sagot at itinaas lang ang kamay niya na hudyat na ok lang siya. ‘’you better to turn-around and face me even when you talk someone Ms.!’’ saad ni Thomas dahil medyo nabastusan siya sa inasal ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD